chapter four:

12.9K 277 3
                                    


Ball...

Inaayusan ako ni mommy ngaun dahil ilang oras nalang ay dadating na si Zion para sunduin ako.Napili kong isuot ay isang tube na gown na kulay light pink.Kinulot ni mommy ang dulo ng aking buhok kaya ngaun ay nilalagyan na niya ako ng make-up. Napapaiwas pa nga ako minsan kase hindi naman ako sanay sa ganitong bagay.

""Tricia anak!ang ganda mo dalaga kana anak.."masayang masaya si mommy. Hindi naman kase ako nag aayos kaya halata kay mommy ang pagkamanghanga.

Halos hindi ako makapaniwala sa aking itsura ng tumingin ako sa salamin.

"Wow! ako ba talaga ito?"Bahagya akong umikot dahil sa pagkamangha sa sarili ko. Hindi ko akalain na gaganda ako ng ganito. Tumango si mommy sa akin na malaki pa din ang ngiti tsaka bahagyang inayos ang gown ko.

Biglang kumatok si manang kaya tumayo na ako.

"Mam nandito na po ang sundo ni Pa..!"
Ngumuso ako ng marinig ko si manang na tawagin akong Pat. Si manang talaga.

"Sige sabihin mo pababa na si Tricia.."Tumango si manang at sinara ang pinto ng kwarto ko.

Nang bumaba ako ng hagadan ay hindi ko maiwasan mapakunot ang noo. Titig na titig sa akin si Zion kaya hindi ko maiwasan na mailang.

"Hi Zi.." Bahagya akong ngumiti si kanya. Hindi pa din gumagalaw si Zion kaya naman nag snap ako sa harap niya.

"Panget ba?" Doon na natauhan si Zion at ngumisi. Hindi ko maiwasan pamulahan ng pisngi dahil sa kakaibang tingin na binibigay niya.

"Sorry.."nagiwas siya ng tingin."Ano- hindi ang ganda mo kaya.." hindi pa din siya makatingin. Kitang kita ko ang pagpula ng pisngi niya kaya natawa ako. Matagal ko na silang nakakasama pero ngaun lang ako pinuro ni Zion ng seryoso.

"Tita alis na po kami.." Tumango lang si mommy at hinatid kami hanggang sa sasakyan ni Zion.

"Mag-iingat kayo Zion at Tricia.."Tumango ako at humalik sa pisngi ni mommy.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan mailang dahil panay ang tingin ni Zion sa akin.

"Hey.." Untag ko sa kanya.

"Baket tingin ka ng tingin?panget ba?"
Umiling lang si Zi at ngumiti. Pabalik balik pa din ang tingin niya sa akin.

"No Tricia..naninibago lang ako seyo ngaun ang ganda mo pala pag naayusan ka..sana palagi kang ganyan."

Bahagya kong hinampas si Zion kaya natawa siya. Sabi na eh. Hindi lilipas ang minuto na hindi ako aasarin niyan. Ok na eh. Bigla naman akong napaayos ng maisip ko si Enzo. Nandun na kaya iyon?anu kaya magiging reaksyon niya pag nakita ako?eh no question about sa itsura ni Enzo eh kahit naman ano ayos nun gwapo pa din yon.

Dumating kami ni Zion sa venue nila, medyo nahuli nga kami dahil sa traffic.

Ninenerbyos ako dahil puro seniors ang nandito.Ang gaganda nila kinakabahan tuloy ako,nagpaalam ako kay Zion para pumunta sa cr medyo naiihi kase ako dahil sa nerbyos.

"Zion wait lang cr lang ako ah.." tumango siya sa akin kaya tumuloy na ako sa cr.

Enzo's POV

Nasa loob na kami ng hotel ni Maico pero hindi pa kami pumapasok sa pavillion dahil hinihintay pa namen si Zion at Tricia. Kaya piauna na namen pumasok ang mga date namen including Ashley.

"Dude ganda ng date mo ah.. panalo!" Biglang sabi ni Maico habang apura ang pagpapa cute sa mga girls na pumapasok. Ngumisi ako sa kanya.

"Ako pa ba dude?" nagkatinginan kami ni Maico sabay tawa.

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon