And the haters gonna hate,hate,hate,hate,hate
Baby I'm just gonna
shake,shake,shake,shake,
shake
I shake it off,I shake it off...
Masaya akong kumakanta sa luob ng sasakyan ni Enzo.Ewan ko ba sa sarili ko ang saya ng pakiramdam ko isang matipunong laman lupa ang unang nakita ko pagkagising ko. Tumatawa naman si Enzo dito sa tabi ko habang kumakanta ako at nagsheshake ng katawan..
"Pat stop it!!"hindi magkamaway sa pagtawa si Enzo dito sa tabi ko. Pwedeng magmura? Tangina! Nagulo na naman niya ang sistema ko.Isang ngiti na makalaglag panty ang binigay niya.Masaket man aminin eh parang ang layo ko sa kanya perpektong mukha, matangos na ilong at mapupungay na mata perpektong hugis ng panga.Baket ngaun ko lang na appreciate ang mala "adonis" na pagmumukha niya?yung puso ko ayaw na naman kumalma.
Tumingin ako sa kanya nakita kong nakatitig siya sakin at tumatawa.Alam na! Nagduet kami kumanta habang parang baliw na nag he-head bang pa.Seriously?Taylor Swift song Shake it off turns into head bangers?kami lang ni Enzo ang gumagawa nun.
And fakers gonna
fake,fake,fake,fake,fake
Baby I'm just gonna shake,shake,shake,shake,
shake
I shake it off!shake it off..
Sabay kami tumigil at humagalpak ng tawa.
"that was fun!i miss singing with you Pat.."
Tss miss singing with me?ako hindi. Ang panget kaya ng boses ni Enzo tapos nawawala pa sa tono. Ok sana kung panget lang boses eh kaso ala pa sa tono. Mabuti nalang at gwapo siya so nadadala niya.
"Tingin mo ba nag enjoy ako kumanta kasama ka Enzo?" Sumeryoso ako. Kaya tumahimik siya.. ang totoo nagpipigil ako ng tawa.
"Ay ang sama.."nagpout siya bigla. " Mahal ko kaya ang pagkanta."dugtong niya.
"Love singing?eh ayaw naman ng kanta seyo,ang panget kaya ng boses mo."sumibangot siya bigla kaya natawa ako ang cute niya eh.
"Basag trip ka naman.." Natatawa akong tumingin sa kanya,nakita ko na nakanguso pa din ang labi niya.Wala na bang angulo na panget siyang tignan?Nakakadagdag kagwapuhan pa ang pagpout niya eh.
Kinurot ko ang pisngi niya dahilan para mapalundag siya sa kinakaupuan niya at nangingiting tumingin saken. Simpleng chansing.The hell am I thinking?
"Pasalamat ka mahal kita.."napatingin ako sa kaya. Bigla bigla nalang kase nagalburuto ang puso ko eh. Sanay naman akong sinasabihan niya ako na mahal niya ako pero baket iba ang dating saken ngaun?yung parang kinikilig ako.
"kase bestfriend kita."dugtong niya. nagiwas ako ng tingin. Aray ha!friendzoned ba?stupid Pat!alam mo naman bestfriend lang ang tingin seyo ni Enzo nag iilusyon kapa. Napawi bigla ang ngiti ko. Asa-ness kase ako eh.
"San ba tayo pupunta?" seryosong sabi ko tsaka para maiba na ang usapan.
"Oh baket naging seryoso ka?"kunot noong tanong niya.
Tanga!Ni-friendzoned mo ako eh alangan naman mag party ako? Naiirita na naman ako.
"Anu naman seyo?"
"Kanina pa shake shake kapa jan ngaun naman parang kang natalo sa singing contest."
"San nga tayo pupunta?"pinipilit kong ibahin ang usapan.Tumahimik naman siya bigla na tila ba nagisip.
"Flower shop."
Agad akong napalingon sa kanya eto na naman ang puso ko na bigla biglang kumikirot. Mali pala ko ang panget pala ang magiging araw ko. Nagpark si Enzo sa gilid ng malaking flower shop dito sa mall. Agad naman siyang tumayo sabay lapit sa akin at umakbay na palagi niyang ginagawa.Kainis! para naman akong tinusok ng kuryente sa pagkakahawak niya dati na naman niyang ginagawa to actually palage pero ngaun iba eh.
"Baket ba tayo nandito?"
Ang tanga naman ng tanong mo Pat.
"Bibili ako ng flowers para kay Monica.I want you to choose."
Aray ko naman!Monica na naman.Baket ba ako napasok sa situation na ito?martyr ko talaga!tuluyan na akong nabadtrip sa kanya.
"What do you think Pat ok ba ito?" Nakangiting sabi ni Enzo habang hawak ang isang dosenang red roses.
"Wag yan ang panget!" Nakasimangot na sabi ko. Akala ko naman manunuod kami ng movie sa mall gaya ng palage namen ginawagawa, yun pala tiga pili ng bulaklak sa Monica niya ang papel ko. Sana pala nag punta nalang ako ng Flavours at kumaen ng tatlong galong strawberry icecream. Kumunot naman ang noo niya sa inasal ko.
"Eh ito?"turo niya sa Tulips na nandoon.
"Wag yan panget din."
Isang malakeng buntong hininga ang ginawa niya. Ngumisi ako sa isip,alam ko naman na naiinis na siya.
Pasalamat siya at tanga ang role ko dito ,isang dakilang martyr na bestfriend na pumayag mag tulay sa bestfriend niya over her classmate kahit na may kakaibang nararamdaman siya at nagseselos.Try kaya niya ang Sampaguita?at isabit niya sa leeg ni Monica tutal pine patronize naman niya. Ang bitter ko ba? Lumapit ako sa kumpol ng mga puting rosas tsaka kinuha iyon.
"Try these.." walang ganang sagot ko habang hawak ko pa din ang mga bulaklak. Malaki ang ngiti niyang kinuha sa akin ang bulaklak at binigay sa tindera para iayos.
"Sir para po kay mam?" Sabi ng tindera habang nakitingin saken.Uminit ang pisngi ko at alam kong namumula na ako. Grabe si ate mang-asar daw ba? Baket ba naiirita ako?Baket?Baket ganito ang nararamdaman ko nitong nakaraan? Pat matalino ka! Ayaw mo lang aminin ang totoo.
Nakita ko ang pag kunot ni Enzo ng noo at tumingin sakin ng seryoso.Ayan na naman nararamdaman ko na naman ang bilis na pintig ng puso ko.Baka magka heart-attack ako ng di oras neto.
"No." maikling sagot niya habang seryosong nakatingin sakin,pero nagpabagabag ng aking isip eh baket malungkot ang mata niya?
"Ah.. akala ko sir para kay mam,para po kase kayong couples bagay po kayo."
Hindi ako umimik. Nagkibit balikat lang ako at tumalikod. Si Enzo naman ay tahimik lang at nakatingin sakin.What the fuck!problema nun?
Natapos ayusin ang bulaklak at sabay kaming lumabas ng shop.
"Enzo - Patricia?" Untag samen ng isang magandang babae na akala mo buhay na manika sa kagandahan.Agad kaming tumingin ni Enzo at sabay nagsalita.
"Ate Zyrine."
Nakakatandang kapatid ni Zion si ate Zyrine.Nung nasa hi-school pa kami ay madalas niya akong ayusan pag nagpupunta kami kila Zi mabaet at matalino yan. Idol ko yan eh maganda pa nagpunta siya sa Canada para sa family bussines nila.Natutuwa ako at nakita ko ulet siya.
"Oh my god!" gulat na sabi niya. "Don't tell me kayo nagkatuluyan?"
"Hindi"sabay namen sagot ni Enzo.
Nakita ko ang pagtango ni ate Zyrine na parang nagdududa.
"I see kaya pala madalas ka ikwento ni Zion saken."
Nagulat ako sa sinabi ni ate Zyrine. Baket naman ako ikukwento ni Zion sa kanya? pero mas nakakagulat ang reaksyon ng katabi ko kumunot ang noo niya at nakasimangot.
"Talaga ate-"
Bago pa ako matapos magsalita ay hinila na ako ni Enzo palayo kay ate Zyrine.Nakita ko na nagulat siya at may makabuluhang ngisi.Kumaway ako sa kanya para magpaalam.
"Sorry Zyrine may pupuntahan pa kame." Malamig na sabi ni Enzo habang hinahatak ako palapet sa sasakyan niya.Earth what is happening? naguguluhan ako.
"Ok!Tricia kita tayo next time ha?Lets bond with Zion." may ngisi pa din sa labi ni ate Zyrine. Bago pa ako makasagot ay padabog sinara ni Enzo ang pinto ng sasakyan niya at mabilis pinatakbo ito.Ohmy gulay!Slow down..Ako'y naguguluhan!
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
TeenfikceThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...
