Sinundo ako ni Enzo after class. Buti naman at wala na ang alipores niyang si Sydney. Wala nga si Sydney kasama niya naman ang dalawang buset din sa buhay kong kaibigan niya. Sina Zion at Maico. Galeng din pumili ng friendship ng mokong na ito 'puro gwapo', eversince naman kasi, silang tatlo na ang magkakasama. Kaya pag kasama ko sila, ako ang naloloka.
"Ano ba kayo, ang ingay niyo naman!" Sigaw ko sa kanila. Paano, nakakairita! sinasabayan ang music sa radio pare-pareho namang sintunado. Lalo na itong si Enzo kung maka kanta wagas akala mo naman ang ganda ng boses niya. Tumahimik sila bigla kaya medyo kinabahan ako. Pag tahimik kase sila palaging ako ang pinagtitripan nila.
"Hahahaha!" Sabay sabay tawa nila. Paano binato nila ako ng chips na kinakain nila kaya nagkasabit sabit na sa buhok ko. Ang sasama nila talaga sakin. Ang bubully pa!
" Tricia, para kang christmas tree!" Abo't ang pagtawa ni Maico sa akin. I rolled my eyes.
"Gago mo, Maico!" Umabante si Zion at tinulungan akong tanggalin yung mga chips sa buhok ko.
"Tssss.." rinig kong sabi ni Enzo.
"Kayong tatlo!" dinuro ko sila isa isa. "Paglake ko humanda kayo, mag uunahan kayo sa pila para ligawan ako.." nagpout ako kase naiinis ako, pakiramdam ko aping api ako sa kanila.
Nakita ko naman sa side vision ko na mag kasalubong na naman ang kilay ni Enzo, habang yung dalawa naman ay humagalpak ng tawa. Ano naman nakatawa sa sinabi ko?
"Don't me Tricia, pwede pa si Zion." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Maico. Halos masusob ako ng biglang mag preno ng sasakyan si Enzo, nagka umpugan naman ng ulo si Zion at Maico. Biglang tumigil ang dalawa sa pagtawa sabay hawak sa mga ulo nila dala ng saket sa pag kakaumpog sa isat isa. Nagkatinginan kami ni Enzo at sabay humagalpak ng tawa.
"What the fuck dude!" Magkasabay na sabi ng dalawa. Ngumisi lang si Enzo at mabilis lumabas ng sasakyan.
"What are you waiting for?" magkasalubong na naman ang kilay niya habang nakatingin sa amin tatlo. Bipolar talaga! Kinalas ko ang seatbelt ko at sunod na bumaba, hindi ko din kase namalayan na nandito na kami sa Flavours.
"Hi, my.." patakbo akong lumapit kay mommy sabay halik sa pisngi niya. Kasunod ko naman ang tatlong gago-- este gwapo na mga ito at nag mano kay mommy.
"Kamusta kayo?" nakangiti sa amin si mommy habang paupo na kami. "Wait, kuha ko lang kayo ng mirienda." Tinawag ni mommy ang helper niya.
"Stawberry for, Pat," Napakunot ang nok ko. Pat na naman? sumimangot ako kaya natawa si mommy.
"My, naman eh.." natawa naman si mommy dahil sa pagsimangot ko. Tapos yung dalawang lalaking haliparot eh panay na ang pag papa cute sa ibang studyante sa iba't ibang table. Si Zion naman tahimik lang tas nakatabi sa akin. Mag kakaiba kase sila, si Enzo same lang kay Maico ang ugali pati pananlita, pero kung kay Maico lang at kay Enzo, mas matindi mang babae si Maico. Si Zion naman misteryoso tsaka aloof sa tao. Kami lang ang kinakausap niyan.
"Okay, okay!" Pagsuko ni mommy.
"Strawberry for Tricia, Chocolate for Enzo and cookies and cream for Maico and Zion." Kabisado na ni mommy yung mga gusto namen. Eh halos araw-araw na kami dito eh minsan nga naiinis na ako ang yayaman kase nila palagi nalang silang libre dito.
"Hmmm....Tita, ang sarap talaga ng icecream dito.." Panay ang subo ni Maico kaya naman natawa si mommy sa kanya.
"Dude, malapet na ang ball ah? May date na ba kayo?" tanong ni Maico kay Enzo at Zion na ngaun ay apura ang kain. Eto namang malanding katabi ko ay di mapakali sa kaka kindat sa mga babae sa gilid.
"Aray naman Pat! ang saket ah." himas ni Enzo ang kanyng ulo dahil sa pag kakabatok ko. Bumaling siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin pero nagpeace-sign ako. Ang landi kase umabot na sa ibang planeta.
"Ano nga iyon, Maico?" Tanong ulit ni Enzo sa kanya.
"Sabi ko, may date kana ba sa ball?" Umirap si Maico dala ng pagkairita kay Enzo.
"Yup, Si Ashley Hermosa." Laglag ang panga Maico ng sumagot si Enzo. Tapos si Zion naman tahimik lang at nakatingin sa akin. Gusto ko tuloy mailang, pakiramdam ko kase may dumi ako sa mukha.
"Tangina ka dre! jackpot yun ah!" Ngumisi si Enzo tsaka sila nagfist bump ni Maico. Bunganga talaga, mabuti nalang at nakatalikod si mommy.
Si Ashley Hermosa ang cheerleader ng highschool. Maganda siya at balingkinitan ang katawan, pero may pagka-brat anak mayaman din kase.
"Ikaw Zion, sino date mo?" Bumaling si Enzo sa kanya habang nakangisi. Ilang minuto natahimik si Zion. Tapos tumitig ulit siya saken kaya naman napayuko ako. Ano ba problema niya?may dumi ba ako sa mukha?ang awkward tuloy ng feeling.
"Wala pa, di ko pa naaya eh." Seryosong sabi ni Zion.
"Tss.. ang hina mo talaga manong Zion.." tinignan siya ng masama ni Zion. Ang lakas din naman kase mang asar ni Maico eh.
Tumahimik ulet si Zion at bumalik ang tingin sa akin. Napansin ko din na palipat lipat ang tingin sa amin ni Enzo pero nakakunot ang noo niya.
"Tricia.." malumanay na tawag sa akin ni Zion. Bumaling ako sa kanya at hinintay ang susunod niya na sasabihin.
"Pwede ba ikaw maging date sa ball?" Umiwas agad ng tingin si Zion ako naman ay nanlaki ang mata dahil sa gulat. Ako talaga? muntik pa nga akong mabilaukan ng icecream na kinakain ko.
Si Maico naman ay biglang pumalakpak at may sipol pang kasama. Si Enzo naman ay natahimik at galet ang mukha, problema niya?
"Hahaha! dude seryoso? tignan mo nga, ang panget kaya ni Pat, parang lalake pang kumilos, wag na yan!" Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinsulto, grabe naman si Enzo. Sira ulo! panget daw ako at mukhang lalake kumilos? humanda ka saken!
Napasinghap ako ng biglang nagsalita si mommy mula sa likuran ko.
"Baket di ka pumayag Tricia, para maranasan mo umattend ng ball kasama sila.Huling taon na nila ito diba?" tinapik ni mommy ang balikat ko. May punto naman siya doon. Kung kanina ay parang hindi humihinga si Zion eh biglang namula ang pisngi niya na parang bang nakahinga ng maluwag sa sinabi ni mommy.
Pero may isang epal talga dito na hindi mapigilan mag kumento.
"Are you sure si Pat talaga, Zion? Tss.. goodluck!" ngumisi siya at pinagpatuloy ang pagkain ng icecream. Porke ba gwapo siya ganoon nalang niya ako laitin? humanda ka saken Martinez. Pag ako nag-ayos I'm sure pati brief mo malalaglag. Humanda ka sa ball! Si Maico naman ayun naglalandi na sa kabilang table.
Umirap pa ako kay Enzo bago bumaling kay Zion. Akala mo ha!
"Yes, ako na ang date mo sa ball, Zion." Lumaki ang ngiti sa mukha ni Zion. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Enzo na magkasalubong na naman ang kilay. Umirap ako sa isip ko humanda ka! Panget pala ah.
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Novela JuvenilThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...