waiting for you

63 14 10
                                    

Pagpasok kinabukasan, iba na naman ang mga tingin sa akin ng mga nakakasalubong na kakilala. Nagbukas ako ng facebook para tignan kung may bagong confession post ba tungkol sa akin, wala naman. Tinignan ko na lang ang mga notification at binasa ang mga comments sa bago kong upload na album.

Hindi ako nakatulog agad kagabi kaya nag-upload ako ng mga pictures ng birthday celebration ko. Ang may pinakamaraming comment ay ang video ng 18 roses. But they were not talking about me. It was all about Nickolai. Ayos lang naman.

Isa nga sa mga nagcomment ay si Monique, nagtatanong: pwede ko rin ba siyang imbitahin sa debut ko? I don't react or even reply because I don't know what to say.

Si Sir Den naman ay napa-comment din, nagtatanong kung bakit hindi ko siya inimbitahan. Minsan tuloy, naiisip kong papansin si Sir. Kung hindi lang kailangan para sa school-related stuff, ia-unfriend ko na siya e.

Matapos basahin ang mga bagong comments, naglog out na ako. Habang naglalakad, narinig kong may nagbanggit ng pangalan ni Nickolai. Napangiti ako. Mga tao talaga. Interesado sa buhay ng iba kapag may ginawa kang labag sa standard nila o kaya kapag may ka-close kang celebrity.

Pagdating ko sa unang klase, bumati ng belated ang ilan kong kaklase, pero alam ko namang curious sila sa iisang bagay lang: si Nickolai. I'm in a good mood so I'm kind enough to share some details. Simple lang naman ang mga tanungan nila—kung paano ko nakilala si Nickolai, kung gaano siya kagwapo sa personal, kung gaano siya kabait. Mga gano'n lang naman.

Pagdating sa sunod na klase, ganoon pa rin. Nagkaroon lang ako ng pahinga nung lunch time, pero hindi nagpakita si Ezra. Sabi niya, may group activity silang kailangang tapusin. Pero feeling ko, iniiwasan niya ako. I don't know, I just feel it.

Anyway, maswerte naman ako dahil pagdating ko sa canteen ay nakita ko si Hillary.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ko.

"May ibang plano 'yung dalawa e. Ayoko namang lumabas ng campus," sabi niya at tipid na ngumiti.

"Ahh..." Tumango-tango ako. Naaalala ko tuloy dati noong hindi pa kami masyadong close, siya ang madalas kong kausap sa klase nila at madalas ko siyang makasabay kumain ng lunch dahil nga mag-isa lang siya. Ito pala ang dahilan: paminsan ay may ibang plano 'yung dalawa.

"Ikaw? Akala ko magkikita kayo ng boyfriend mo?" tanong niya. Iyon kasi ang dahilan ko sa kaniya kanina dahil nauna akong umalis ng klase.

"Akala ko rin e," nahihiya kong sabi. "Kaso busy e."

Siya naman ang tumango-tango. Tahimik kaming kumain at doon na lang din kami nagpalipas ng oras hanggang sa matapos ang vacant time namin. Bago pumunta sa sunod na klase, nagtext ako kay Ezra na sabay kaming umuwi at hihintayin ko siya. Kapag hindi talaga siya nagpakita sa akin, ibig sabihin, iniiwasan niya ako.

🌹🌹🌹

Hindi ko talaga alam kung ano na naman ang issue ni Ezra at iniiwasan ako ngayon. It's exactly 7:45 PM and I haven't seen him. Halos isang oras na ang paghihintay ko, imposible namang hindi ko siya napansing dumaan. Isa pa, nakailang beses na akong text sa kaniya para magpaalala. Imposible namang hindi niya alam. Hindi naman ito ang unang beses na maghintay ako sa kaniya.

Hay. Hindi ko na alam. Ang masama pa, wala man lang text para mag-explain. Naiintindihan ko naman ang kaba niya na ipakilala ko siya sa magulang ko, pero kailangan bang umiwas siya ngayon?

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon