Sabado ngaun at walang pasokNakakainip! Maagang umuwi si Sunny dahil sa tawag ng mommy niya. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Hindi ako masayahan sa mga palabas kaya palipat lipat ako ng chanel.
One message received
Enzo:
-morning princess :)
Agad kumalabog ang dibdib ko sa simpleng text niya. Ngumiti ako ng mapaet. He's calling me his princess but he doesn't want to be my prince. Sa simpleng text niya kahit papano ay umayos ang pakiramdam ko.
Hay nako Tricia!kelan kaba matatauhan?
Me:
-morning..
Tumayo ako para pumunta sa kitchen at uminom ng tubig. Pakiramdam ko kase at tuyong tuyo ang lalamunan ko.
Enzo:
-Monica told me.. thanks Pat..
Napahigpit ang hawak ko sa baso. Pwede bang walang Monica ngaun?umagang umaga ka naman Enzo. Hindi kaba nakakaramdam?umirap ako sa text niya. Lecheng lalaki! Kailangan talaga pag nanligaw pati bestfriend nanliligaw? Damn him.
Hindi ako nagreply sa text niya tutal naman ala namam akong sasabihin tsaka baka mamura ko na siya kaka Monica niya. Humalukipkip ako at nagbasa basa ng magazine dito. Bigla nalang tumunog ulit ang cellphone ko.
Enzo:
-still there?
Ngumiwi ako. Ang kulit naman!oo na nga diba?eh baket nangungulit pa? In the end sa dami ng hinagpis ko eh magrereply din naman pala ako.
Me:
-yah..
Enzo:
-bakit ang tipid mo magreply?
Me:
-coz I have nothing to say Enzo..
Enzo:
-ganun? I thought you miss me..
Hindi ko napansin na nangingiti na pala ako. Ang drama niya naman yata?
Me:
-why would I miss you?kasama lang kita kagabi diba?
Enzo:
-kahit na..gusto ko palagi mo akong namimiss..
Me:
-shut up nalang ako..haha!
Enzo:
-ang mean mo..
Hindi na ako nagreply kase hindi na ako makahinga sa sobrang kilig ko. Hindi ko namiss si Enzo pero namiss ko na mag usap kami ng ganito. Maya maya lang ay nagtext ulit siya.
Enzo:
-Pick you up at six pm. See you later princess.
Padabog kong binaba ang cellphone ko. Ok na sana eh. Kaso may ganon pa?
Pagkababang pagkaba ng cellphone ko ay biglang nagring.
"What?" Masungit na sabi ko sa kabilang linya.
"Relax!Zyrine here.." napahawak ako sa noo ko ng marinig ang boses ni ate Zyrine. Geez!nakakahiya.
"Ano- sorry- ate Zy."halos hindi ako makapagsalita sa sobrang hiya. Akala ko kase si Enzo iyon eh. Kahit kelan pahamak talaga.
"Sino ba kaaway mo?" Serysong sabi niya sa kabilang linya.
"Ala ate isang baliw na stalker." Natawa naman siya sa kabilang linya.
"Ahh.. kalaban pala ni Zi."sumeryoso ang boses niya kaya napakunot ang noo ko. Anu daw?
"Still there?" Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
"Yeah.."alanganin sagot ko.
"Sorry Tricia..nabigla kaba? joke lang..." huminga ako ng malalim. Akala ko kung ano na eh.
"Free kaba today?" Tanong niya sa akin. Nagisil ako mabuti kung ano ba ang gagawin ko ngaun araw. Ala naman. Bored nga ako sa bahay eh. Hay!aside sa pagiging third wheel ko mamaya(ngumiwi ako..) ala na akong naiisip na gagawin ko.
"Hmmm.. ala naman may lakad ako pero mamaya pang six. Why?" Sagot ko.
"Okay..can we meet today?" Tanong niya.
"Why?"
"Wala lang gusto kita makasama mag papamake over and shopping tayo!don't worry my treat.."
"Bu--"
"See you at Sheperd mall 10 am sharp! Bye.."
Bago pa ako makapagsalita ay binaba na niya ang tawag. Anu ba yan.. i don't like kikay stuffs. Kaya nga nasasabihan akong one of the boys eh. I smiled bitterly.. si Enzo na naman.
Mabilis akong nakarating ng Sheperd. Yes!isa ito sa mga malls nila Enzo. Siguro naman hindi kami magkikita dito ngaun noh?takte!baket ba puro Enzo ang naiisip ko? Nakita ko naman agad si ate Zyrine. Alanganin nga akong lumapit kase naman para akong katulong ng dyosa. Napailing ako sa sarili ko. Mukha niya talaga aking yaya ngaun.
"Tricia.."masayang salubong saken ni ate Zyrine. Nahiya pa akong lumapit sa kanya. Apaka sopistikada kase ng dating nya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa reaction ko.
"Ready for the make over?"Malaki ang ngiti niya kaya ngumiti lang ako. Tsaka medyo nahihiya pa ako.
"Yes ate..."
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Teen FictionThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...
