chapter twentyone:

9K 230 7
                                    

Napakaganda ng gising ko dahil sa mga nangyari kagabi akala ko uuwi akong bigo at luhaan. Hay Patricia! nag-aasume kana naman.

Mabilis akong naligo at nagbihis tamang tama ang timing dahil wash day ngaun. Hinalungkat ko ang pinamili sakin ni ate Zyrine halos mahilo ng ako sa dami nito ay hindi ko alam kung anu ang uunahin ko.Teka lang!Baket ba nagaayos ako?

Napili kong isuot ang isang miniskirt at floral sleeveless top at kulay pink na flats nagsuot din ako ng earings at naglagay ng blush on bahagyang lipgloss at nagwisik ng pabango.Tadaaa!

Patricia pinupush mo talaga?

Pababa ako ng hagdan na nakasalubong ko si mommy.

"Anak are you sick?"kumunot ang noo ko. Sick?

"Hala!hindi mommy.. panget ba?" Napayuko ako ng bahagya kaya natawa si mommy kakaiba kase yung tingin niya sa akin.

"Ofcourse not!ang ganda mo kaya.. pero baket?" Ngumisi si mommy. Anung baket? Kailangan ba pag nag-ayos may dahilan?

"Kailangan may baket talaga my?"bahagya akong ngumiti."ayaw mo ba?" Bumaling ako pabalik ng room ko para magpalit ng damit naiilang kase ako sa mga tingin ni mommy.

"Hindi Tricia! bagay nga seyo nagulat lang talaga ko."hindi na ako tumuloy sa kwarto ko. Pero naiilang pa din ako kay mommy kase nanliit pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Mabilis akong bumaba ng taxi pag tapat ng La Soledad. Agad akong ginapang ng kaba. Ano kaya ang sasabihin nila?hindi kase ako sanay sa ganito. Panigurado isang katerbang panunukso na naman ang aabutin ko nito. Papasok na ako sa loob ng namataan ko ang iba't ubang booth meroon pa ngang nagpapraktice ng cheering sa gitna ng field. Foundation day kase ngaung araw. Habang naglalakad ako hindi ko pa din maiwasan mailang eh kase naman ang daming nagtitinginan sa akin.

Meron pa ngang bumati sa akin na isang lalaki na malaki ang ngiti. Kumuno ang noo ko. May parte kase sakin na nagsasabi na kilala ko siya eh. Ang gwapo pa niya sa ngiti niya kase lumalabas ang dimples niya. Una ko ngang naisip si Maico kase kahawig niya.

"Hi Tricia.."natigil ako tuluyan. Hindi pa makatingin ng diretso yung lalaki sa akin.

"Excuse me.. do I know you?"Tinitigan ko mabuti ang mukha niya. Kilala ko talaga siya eh. Tumaas ang kilay niya saakin tsaka siya ngumisi..

"It's Echo.. Jericho Ivan Reyes.. gumanda ka lang lalo nakalimutan muna ako.." agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Si Jericho nga ito yung nanligaw sa akin nung nasa eight grade pa ako. Lumipat na kase siya ng school nung nagmigrate sila sa U.S. tsaka ang laki din ng pinagbago niya lalo siyang gumwapo.

"Echo!!!" halos umali ngawngaw ang boses ko sa buong ground. Napatingin  nga sa amin ang ibang dumadaan."Wait what are you doing here?" takang tanong ko.

"Hinatid ko lang ang pinsan ko.."masayang sabi niya.

"Sinong pinsan?"kunot noong tanong ko.

"Maybe you know her culinary din siya. Diba culinary ka?"

OMG!dont tell me..hinintay ko ang sunod na sasabihin niya..

"Monica Reyes.." ngumiti ako ng hilaw sa kanya ang liit talaga ng mundo.

"Ah..."maikling sagot ko.

Nagpaalam na si Echo dahil may lakad daw siya. Hiningi pa nga niya ang number ko pero number ni Sunny ang binigay ko.

"OMG!TRISH!SAN BUNDOK KABA NAGTAGO NUNG WEEKENDS?" Kumunot ang noo ko. Laglag kase ang panga niya habang titig na titig sa akin. I looked at Zion at Maico na parehong tulala sa akin.

"Bundok ka jan!" Bahagya ko siyang binatukan ."Ano ang akala mo sa akin? ermetanyo?"

Bigla akong natigil ng biglang may nagsalita sa likod ko. Yung amoy palang niya ay bumibilis na agad ang tibok ng puso ko.

"Hindi mukha ka kasing diwata." Malamig na sabi ni Enzk. Mabilis akong lumingon sa kanya.Nakita ko ang seryosong itsura niya at pagsasalubong ng kilay niya. Baket ganun ang reaksyon niya?lumapit siya sa akin tsaka ako inakbayan.

"Wow!Enzo buti napansin mo?" sarkastikong sabi ni Sunny. "Di nga Trish tell me na para makapunta ko sa weekends." Natatawang sabi ni Sunny.

"Grabe Tricia ang ganda mo pala." akmang lalapitan ako ni Maico pero sinupalpal ng kamay ni Sunny ang mukha niya. Si Enzo naman ay nag-igting ng panga na parang naiirita. Umagang umaga naman Martinez.

"crush na kita Tricia.."natatawang sabi ni Maico.

" shut up Maico!"galet na sabi ni Enzo.

"Shut up agad?boyfriend kaba ni Tricia?na-basted ka ni Monica noh?"ngumisi si Maico. Pang-asar talaga!

"Ulol!!!" Inis na sagot ni Enzo.

"Sis!push mo iyan bagay sa iyo."ngumiti si Sunny."Isama mu nga din ako sa week end para gumanda din ako."

"Sunshine Andrea Rodriguez!masyado ka naman!maganda ka kaya."Nakangiting sabi ko.Totoo naman kasing maganda din si Sunny.

"Parang hindi naman..." Natatawang sabi ni Maico.Agad naman siyang binatukan ni Zion.

"Gago!baka mag-evolve si Sunny bukas tumulo laway mu jan.."Panginis na sabi ni Zion kaya agad naman namula na parang kamatis si Sunny.Kilig much!

"Pat nuod kayo game namen bukas ah.."nakangiting sabi ni Enzo habang naka akbay saken tsaka ginulo ang buhok ko.

"Ano ba!" sigaw ko.

Grabe siya ngaun lng ako nag ayos ng todo ginigulo na naman ang buhok ko. Pero a part of me is nangingisay sa kilig."Yung buhok ko Marvie ah!"tinignan ko siya ng masama kaya natawa siya.

Gusto kong magmura sa isip. Tangina si Enzo panay na naman ang tibok ng puso ko.

"Hahaha! Ang sunget."ngumisi siya kaya pinaghahampas ko ang braso niya kaso panay naman ang ilag niya kaya kamay ko ang nasaktan. Feeling naman kase niya masasaktan siya sa hampas ko? Eh kamay kamay ko ang nasaktan eh bat naman kase ang ganda ng katawan ng lalake na ito.

"Eh bwiset ka kasi!sabi ng wag yung buhok ko eh."inis na sabi ko.

"Okay!okay!" Tinaas niya ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko. Tumalikod siya sa akin tsaka bumulong eh narinig ko naman ng bahagya.

"pasalamat ka maganda ka.." napa-papay ako gamit ang aking kamay dahil kinikilig ako. OMG!rinig na rinig ko iyon.

"Wait lang guys..." sabay sabay natigil ang tatlo sa paglalakad at sabay sabay na humarap sa akin ng nakataas ang kilay. Bahagya pa nga akong natawa kase sabay sabay sila. Lumapit sila sa akin.

"what?"sabay nilang sabi. Synchronise?

Nilabas ko ang chocolate brownies na ginawa ko kagabi favorite kase ni Enzo yan.

"Baket chocolate?"parang batang sumimangot si Maico kaya natawa ako ang cute niya kase.

"Pake mo ba? ikaw na nga lang binibigyan arte mo pa.."masunget na sabi ni Sunny.

"Tsss.."

"Tinatanong pa ba yan?favorite ko kase yan.diba Pat?." malaki ang ngiti ni Enzo kaya ngumiti ako. Hindi ko na nga sinabi yon lara hindi sila magtampo sinabi pa niya. Habang nakangiti ako ay nabaling ako kay Zion na malungkot ang mukha. Baket kaya?

Tumalikod na si Enzo dahil meron na siyang klase. Sa di kalayuan namataan ko na lumapit si Enzo kay Monica. Nawala agad ang ngiti ko lalo na ng makita kong inabot niya kay Monica yung brownies na gawa ko. Biglang nag-init ang mga mata ko. Pakiramdam ko any moment maiiyak ako.
Para sa kanya yon eh!baket ipapamigay niya? Tumalikod ako dahil alam kong papatak na ang luhang nagbabadya sa mata ko. Natigil ako ng may humawak sa balikat ko. Si Zion. Nakatitig siya sa akin pansin ko pa ang lungkot sa mukha niya.

"Salamat sa brownies Tricia.. ako mismo ang kakain nito.."ngumiti ako ng mapait sa kanya. Bahagya din siyang ngumiti sa akin. Tumango ako sa kanya at tumalikod para bumalik na sa pwesto ni Sunny. Pero bago ako humakbang may binulong si Zion na hindi ko masyadong naintindihan.

"Sana ako nalang Tricia.."

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon