i love you

74 16 13
                                    

The next day, everything seems to be back to normal. My classes for the first half of the day were uneventful. Nasa tambayan kami ni Ezra ngayon, katatapos lang kumain ng lunch. Nagre-review lang ako dahil may exam ako mamaya, si Ezra naman ay umiidlip. Nasa tabi ko siya, pero nakayuko siya at nakaharap sa kabilang direksyon.

📞 Elirine calling...

Medyo nakakagulat na tumatawag siya ng ganitong oras, pero sinagot ko naman ito agad.

"Himala..." ang bungad kong sabi. "You never called at this time of the day."

Natawa siya. "Vacant ko kasi e."

"Bakit naman napatawag ka?"

"Uh..." Sandali siyang hindi nagsalita, nasa mataong lugar yata siya. Medyo maingay sa kabilang linya e. Maya-maya ay tumahimik din naman. "Okay ka na ba? Nagmessage sa'kin ang Mama mo kahapon sa facebook. Kinuwento niya sa akin 'yung tungkol kay Carlos tapos pinapapunta niya ako sa inyo sa Sabado dahil feeling niya masama pa rin daw ang loob mo."

"Talaga?" Natawa ako. "Okay na ako. Si Mama talaga."

Mahina siyang tumawa. Ewan ko kung nasaan siya at kung bakit pabulong na siya kung magsalita, pero hinayaan ko na lang.

"Ako na bahala magpaliwanag kay Mama. If you're busy this weekend, it's okay. You don't need to come," sabi ko. Sa isip-isip ko, medyo natatawa ako sa ginawa ni Mama. "Nakokonsensya yata si Mama dahil nung high school lagi niya akong pinababantayan kay Carlos kapag naggagala tayo e."

"Oo nga e. Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko nung una sa sinabi ni Tita e. Nakakatawa na ewan na nakakaloka." Natawa ako sa paglalarawan niya. "Pero punta pa rin ako sa inyo sa Sabado, wala naman akong gagawin."

"Okay, sabi mo e." I smile just thinking how much effort my Mom is giving to make me feel better. "Si Anna kaya?"

"Alam mo ba... tinanong ko nga si Anna kagabi kung pwede siya sa Sabado. Turns out, nagmessage din pala sa kaniya si Tita. Don't worry, Margarette. We'll be there."

Napangiti ako. "Thank you."

"I love you, emo girl!"

"Eli!"

Awtomatikong napalingon ako kay Ezra. Feeling ko naman hindi niya naririnig ang pinag-uusapan namin ni Eli, hindi naman naka-loud speaker, pero na-conscious ako.

Tawang-tawa naman si Elirine sa kabilang linya. "I just can't believe it, Margarette. Nasanay lang talaga ako sa strong personality mo kaya natutuwa akong ngayon maco-comfort na rin kita."

"Baliw ka talaga," natatawa kong sabi.

"Kumusta na kayo ng boyfriend mo?" biglang tanong niya. Napalingon ako ulit kay Ezra.

"Change topic agad, Elirine?"

"Nangangamusta lang."

"We're... we're good."

"Sabihan mo ako agad kapag sinaktan ka niya ah. Mukha pa naman siyang bad boy ang datingan."

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon