Nakarating kami ni Sunny sa Lighthaus mabuti nalang at out of the country ang daddy niya kaya nakaalis siya. Hindi ko na nahintay si Sunny magbayad sa taxi at nauna na akong naglakad. Kinakabahan pa din ako sa halo halong emosyon na nadadama ko. Nawala lahat ng hinanakit at galit ko sa kanya. Lahat ng iyon ay napuno ng pag aalala.
Pagtapat ko sa gitna ng dance floor ay naaninag ko si Maico. Hindi pa nga ako makasigit dahil sa dami ng sumasayaw sa gitna.. mabuti nalang at si Maico na ang lumapit sa akin.
"Tricia you came.."napatakip ako ng ilong ng malanghap ko ang sigarilyo na hawak ni Maico.
"Where's Enzo?ok ba siya? Ano nangyari sa kanya?sino kasama niya?" Sunod sunod na tanong ko kay Maico. Ngumisk siya sa akin kaya agad ko siyang kinurot.
"Aray ah!isa isa lang kase tanong Tricia!buhay pa si Enzo! Ayun oh." Napatingin ako sa may sulok na table. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Enzo na nakadukdok sa table sa sobrang kalasingan.
"Ang OA mo namana Maico!lasing lang pala!sana inuwi muna! Inabala mo pa kami no Tricia!" Masunget na sabi ni Sunny sa kanya. Hinayaan ko na silang magbangayan dalawa at lumapit na ako kay Enzo..
"Enzo wake up.." medyo nainis pa nga ako sa itsura niya ngaun. Ano ba kase ang problema niya at nagpakalasing siya ng ganito?
Bahagya siyang gumalaw at kinusot ang mga mata na tila ba inaaninag kung sino ang kasama niya. Nakita ko ang pag kagulat sa mukha niya ng makita ako.
"Patricia.." ngumiti siya sa akin. Sinubukan pa nga niyang tumayo pero napabagsak ulit siya.
"Bakit kaba kase naglasing?"lumapit ako sa kanya para alalayan siyang makatayo.
"Ang bigat mo Enzo!maglalasing ka pala sana sa bahay mo nalang ginawa." Panay ang salita ko sa kanya pero parang hini niya iniintindi. Naamoy ko pa yung bango ni Enzo kahit lasing siya. Ano ba yan Tricia?talgang naamoy mo pa yun? Wala siyang sinabi kundi pangiti ngiti lang ang ginawa niya.
Nagmamadali kong ibinaba sa taxi si Enzo dahil nagmamadali ng umuwi si Sunny. Sa bahay na nga namin kami bumaba eh. Kahit mabigat si Enzo pinilit ko pa din siyang alalayan hanggang makapasok kami sa bahay.
"What happened to Enzo?" Agad lumapit si mommy sa akin para tulungon akong alalayan si Enzo.
"Hindi ko alam mommy eh lasing na lasing." Pinasok namen si Enzo sa bakanteng room sa bahay. Tsk!akala ko sa kwarto ko siya ipapasok ni mommy eh.lol!
"I got this me ako na ang bahala."
Iniabot sa akin ni mommy ang bimpo at maligamgam na tubig pamunas kay Enzo para mahimasmasan naman.
Natigil ako saglit. Paano ko nga ba pupunasan si Enzo?hindi ko mapigilan pamulahan ng pisngi. Yung abs niya makikita ko. dahan dahan kong hinubad yung shirt na suot niya.. Remember!shirt lang ang hinubad ko ah? Ng matanggal ko na tuluyan ang shirt niya ay bahagya akong napalunok ng tumabad ang naghuhumiyaw niyang abs.
Sinimulan kong punasan si Enzo. Napapitlag agad ako ng makita kong gumalaw siya at bahagyang dumilat ang mata na malaki ang ngiti.
"Patricia.." napahawak ako sa braso ko dahil nagtayuan yata ang mga balahibo ko sa boses niya na medyo husky. Napalunok ako bigla.
"I'm sorry..for being jerk..for not considering your feelings..." nakatitig lang ako sa kanya. hindi ko nga alam kung gising ba siya nanaginip or dala lang ng kalasingan kaya siya nagsasalita.
"Galit ka sakin Pat.." nakapikit na siya ngaun."And I'm fucking want to punch my own face for hurting you.. you are mad right?" Napakunot ang noo ko. Lasing ba si Enzo or niloloko lang ako?kahit kase mabagal at pahinto hinto siyang magsalita naiintindihan ko sinasabi niya.
"You still care for me Pat.." tuluyan na siyang pumikit. Agad bimilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya.
"I'm not mad Enzo.."titig na titig ako sa kanya habang nasa pisngi pa din niya ang mga kamay ko." Even if I am it doesn't mean that I stop caring for you.."
Tumayo ako para sana bumalik na sa kwarto ko ng biglang hinila ni Enzo ang kamay ko dahilan para matumba ako at mapaibabaw sa kanya. Halos manigas ako at manlaki ang mga mata ko ng magtapat ang mga labi namin. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng pag tibok. Ramdam na ramdam ko din ang malakas na pagtibok ng puso no Enzo.
Tumayo agad ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Narinig ko kase ang bahagyang pag-ungol ni Enzo. Malaki ang ngiti ko ng nakapasok ako sa kwarto. Hinawakan ko pa nga ang labi ko habang nangingiti ako.
What the fuck! We just kissed.
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Novela JuvenilThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...
