Nakipagkita kami ni Zion kay ate Zyrine sa mall. Kumain kami sa isang seafood resto. Puro tawanan at kamustahan lang ang nangyari. Naglalakad kami ngaun sa parking ng mall para umuwi medyo late na din kase.
"Thanks for the time Tricia..sa uulitin."ngumiti si ate Zyrine.
"Sure ate!anytime. Thank you din.." lumakad siya palapit sa akin at niyakap ako.
"By the way Zi take care of Tricia ah?"Isang nakokolokong ngiti ang binigay niya kay Zion kaya pinalakihan siya nito ng mata. Nakita ko pa ang bahagyang pagpula ng pisngi ni Zion. Seriously?the mysterious guy Zion Drake Mercado blushing?
"You two look good together.." pahabol pa niya. Ako naman yata ang nag-blush dahil sa sinabi ni ate Zyrine. Ngumisi siya ng kumunot ang noo ni Zion sa kanya.
Napasinghap ako ng hawakan ni Zion ang kamay ko at inalalayan akong sumakay ng kotse niya. Tahimik lang si Zion at bahagyang tumitingin sa akin habang nakangiti.
"Thanks for joining us Tricia.."
masayang sabi ni Zion. Napakunot ang noo ko dahil sa ngiti ni Zion na hindi mawala wala. Minsan hindi ko din maintindihan ang ugali niya eh,sa sobrang mysteryoso at tahimik niya mahirap hulihin ang nasa loob niya very rare na maging ganito siya.."Alang problema Zi masaya dun nama ako." Ngumiti nalang ulit ako sa kanya.
Ng makarating kami sa bahay ay bumaba agad ako ng sasakyan niya.
"Salamat Tricia.." umiwas ng tingin si Zion sabay pinaandar ang sasakyan niya. Natigil ako sandali ng bigla kong maalala si Enzo. Hindi na niya kase ako masyadong naiihatid or nasusundo. I'm hoping na hindi lang si Monica ang pinagkakaabalahan niya.
-----
Kinaumagahan ay maaga akong dumating sa school, naabutan ko ang mga kaklase ko na may kanya kanyang buhay. Ngumiti ako ng makita ko si Sunny na nakikipag kwentuhan sa iba namen kaklase.
"Trish.."Agad siyang tumayo at hinalikan ako sa pisngi. Yan nama ang gusto ko kay Sunny kahit may pag pranka siya ay malambing siya pagdating sa akin.
"May menu kana ba sa gagawin naten sa school fest?" Nanlaki ang mata ko sa kanya sabay napakamot ako sa ulo. Nakalimutan ko talaga iyon. Masyado kase akong naging occupied kakaisip kay Enzo. Kung may bayad nga lang ang pagiisip mayama na siguro ako kaka-overtime.
"Ahhh..ehh.."hindi ako makatingin ng diretso kay Sunny. Agad siyang umiling.
"Seryoso Tricia? ang valedictorian ng highschool ay wala sa school ang isip?"
Humili ako ng isang chair at mabilis naupo. Ang ingay naman kasi ni Sunny.
"Oo na!sorry na po mommy.." sarkastikong sabi ko sa kanya.
Habang nag aayos ako ng gamet ay lumapet sa akin si Monica. Ewan ko ba pero napawi ang ngiti ko ng makita ko siya. Naiinis ako kase siya ang gusto ni Enzo. But I dont want to be rude. Wala naman siyang kasalanan kung tutuusin ako yata ang may problema dito.
Bigla ko nalang naalala ang sinabi ni Enzo na ask her to date him.Tsss ano ba pinaggagawa ko?alam niyo yung feeling na ayaw mo na gusto mo at the same time? Sa ngaun nahuhulog ako kay Enzo pero kailangan ko to para mabawasan kabaliwan ko. Kailangan ko ipamukha sa sarili ko na hindi ako magugustuhan ni Enzo. Kailangan kong magising sa kabaliwan ko hanggat kaya ko pa.
"Hi Tricia.kamusta kana?"ngumiti siya sa akin. Kahit ayoko ay bahagya akong ngumiti. Tumikhim naman si Sunny sa gilid ko kaya napa tingin sa kanya si Monica. Grabe naman si Sunny kung makapag sungit kay Monica dinaig pa ako eh. Hindi kaya may gusto din siya kay Enzo?gusto kong matawa sa naiisip ko. Praning ka talaga Tricia!
"Ok naman.."tipid na sagot ko. Paano nagiisip pa ako kung paano ko sisimulan sabihin na magdate sila ni Enzo. Hello?problema ko na nga itong feelings ko pati ba naman sila poproblemahin ko pa din?
Lalagpasan na sana ako ni Monica para umupo sa kanyang upuan pero sa kasamaang palad ay nagsalita itong bwiset na bibig ko.
"Monica wait!!"napabaling siya saken ng nakangiti pero halata ang pagtataka.
Kaya mu yan Pat I know it sucks! pero para kay Enzo at para sa sarili mo kailangan mo ito! kailangan mo ito para mawala ang nararamdaman mo.Kailangan matauhan ka at bumalik sa normal ang sarili mo.
"Can you date Enzo?"kahit nasasaktan ako ay pinilit kong sabihin yan. Hindi ko alam kung tama ba ang pinag gagawa ko pero ito naman ang dapat eh. Kumunot lalo ang noo ni Monica at sandaling natahimik.
"Okay.pero kasama ka?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.This is ridiculous!baliw ba siya?ano ko third wheel?or tiga bilang ng landian nila?
"What the hell!" Narinig kong bulong ni Sunny.
"Sorry di ako pwede."seryosong sabi ko.
"I'ts ok Tricia! I'm not coming then."
Leche ka talaga Monica!ano ba gusto niya at kailangan kasama ako?Leche naman kasing Enzo na ito lalaki naman pero akala mo bakla sa mga pinapagawa saken. Ginugulo nilang dalawa ang sistema ko eh. Huminga ako ng malalim.
"Okay fine I'm coming.."
Bahagya siyang ngumisi dahil sa sagot ko. What the?
"Okay. Then it's settled."mabilis suyang tumalikod at naiwan akong tulala.
"Poor Tricia..baliw kana talaga."umiiling na sabi ni Sunny.
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Roman pour AdolescentsThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...