chapter twentythree:

8.2K 213 7
                                    

Masama ang pakiramdam ko ng umuwi ako ng bahay agad nga akong nagbihis at nahiga sa kama. Hindi kase ma-alis sa isip ko si Enzo at Monica. I hate it! baket ganito? ang hirap eh,gusto ko ako lang ang gumagawa nun kay Enzo. Kahit babaero siya alam kong walang nakakalapit sa kanya ng ganun.

Dahil hindi ako makatulog ay naisipan kong mag Facebook ng nabuksan ko na ito ay nakita ko yung mga kaganapan sa school kanina. I smiled bitterly when I saw Enzo changed his display picture.

Sila ni Monica ang nasa picture naka-akbay si Enzo kay Monica habang si Monica ay nakahalik sa pisngi niya. Dahil sa nakita ko hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko.

Comments:

Sydney Villafuerte: who is she?

Enzo Marvie Martinez: soon to be my girl :)

Sydney Villafuerte: No!

Sunshine Andrea Rodriguez: I second demotion..

Maico Ian Flores: Mga epal!

Zion Drake Mercado: Ok yan :)

Enzo Marvie Martinez: What the fuck Zi??

Zion Drake Mercado : ginusto mo yan ulol :p

Kahit umiiyak ako ay hindi ko mapigilan mapangiti si Sunny talga oh.. at si Sydney, kahit nasa Singapore na siya gusto pa din niya si Enzo.

Maaga akong gumising. Yung totoo hindi talaga ako masyado nakatulog. Tutal foundation week pa ng school hindi nalang muna siguro ako papasok.
Nagbihis nalang ako dahil naisipan kong pumunta nalang muna sa Flavours.

Natigilan ako ng makita ko si Enzo na kausap si mommy at katawanan niya pa. Napairap ako sa isip. Bumalik yung kirot na naramdaman ko kagabi. Pumasok ako sa loob ng hindi nililingon si Enzo agad akong humalik sa pisngi ni mommy at naupo sa sulok.

"Morning Pat..."masayang bati ni Enzo.

Huminga ako ng malalim at seryso siyang tinignan. Hindi ba niya nahahalata na ayoko siya makausap?

"Morning.." walang ganang sabi ko kaya naman kumunot ang noo niya.

"what?" Tinaasan ko siya ng kilay. Paano nama titig na titig siya sa akin.

"Umiyak kaba?"nag-iwas ako ng tingin kase naman titig na titig pa din siya sa akin.

"Baket naman ako iiyak? may patay ba?" umirap ako sa kanya at nagiwas ng tingin. Jusko!ngaun ko lang nakita na maga pala talaga ang mata ko.

Umalis siya agad sa harap ko kaya nagkibit balikat ako. Mabuti naman. Nagdecide ako na magbasa nalang sa Wattpad tutal naman wala akong gagawin dito. Tsaka buti pa sa wattpad kahit anong mangyari may forever. Eh kami?forever na masasaktan forever na babaliwalain forever na aasa.

"Here.."napapitlag ako ng bumalik si Enzo tas may dala siyang dalawang baso ng icecream ,isang strawberry at isang chocolate.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng palihim, gumaan kase ng kaonti ang pakiramdam ko. Alam na alam talaga ni Enzo kung paano ako mapapangiti kapag malungkot ako.

Hinawakan ni Enzo ang kamay ko at hinila ako pasakay ng sasakyan niya.

"San tayo?"naguguluhang tanong ko basta basta nalang kasing nanghihila.

Natatakot kasi ako sa sagot niya. Natatakot akona baka Monica na naman ang gawin namen ngaun.

Monica!

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon