Pangalawang araw ng foundation day ngaun at ngaun din ang araw ng game nila Enzo.Nagmamadali kami ni Sunny magligpit para makahabol sa umpisa ng game. Nandito kasi kami sa hall kung saan ginaganap ang pag-ke-cater namen sa mga prof ng school.
"Bilisan naten Trish!" natatarantang sabi ni Sunny.
Ng matapos kami ay sabay kaming nagbihis sa cr. I forgot to tell kahapon after ng mga activities sa school ay nag shopping si Sunny. Siya naman ang minake over ko. Maganda din naman si Sunny kaya lang katulad ko late bloomer din.
"Ganda ni Sunny."ngumiti ako sa kanya kaya naman namula ng bahagya ang pisngi niya.
"Totoo ba Trish?.."nahihiyang sabi niya.
"Oo naman..dalawa nalang tayo maglolokohan paba tayo?"
Masaya kaming lumabas ng cr. Agad akong ginapangan ng kaba dahil madami na naman nakatingin sa amin. Tapos yung iba eh nagbubulungan pa.
"Si Tricia at Sunny yun diba? ang ganda pala nila..." lumingon ako kay Sunny na taas ang noo habang naglalakad. Thats what I like about her kahit anong situation nadadala niya. Hindi ko nalanh sila pinansin. Pag ba nag ayos ka bigdeal na?
Pagpasok namin ng gymnasium ay nakahinga kami ng maluwag ng hindi pa nagsisimula ang game. Umikot kami sa harapan para makarating sa bleacher malapit kila Enzo. Natigil ako agad ng biglang may lalaking nagsalta.
"Tricia cheer mo ako mamaya para manalo kami.."sabay tilian ng mga kasama niyang lalake.
Napangiti nalang ako sa kanya.. ang totoo hindi ko naman talaga siya kilala eh.
"Fuck you! de Ocampo!akin to!" Nalaglag ang panga ko ng biglang sumulpot si Enzo at inakbayan ako. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin doon sa lalaki.Hindi ko nga alam kung mangingiwi ako or kikiligin ako sa ganiwa niya. Lalo na sa word na 'akin to'.
"Girlfriend mo?" Sigaw pabalik ng lalaki kay Enzo. Napatingin ako kay Enzo na biglang tumahimik at sumeryso ang mukha. Ano drama niya?
"Bestfriend ko.."seryosong sabi niya sabay iwas ng tingin sa kanila.
"Tsss..bestfriend lang pala maka-angkin ka wagas!"sigaw nung de Ocampo tsaka sila nagtawanan nung mga kasama niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Enzo sa balikat ko. Tumalikod kami dun sa grupo nila de Ocampo at sabay naglalakad patungo sa blechers nila.
Nagsimula na ang laro nila. Kung malakas ang hiyawan pag practice game nila ay dumoble pa ito ngaun.
"Martinez ligawan mo ko!!!!"
"ENZO! mahal na mahal kita!!!!"
"Zion mag-date tayo!!!"
"Maico!momo tayo mamaya..."
"Iloveyou!Enzo!"
"Iloveyou Zion!"
"Touch me Maico!"
Kaliwat kanan ang sigawan ng mga babae dito sa loob. Halos lumabas na ang mata ko kakairap sa bawat pag tili nila para kay Enzo. Si Sunny naman ay tahimik lang at nakamata sa laro. Sa di kalayuang bleacher ay nakita ko si Monica at ang mga classmate namen. Bigla nalang sumama ang pakiramdam ko.
"GO ENZO MARVIE MARTINEZ!"sigaw ko na sinegundahan naman ni Sunny. Nawala ang ngiti ko ng sigaw pabalik si Monica.
"Go Enzo baby!" nagpalakpakan pa ang mga kaklase namen sa pagsigaw ni Monica na para bang kilig na kilig. Seryoso lang ang mukha ni Enzo na parang badtrip pa din. Nalingon ako kay Maico ng bigla siyang sumigaw. Tas si Zion nakatingin lang sa akin habang hingal na hingal
"Sunny Tricia paano naman kami ni Zion??"Napangiti ako sa kanya. Kahit kelan talaga si Maico pampam.
"Sunny cheer mo daw si Maico.."ngumisi ako sa kanya kaya umirap siya.
"No way!" Sagot niya. pero nagulat ako ng umigaw siya bigla.
"GO MAICO!TAMAAN KA SANA ULET NG BOLA!" Umiling ako sa kanya. Palagi nalang kasing nag aaway silang dalawa. Ngumiti lang si Maico kay Sunny at kumindat.
"Zion i-shoot mo!"sigaw ko kay Zion dahil mag fe-free throw ngaun siya.
Ngumiti si Zion sa akin at tinira ang bola na pumasok naman. Nagkagulo ulit ang crowd. Nakita ko si Enzo na tajimik lang sa gilid at umigting ang panga. Ano ba kase problema niya?
Ng matapos ang game ay panalo sila Enzo dahil na din sa huling tira niya. Halos mabingi ako sa part na yun dahil naglundagan ang mga kababaihan at sabay sabay naghiyawan. Pupunta sana ako kay Enzo para dalan siya ng tubig at punasan ng pawis pero hindi ako makadaan sa sobrang dami ng tao na nakapalibot sa kanila.
Nung malapit na ako makalapit kay Enzo ay agad akong nanlumo ng makita ko si Monica na nasa tabi na niya at pinupunasan ng pawis si Enzo. Nakatingin sila sa isa't isa at parehong nakangiti. Agad bumigat ang pakiramdam ko. That should be me. Tumalikod na ako dahil sa biglang pagbigat ng pakiramdam ko. Damn this feeling. I can't own him.
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Novela JuvenilThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...
