chapter twentyfive:

8.1K 169 1
                                        


Hinila ko si Zion at nagpatiuna kami. Ayoko kasing maunang maglakad si Enzo at Monica dahil baka mabato ko sila sa kalandian nila. Kahit nauna kami ni Zion ay naramdaman ko naman ang pagsunod ni Enzo at Monica talak pa nga ng talak si Monica kaya saglit akong lumingon sa kanila na sana pala hindi ko ginawa. Naabutan ko kase si Enzo na nakatingin din sa akin kaya mabilis akong lumingon pabalik. Geez! eto na naman ang taksil kung puso na mabilis na naman ang pag tibok.

Ng nasa gitna na kami ng hall ay may mga nakatambay na lalaking studyante na isa isang nagsipulan sa amin.

"Ganda talaga ni Tricia..." nag-iwas ako ng tingin dun sa lalaki habang humigpit ang hawak ko kay Zion.

"May problema kayo?" Natigil kami ng nagsalita si Enzo at hinarap yung grupo ng mga lalaki.

"This is going to be fun..." natatawang sagot ni Maivo kaya bahagya siyang siniko ni Sunny.

"Wala naman Martinez.."sagot nung isang lalaki na may pag-ka jeje ang itsura. Lumapit si Enzo sa kanya kaya naman bahagya siyang napaatras.

"Good. Umayos ka kase baka magkaroon ka bigla ng problema.." hindi ko mapigilan mapangiti. Pakiramdam ko nagseselos siya eh. Hay Tricia! Nangarap kana naman..

Bumalik ang tingin ko sa harap ng biglang umayos ng tayo si Enzo. Medyo napasinghap pa nga ako ng bigla akong akbayan ni Zion.

"That's my territory Zion.." matigas na sabi ni Enzo. Lalo naman lumawak ang ngiti ko. Totoo naman kase. Kahit close kaming lahat si Enzo lang ang nakaka akbay sa akin ng ganoon.
Bahagyang napangisi si Zion sa sinabi ni Enzo kaya napakunot ang noo ko.

"Whatever you say Enzo.." sagot niya.
Eto na naman silang dalawa. May problema ba sila?

"Ang sunget mo naman Enzo! Tignan mo nga bagay naman si Tricia at Zion oh.." sabat ni Monica kaya umirap ako. Ok na sana eh!kailangan talaga mag kumento pa? Naghihintay ako ng magiging sagot ni Enzo pero ala! Umasa na naman ako.

Ng makapasok kami sa room ay pinutakte ako ng tanong ni Sunny. Sabi na eh kahit hindi ako magkwento sa kanya panigurado naman na magtatanong siya. Eh ang siste puro ako lang ang nagkukwento pero pag siya ang tinanong mo maasara ka na't lahat pero hinding hindi siya magsasalita seyo. Ang daya diba? Dahil hindi ko din naman siya mapipigilan eh sinabi ko nalang ang nangyari. So eto beast mode na naman si Sunny..

"Sobra na yan si Enzo Trish ah!dapat sa kanya pinapaluhod sa monggo eh.." natatawa ako habang nagsasalita si Sunny kase bawat bigkas niya ng salita may feelings eh.

"Hindi naman niya kasalanan yun Sunny.. hindi naman niya alam na mahal ko siya.." ngumiti ako ng mapait.

"Sa lahat ng matalino ikaw ang pinaka tanga Trish.." umiiling na sabi niya. Oo na! Tanga na ako kung tanga!eh nagmamahal ako eh. Hindi kase kami magkakaintindihan ni Sunny kase mapride yan.

Nakauwi ako ng bahay na matagumpay na naiwasan si Enzo. Hindi naman din na ako galit sa kanya natatakot lang din naman kase ako sa magiging kilos ko kapag nandyan siya.

Inilabas ko ang mga notes ko para magreview sa darating na finals. Ang daming ime-memorize eh ang ending ko din naman tiga luto. Gaya nitong sinosolve ko sa math. Magagamit ko na ito pag nagluto ako ng menudo?hays!

Napitlag ako ng biglang nagring yung cellphone ko.

*Cute si Maico* calling.....

Teka lang po ah. Ieexplain ko lang yung name ni Maico sa phone ko. Siya kaya ang naglagay niyan. Lahat ng phone namen may pangalan siya na siya mismo ang naglagay.

(Hello..?) Bungad ko sa kanya.

[Tricia!!!..] napakunot ang noo ko sa sobrang ingay sa kabilang linya. Tapos medyo garalgal pa ang boses ni Maico.

(What?busy ako Maico.) medyo iritable kong sagot. Minsan kase tatawag yan tas Tricia lang ng Tricia o di kaya hini magsasalita. May topak po talaga yan si Maico eh.

[Eto naman! Punta ka sa Light haus ngaun na si Enzo kasi-]

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinatay ko na ang tawag niya. Agad kasi akong kinabahan sa Enzo palang ang nasasabi niya. Ano ang nangyari kay Enzo? Nagmamadali akong nagbihis kase nakasuot na ako ng pantulog ko.

-Sunny pwede mo ba ako samahan sa Lighthaus?

Kausap ko kase si Sunny ngaun sa kabilang linya.

"Bakit?ano nangyari?" Sagot niya na tila ba natataranta.

-Si Maico tumawag si Enzo daw--..
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin niya.

"Sus!si Enzo na naman?pwede ba Trish kumalma ka? Hayaan mo iyon!tsaka ang laki na nun noh." Bmuntong hininga siya. " tsaka galit ka sa kanya diba?"

Umirap ako saglit ang dami pang sinabi ni Sunny eh alam ko naman din na hindi na siya makakaalis eh. Stupid Tricia!

"Okay Sunny ako nalang.."

"Teka nga Trish subukan ko sumunod seyo ala pa yata si daddy eh.."

Nanghihina kong ibinaba ang callphone ko sa kama. Ano nangyari seyo Enzo?

Please Love me( Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon