chapter thirtyone:

8.1K 198 4
                                        

"Zion..?"

Agad akong nagpunas ng luha. Walang imik si Zion pero nakatingin siya sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan ko at hilahin papasok ng sasakyan niya.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan niya at mabilis pinatakbo. Walang salita ang lumabas sa amin dalawa. Bahagya pa akong napapsinghot dala ng pag kakaiyak ko kanina kaya pabalik balik ang paglingon sa akin ni Zion. Mabilis niyang inihinto ang sasakyan niya sa isang park. Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ng bahagya ang malamig na hangin walang katao tao sa park dahil gabi na din naman. Mabilis ipinatong ni Zion ang coat niya sa balikat ko kaya bahagya akong ngumiti.

Umupo kami sa isang bench na di kalayuan sa sasakyan niya.


"Now cry.." napalingon ako kay Zion. Nakamata lang siya sa malayo kaya isa isa ng nagpatakan ang luha ko.

"I know that you love him Tricia.." serysong sabi niya habang ang mga mata niya ay nakatanaw pa din sa kalangitan. Patuloy pa din ang pagpatak ng luha ko.

"I know that you love Enzo.." natigil ako sa pag-iyak ng biglang banggtin ni Zion si Enzo. Huminga siya ng malalim.

"Bata palang tayo Tricia alam ko na mahal mo na siya.. ramdam ko na iba ang pagtingin mo sa kanya.." bumaling siya sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa.

"Baket siya Tricia?"

"Hindi ko alam Zi.. basta ang alam ko mahal ko siya.." tumango naman siya tsaka ngumiti ng mapait.

"You know what Tricia?" Nag-iwas siya ng tingin. "habang nakatingin ka sa kanya hindi mo makita na may ibang tao naman na nakatingin sa iyo. Bata palang tayo Tricia magkakakilala na tayo pero kahit minsan walang nakaramdam ng pagmamahal naten para sa isa't isa.."

Napatingin ako kay Zion nakatingin pa din siya sa kalangitan habang seryosong seryoso.

"Habang tinitignan mo si Enzo hindi mo makita na may ibang tao na gustong mahalin ka at alagaan ka. Yung taong hindi ka kayang saktan o baliwalain Tricia.."

"Zion.." mahinang bulong ko. Hindi ko siya maintindihan.

"Nagagalit ako Tricia! Galit na galit ako kay Enzo."

Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi siya makatingin sa akin.

"Nagagalit ako kase pinapaiyak ka niya.. nasasaktan ako kase nasasaktan ka! Nasasaktan ako kase pinapaiyak ka niya!Nasasaktan ako dahil mahal mo siya. Nasasaktan ako kase mahal na mahal kita Tricia.."

Natigilan ako dahil sa mga sinabi ni Zion..Mahal niya ako? Bahagya siyang natawa at umiling.

"You love me--?" Halos di ako makasalita.

"Bata palang tayo mahal na kita Tricia.. kahit alam kong si Enzo ang mahal mo hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na mahalin ka."



"Damn." Ngumisi siya at umiling.

"I feel so relief na nsabi ko na seyo.. ang tagal kong tinago niyan ah." Natawa siya ng bahagya kaya napangiti ako.

"Kainis ka.."natatawang sabi ko. aaminin ko gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.Hindi ako plastic! galet ako kay Enzo pero siya pa din ang mahal ko.

"Zi.."yan lang ang tanging nasagot ko sa kanya.Tinapat niya naman ang index finger niya sa labi ko.

"Hindi ko hihingin na sagutin mo ako Tricia I can wait...ang tagal nga kitang hinintay ngaun paba ko susuko? Lalaban pa din ako kahit alam kong wala akong panalo.."seryosong sabi niya. Nakita ko ang sakit at lungkot sa mga mata nya. This is absurd! Mahal ako ni Zi pero si Enzo ang mahal ko. Ang galing talaga ni kupido.

Niyakap ako ni Zion kaya nakaramdam ako ng kaonting ligaya.I don't know pero nabawasan ang saket.

"Patas lang tayo Tricia..pareho lang tayo ng nararamdaman ngaun."malungkot na sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Hihintayin ko ang panahon Tricia.Sana ako naman ang mahalin mo.Sana ako naman ang mapansin mo. sana ako nalang.."

Nakakabinging katahimikan.Mahal ko si Zi pero hindi sa paraan gusto niya hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Enzo.
Nakakabaliw pala talaga ang magmahal.

"Sana nga ikaw nalang Zi..Sana.."

Please Love me( Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon