chapter thirty:

8K 197 3
                                    


"Trish Enzo's here!!"

Agad akong natigilan sa sigaw ni Sunny. Agad kumalabog ang puso ko sa narinig ko. He's here pero tapos na! Ano pa ang gagawin niya dito? Unti unti akong nakaramdam ng galit na nabubuo sa sistema ko na kanina ko pa pinipigilan. Gusto kong magpaliwanag siya sa akin! At gusto ko na tama ang isasagot niya.

Pagbaling ko sa kanila ay nakita ko si Enzo na kasama sila Sunny. Alam na alam ko na pinapagalitan nila Enzo dahil sa mga itsura nila. Bumaling siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Mukha kasi siyang hingal na hingal. Saan siya galing?bakit ganyan ang itsura niya? Ng makarating ako sa kanila ay natahimik agad sila.

"It's okay guys.. can you let us talk?" Seryosong sabi ko sa kanila. Tumango sila pero nakita ko ang pag-iling ni Maico at ang masamang tingin ni Zion kay Enzo.

"You sure?" Sagot si akin ni Zion , kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Huminga ako ng malalim at tumango.

Katahimikan. Alang nagsalita sa amin ni Enzo nung nakaalis na sila.

"Tricia I'm sorry.... Sorry kung hindi ako umab-"


Hindi ko naantay na matapos ang sasabihin niya dahil nabuo nang tuluyan ang galit sa buong sistema ko.

"Where have you been?" Agad siyang natigilan sa tanong ko. "You promised to be here Enzo.." nakita ko ang pagod at lungkot sa mga mata niya.

"Tri-c-ia.."nauutal na sabi niya.

"Saan ka galing??"Hindi ko na napigilan na hindi mapasigaw dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko.
Agad siyang napapikit at namutla.

"Si ano-"Nauutal na sabi niya.

"Sino Enzo?" Madiin sagot ko.

"Si Moni-ca.."

I smiled bitterly. So it's her again?
Fucking Monica again!

"So it's her again?" mapait na sabi ko habang pinipigilan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko.

"You told me not to bring her! may nangya-" iritableng sabi niya kaya agad ko siyang sinampal. Siya pa ang naiinis?

"Yeah.. I told you not to bring her, but you didn't bring yourself either." Isa isa ng nagbagsakan ang luha ko. Kahit ano gawin ko mas mahalaga pa din si Monica. She will always be Enzo's number one. Hindi siya nagsalita. Kitang kita ko ang takot at lungkot sa mga mata niya.

Patuloy pa din ang pag-agos ng luha ko. Dahan dahang lumapit si Enzo sa akin kaya napa-atras ako.

"Tricia.. I'm sorry.." malambing na sabi niya.

Napailing ako sa kanya. Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Kitang kita ko ang takot doon.

"What for Enzo?"malamig na sabi ko.

Pagod siyang huminga ng malalim gumuhit ang galit sa mga mata niya.

"What the hell is your problem Patricia??" Literal akong natulala ng sumigaw siya. Tinitigan ko siya sa mata kaya mabilis na naman umamo ang mukha niya.


"What the hell is my problem?"seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ikaw Enzo!Ikaw!" Pasigaw na sagot ko sa kanya.

"Tangina!ang manhid mo! Ang manhid manhid mo! Lahat naman binigay ko seyo pero Ito lang Enzo.. ito lang ang hiningi ko sa iyo hindi mo pa nagawa!"


"I said I'm sorry okay? Ano ba problema? Will please stop your drama?Pagod ako!"galit na sabi niya habang nakatingin sakin. I looked at him with disbelief and smiled bitterly. He is numb! Wala siyang kwenta!

"Pagod?" sarkastikong sabi ko."PAGOD NA PAGOD NA DIN AKO SEYO!PURO SARILI MO LANG ANG INIISIP MO!WALA KANG KWENTA!NAGHINTAY AKO ENZO!UMASA AKO!WALA AKONG HININGI SEYO ALAM MO YAN!ETO LANG!PERO WALA EH SI MONICA PA DIN!"nanginginig na sabi ko habang pinupunasan ang luhang umaagos sa mukha ko.

"Ano ba kase problema kay Moni-"

I cut him off again.

"Manhid kana! Tanga kapa! "Umiling ako habang natatawa. Masisiraan na yata ako ng ulo. "Nagseselos ako Enzo! Nagseselos ako kase mahal kita! Mahal na mahal kita.. Minahal kita kahit alam kong hindi mo ako kayang mahalin. Kahit gustong gusto ko na sabihin seyo na habang si Monica ang inaatupag mo sana ako naman.. Sana ako nalang!! Hindi ko naman ginusto ito eh pero ala eh hulog na hulog na ako. Ang sakit eh! Ang sakit ng lagapak ko!!"

Nalaglag ang panga niya sa haba ng sinabi ko. Nakita ko ang bahgyang pagpula ng mga mata niya. Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat at panlulumo. Natawa ako sa sarili ko! I'm so pathetic!

Hinila ko ang laylayan ng gown na suot ko at mabilis tumakbo palabas ng hotel. Ni hindi ko na nga pinansin ang mga taong sabay sabay naglingunan sa akin. Nakarating ako sa parking lot na hingal na hingal at iyak ng iyak.  Napaayos ako ng tayo ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Zion.."

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon