chapter sixteen:

8.2K 215 3
                                    

Sabay sabay kaming pumunta sa Dilingers isang sikat na ktv bar sa Eastwood puro rich ang nagpupunta dito.Hindi naman ako rich pero di din naman ako poor. Itong mga kasama ko ang rich.

Kumuha si Enzo ng isang private room nagtaka nga ako kase pwede naman kami sa labas ewan ko ba baka nahihiya pag sila na kumanta..Naiisip ko palang kakanta sila lalo ni si Enzo tumatayo ang balahibo ko. Umorder sila ng pagkaen at drinks.Meron Vodka,Tequila,at Bacardi.

Yung totoo mga uhaw ba sila?kami naman ni Sunny ay shake lang ang iniinom.

Sa libo libong pagkakataon na tayo'y nagkasama...

Iilang ulit palang kita,
nakitang masaya..

Kumakanta ngaun si Enzo at Maico si Zi naman at Sunny ay tumatawa lang ako din naman di mapigilan di humagalpak ng tawa eto na nga ba ang sinasabi ko kaya kumuha ng private room si Enzo eh mahilig siya kumanta pero walang hilig ang kanta sa kanya.

"Dude lakas tama ng Tequila senyo ah?"natatawang sabi ni Zi kay Maico at Enzo.

"Fuck you Zion!wag ka ngang pabebe jan dude! alam kong kanina pa nanginginig ang tumbong mong agawin ung mic."sabi ni Maico habang tumatawa.

hindi naman sila mabilis malasing maybe tipsy lang,kaya makapal ang mga mukha.hahaha! Sabaga kahit hindi naman sila nakainom makapal talaga ang mukha nila. Umupo naman si Maico at hiningal sumandal kay Sunny na ngaun ay tinutulak siya.

"Move Maico!Eew!ang baho mo!"sigaw ni Sunny pero parang walang naririnig si Maico.

Tumindig ang balahibo ko at naagaw ng kanta ni Enzo ang atensyon ko kahet wala siya sa tono at medyo nasisintunado ay iba na naman ang naging tibok ng puso ko.

Naiinis akong isipin na sinasaktan ka niya..

Siguro ay..
hindi niya, alam ang yong tunay na halaga...

Nahuli kong nakatitig din siya sa akin..Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan, hindi ako makaalis ng tingin dahil lalong lumakas ang tibok ng puso ko na parang mahihimatay ako.Damn.

Dahil lumalalim na ang gabi ay inaya ko na silang umuwi.Paglabas namen ng private room ay bumungad samen ang stage at maraming tao sa vidoeke bar.Kakatapos lang kumanta ng isang matandang lalake.

Inakbayan ako ni Enzo kaya parang naging tuod naman ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Habang nasa gitna kame ng daanan palabas ay nakasalubong namen ang taong hindi ko inaasahan. Hanggang dito ba naman siya pa din?Monica at iba namen classmate?Ang saya saya diba?

Umayos si Enzo ng tayo at inalis ang kamay sa balikat ko. Napasinghap ako ng biglang himasin ni Sunny ang likod ko.What the fuck?Sunny wag kang obvious.

"Ui guys dito pala kayo.." Sabi ng ilang classmate namen.

"Mind to join us?"nakangising sabi ni Minica.

"No pauw-- "

Hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng hinila nalang ako ni Enzo papunta sa table nila Monica.Great!

Naramdaman ko naman ang kamay ni Zi sa balikat ko. Magkatabi kami habang si Enzo ay nakatabi kay Monica.

"Guys! sino gustong kumanta?"sabi ng isang classmate ko Sheena yata ang pangalan.

Grabe yung mga classmate ko parang kitikiting hindi maanak habang pinagmamasdan sila Enzo Maico at Zion.

"Si Tricia!"sabi ni Sunny.

Agad ko naman siyang tinignan ng masama.Agad niya akong tinaasan ng kilay habang nakangisi. So I  gave her the look of you-bitch!

Sinegundahan ng mga ka-klase ko ang suggestion ni Sunny.Pati si Zion at Maico ay nag chi-cheer na. What to do now? I love to sing pero hindi ako sanay sa madaming tao.

"Please Pat.."lumingon ako kay Enzo na malaki ang ngiti sa akin. Agad na naman nagtambulan ang puso ko sa ngiti niyang iyon.

"Oo nga Tricia please.."sabi ni Monica. May magagawa paba ako?eh lahat sila ako ang itinuturo.

Nahihilo na ngaako sa iba-ibang tawag saken.

Si Enzo-Pat

Si Sunny-Trish

Si Zion at Maico at ibang kaklase ko ay -Tricia

Kaloka lang sila.

Wala akong nagawa tumayo ako at nagsimulang maglalakad papunta sa stage. Nagpalakpakan naman sila at sabay sabay  nag cheer.

"Go Pat!that's my girl.." sigaw ni Enzo.

Feeling ko naman ay namula ako bigla. Baliw na siguro ako para bigyan pa ng kahulugan yung sinabi ni Enzo kahit alam ko naman na wala lang iyon sa kanya.

Pumili ako ng kant. Naupo ako sa high stool chaire dito sa stage. Natigil lahat ng taong sumisigaw at nag dim yung lights nung nagsimula akong kumanta.

Isip ko..Ay gulo..
Di alam ang gagawin..

Kung ako'y iiwas at seyo
ay sasabihin,na ako seyo'y may pagtingin..

Nakapikit ako habang ninanamnam ang kanta alam ko iniisip ni Sunny siguro alam niyang kung para kanino ko ito kinakanta.

Di mo lang ito napapansin..

Agad akong dumilat nakita ko ang mga tao seryso na nakikinig na parang dama ang kinakanta ko nakita ko si Zi na nakatitig kaya nag-iwas ako ng tingin. Nabaling ang tingin ko kay Enzo na ngaun ay nakatitig saken agad akong nanghina sa titig niya. Baka hindi ko matapos ang kanta.

Meron bang makapagsasabing iniisip kita..

At meron bang may alam na laging hinahahanap ka..

Kung ako naman ay iiwas,
Malalaman mo ba..

Narinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Pagdilat ko ay may mga nagpupunas ng luha.Nakita ko naman ngaun ang mamulamulang mata ni Sunny. That silly girl.

Nabaling ang tingin ko kay Enzo na ngaun ay nakangiting nakikipagusap kay Monica.Damn this feeling! naramdaman ko ang init sa gilid ng mata ko hindi ko kailangan umiyak dito. Ayoko.

Na ako ay may lihim na pagsinta..

Agad akong bumaba ng stage. Ni hindi ko na inintindi ang palakpakan at hiyawan ng mga tao,agad akong pumunta sa washroom para dun ilabas ang luhang gustong pumatak sa mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod nun si Sunny na namumula ang mata.

"Trish.."nanginginig na sabi niya.

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.Napasinghap siya at hinimas ang likod ko.Unti unting pumatak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

"It hurts Sunny..I'm so fucking inlove with him.."

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon