first encounter

296 30 21
                                    


Ano ang ibig sabihin ng pagiging kontrabida sa kwento? Do they always have to be the bad guys? Are they the bad guys? Are they the problem? Ano-ano ang mga standard para maging kontrabida sa isang kwento? Hindi ko alam kung bakit ganitong klase ng mga tanong ang naiisip ko, pero isang malaking palaisipan para sa akin kung kontrabida ba ako sa sarili kong kwento.

I guess it's just the pressure of college. It's taking its toll on me these days because a lot of peopleprofessors and blockmatesare encouraging me to be more social and to join orgs. Hindi ko alam kung sarili ko ba ang kalaban ko o ang standard nila kung paano magiging makabuluhan ang college life ko. The thing is, I'm not really interested in joining orgs or doing extra activities aside from studying what I came here for, whether I get an extra  point for it or not.

"Ano iniisip mo?" sabay kalabit sa akin ni Mich.

Itinaas ko ang librong binabasa ko para makita niya ang title kahit hindi naman tungkol sa librong ito ang iniisip ko. Hindi siya nagtanong kung tungkol saan 'yung story at hindi rin naman ako nag-expect na magpaliwanag.

"Tignan na natin 'yung result ng exam," aya niya.

"Pasado kaya?" tanong ko.

"Ikaw pa ba Margarette?" Sabay hampas niya sa braso ko. "Tatanong ka pa, e sigurado namang pasado ka."

She's right! But while I do think I did pretty well on the exam, paminsan hindi pa rin nawawala ang pagdududa na baka feeling ko lang pala.

"Tara na!" Iyon na lang ang nasabi ko at mabilis na ipinasok ang libro sa aking bag.

Nakasalalay sa resulta ng exam na ito kung magpapatuloy pa ako sa course na kinuha ko at kung makakakuha ako ng units sa course na gusto kong i-pursue. Mabilis ang aming naging lakad hanggang sa makarating kami sa baba kung saan nakapaskil ang listahan ng mga estudyanteng pumasa sa Accountancy.

Pangalan ko ang una naming hinanap ni Mich dahil wala masyadong estudyante na naghahanap ng pangalan nila sa bandang iyon ng bulletin board.

106. Ferrer, Margarette S.

"Uy, pumasa ka bes!" natutuwang sabi ni Mich. "Sabi sa'yo e! Ikaw pa ba ang hindi makakapasa?"

Nagtitingin-tingin pa kami sa bandang letter G para tignan kung may mga blockmates pa kaming nakapasa kahit 'di naman talaga kami interesado. Pagkatapos ay inaya ko na siya sa bandang dulo para hanapin naman ang pangalan niya. Sa dami rin ng mga estudyanteng tumitingin ng kani-kanilang pangalan, medyo nahirapan kami ni Mich na makasingit kaya naghintay pa kami ng mga ilang minuto para humupa ang tao.

"Sa tingin mo nakapasa ako?" tanong ni Mich habang pinapanood 'yung mga estudyante na magkumpulan sa harap ng bulletin board.

"Oo naman!" sabi ko. "Makakapasa ka. Tiwala lang."

Feeling ko hindi naman babagsak si Mich. And I'm not saying it just because I'm her friend. Simula naman ng makilala ko siya, nakita ko ng matalino talaga siya at nag-e-effort siya.

"Eh matalino ka, kaya for sure na papasa ka talaga. Ako? Hindi ko alam. Nagreview naman ako, pero 'di ako confident sa mga sagot ko."

Natawa na lang ako sa kaniya. Pressure. Siguro mahirap lang tanggapin para sa ibang tao 'yung ginawa mo na ang best mo, pero hindi pa rin naging sapat. Iyong ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo, pero hindi ka pa rin nanalo. Kailangan bang kapag ginawa mo 'yung best mo, panalo rin ang resulta?

"Tara na!" sabi ko kay Mich nang lumuwag na ang pwesto kung saan nakapaskil ang mga estudyanteng ang apelyido ay nagsisimula sa O hanggang S.

368. Roxas, Kristine F.
369. Roxas, Lina Gale E.
370. Roxas, Mary Ann E.
371. Roxas, Mary Jane B.
372. Roxas, Michelle Rose

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon