chapter twentynine:

7.8K 202 2
                                    

Nagising ako sa ingay sa loob ng aking kwarto, malaki ang ngiti ko ng makita ko sina manang na may dalang cake at kinakantahan ako.

Happy birthday to you...
Happy birthday to you...

Happy birthday.. happy birthday.. happy birthday to you...

"Happy birthday anak!"sabay na sabi ni mommy at daddy they also gave me a quick kissed on my forehead. I smiled at them.

"Happy birthday Tricia..."sabi ni Sunny sabay ngiti sa akin..

Wala akong mapaglagyan ng kaligayahan ngaun. 

Habang nag-aayos ako para sa party mamaya ay di magkamayaw ang pagtunog ng cellphone ko sa dami ng nagtetext ng greetings.

"Napakaganda mo talagang bata.." nakangiting sabi nung baklang nagaayos sa akin. Hindi ko maiwasan ngumiti sa kanya.

Tumayo ako para pumunta sa closet ko at kuhanin ang gown na isusuot ko. Natigilan ako ng makakita ako ng isang malaking strawberry designed wrapper na nasa bandang ibaba ng closet ko ngumiti ako ng malaki. Alam na alam ko na kung kanino galing ito, mamaya ko nalang ito bubuksan.

Walang laman ang isip ko kundi excitement dahil si Enzo ang escort ko. He gave me this day. Only me.Kaya walang mapaglagyan ang kasiyahan ko.

Isinuot ko ang gown ko na tube top na  kulay pink at black skirt na pa-baloon style na sayad hangang paa ko ang haba.

Habang bamaba ako ng hagdang ay nakita ko si mommy at daddy na katabi si manang at pare pareho silang maluha luha.

"Dalaga kana Pat.."  sabi ni manang habang umiiyak kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya, ganoon din ang ginawa ko kay mommy at daddy.

Nakarating kami sa venue sa isa sa mga hotel nila Enzo. Eto na daw kase ang regalo sa akin ni tita Ingrid, ang mommy ni Enzo.

Namangha ako pagpasok ko sa pavillion nila. Napakaganda! Napapalibutan ang lugar ng kulay pink na mga designs. Tapos meron duon sa gitna na malaking stawberry design na upuan. Parang gawa ang lahat sa panaginip.

"Wala paba si Enzo?" tanong ko kay Sunny na ngaun ay nakabusangot at parang kinakabahan.Hindi siya nagsalita kaya knabahan ako. In five minute the party will start pero wala pa si Enzo. Where the hell is he?

"Tricia be ready!We're going to start.." sabi ng isang nagorganize ng party.Hindi pa din mawala ang kaba ko. Wala pa din sign ni Enzo dito. Nasaan siya?

"Tricia anak wala pa si Enzo maybe na-traffic or may dinaanan lang..." tipid na ngumiti si mommy. Alam na alam ko ang ngiti niya na iyan. Pilit eh. I know she want me to calm down dahil medyo nag pa-panic na ako. Kahit nag iinit ang mga mata ko ay pilit pa din akong ngumiti sa kanila. Hindi ako pwedeng umiyak. I don't want to ruin everything they prepared for me. Pero ang kalahati ng pagkatao ko ay hindi maiwasan masaktan. He promised me...

"Ako nalang muna Tricia.." ngumiti si Zion sa akin pero bakit ang lungkot ng mga mata niya?

"Tricia your turn girl.." sigaw ulit ng organizer. Huminga ako ng malalim. Ala na talaga siya! Bumaling ako kay Zion ng nakangiti. Kailangan kong ngumiti kahit hindi iyon ang nararamdaman ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya na inilahad niya sa harap ko.

"Don't worry dadating siya..." mahinang bulong sa akin ni Zion habang naglalakad kami. Panay ang litaw ng maliliwanag na ilaw dala ng mga kumukuha ng litrato. Pinilit kong ngumiti kahit si Enzo ang naiisip ko. Nakaramdam ako ng pag kadismaya sa kanya. Wala siya!he broke his promise to be here for me. And it breaks my heart. Bigtime.

Inintroduce ako ng host kaya umikot kami ni Zion sa buong stage, hindi ko mapigilan iikot ang akin paningin baka sakali na nandito na pala siya. Pero wala!

Mabilis ang galaw ng programa , halos lahat ng naging kaibigan ko ay nandito. Isa isa silang nagbigay ng mensahe sa akin. Ang weird ko nga kase imbis na masaya ako sa masasayang mensahe nila ay hindi ko makuhang matuwa. Now it's Sunny's turn.

"I've known you for so long Tricia..since high school you were my one and only friend. Saksi ako sa Tricia na manang at boyish kumilos." Natawa siya ng bahagya. "Nasaksihan ko ang pagdadalaga mo from ugly duckling evolved to a young and beatiful swan.." natawa ang mga tao sa kanya. Hindi ako makatawa kaya ngumiti ako ng tipid." Lahat naman nasabi ko na sa iyo diba?" Nanginig ang boses ni Sunny at lumungkot ang mukha. Alam ko na alam niya ang nararamdaman ko kaya siya ganyan. Hindi ko naiwasan na maluha ng pumatak ang luha ni Sunny habang titig na titig sa akin. "ikaw ang halimbawa ng isang mabuting kaibigan anak at kakampi ko. pinakita mo sa akin kung gaano kalaki ang puso mo to the point na kahit masaktan ka ayos lang sa iyo basta masaya ang mga taong mahal mo. I wish na sana kahit minsan mahalin mo naman ang sarili mo. We maybe not sister by blood but you are my one true sister by heart.. sana masaya ka ngaun.. happy birthday Trish..."

Mabilis akong niyakap ni Sunny kaya lalong bumuhos ang luha ko. "I'm here Tricia.." pabulong na sabi niya.

"Sa wakas natapos na ang long speech ni pokemon Sunny.." Sigaw ni Maico kaya naman natawa yung mga tao.

After dinner may kaonting kasiyahan dala ng host. Malapit na kasi magsimula ang eighteen roses. First dance ko si daddy while Enzo supposed to be my last dance. Kaso wala siya eh.

After dad and I danced pumalit sa kanya si tito Enrique daddy ni Enzo.

"You're so beautiful iha.." masayang sabi niya habang nagsasayaw kami sa gitna. "I'm sorry for my son kung wala pa siya hanggang ngaun,  tinatawagan namin pero walang sumasagot.Maybe may importante lang na inasikaso."

I smiled bitterly. I just wish kung ano man ang inasikaso ni Enzo eh mabibigyan ng hustisya ang lungkot ko ngaun. Nahati tuloy ang nararamdaman ko. May kaunting parte sa akin na biglang nag-alala para sa kanya.

Dahil wala si Enzo si Zion ang naging last dance ko. It was Enzo eh.. pero ala siya!I don't even know his fucking whereabouts. Sana lang maganda ang dahilan niya dahil hindi ko siya mapapatawad this time.

"Ang ganda mo.." nakangiting sabi ni Zion kaya ngumiti ako sa kanya.. "Are you happy now?" Lumungkot ang mukha ni Zion. Nakatitig siya sa akin. Ngaun ko lang napansin kung gaano kagwapo si Zion. Enzo is handsome pero malakas ang dating ni Zion. Pero kahit anu pa man si Enzo talaga ang gusto ng puso ko.

"Ofcourse.." ngumiti ulit ako ng tipid sa kanya. Ayoko lang naman makita nila na malungkot ako ngaun they doesn't deserve that.

Natapos na ang party at isa isa ng naguwian ang mga tao pero ala pa ding Enzo na dumating. Huminga ako ng malalim sa sobrang pagpipigil ng emosyon ko. He doesn't know how to keep his words. Naiwan dito sila Sunny dahil isasabay daw nila ako umuwi. ala na talaga. Tumalikod ako para pumunta na sa dressing room ng biglang tumili si Sunny.

"Trish! Enzo's here.."

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon