falling

63 18 12
                                    

Good mood si Ezra ngayon araw. Habang naglalakad kami papasok, hindi nakakunot ang noo niya. Hindi siya nagreklamo nang abutan ko siya ng pagkain. Kaya naisip ko sa sarili ko na baka kaya kong pumasok sa isang relasyon. Baka pwedeng si Ezra na lang. Kung ganito kami palagi, at peace sa isa't isa, komportable sa isa't isa, baka pwede na. May kaunting bangayan man, matapos ng ilang oras ng katahimikan magsasalita ulit para magkaroon ng kasunduan.

But if only...

If only relationship is that simple.

If only feelings alone is a guarantee.

Sa totoo lang kahit sabihin kong komportable akong kasama siya, nando'n pa rin sa akin 'yung pagdududa sa sarili kung nasa tamang gawi ba ako. Tama bang binibigyan ko siya ng chance? Tama bang hinahayaan ko ang sarili ko na masanay sa presensya niya? Marami akong tanong na paano kung, pero kapag kasama ko si Ezra nawawala na 'yon sa isip ko.

"Bilisan mo na, baka ma-late ka pa," sabi ni Ezra. Kumaway lang siya para magpaalam tapos umalis na.

Kahit maaga pa naman, binilisan ko na ang lakad ko paakyat sa building. Habang naglalakad ako may ilang ngiti akong natatanggap sa mga nakakasalubong na kaklase sa floor ng Accountancy. It was weird, pero hindi ko na lang pinansin. Hanggang matapos ang una kong klase, wala pa rin akong kaalam-alam kung bakit ganoon na lang ang tingin sa akin ng mga kakilalang nakakasalubong. Pakiramdam ko tuloy, may post na naman ang isang page ng college namin para pilitin akong sumali ng pageant.

Second class, isang kaklase ang nagmagandang loob na ibahagi sa akin ang mabuting balita. Gusto niya i-confirm kung totoo ang balita kaya naglakas loob siyang kausapin ako. At ayon sa kaniya, may kumakalat na balitang ang boyfriend ni Margarette Ferrer ay isang barker sa jeep. Gandang pang headline sa isang tabloid.

Tinanggi ko sa kaniya ang balita. Gusto ko pa sana malaman kung saan niya nakuha ang balita, pero 'wag na lang pala.

Pinuntahan ko na lang si Ezra na nagtext na nasa tambayan daw siya. Nagreply ako ng okay tapos ang reply niya ay 'wag na raw ako bumili ng pagkain dahil bumili na siya. Okay ulit ang naging reply ko, pero hindi na siya nagreply sa akin.

"Balita ko boyfriend mo na raw 'yung barker ng jeep na nanliligaw sa'yo," mapang-asar na sabi ni Ezra pagdating ko.

Napairap ako. "Paano naman kumalat sa'yo ang balita?"

"Sa isang confession page," sagot niya.

Napakunot ang noo ko. Confession page... Bigla akong kinabahan at nag-alala. People talking about it is fine. Kung may isang taong nagpakalat ng tsismis na 'yon, ayos lang. Hindi mo naman araw-araw na nakakasalamuha ang mga tao na mag-uusap tungkol do'n para araw-araw na marinig ang mga side comments nila. But facebook is different. Everyone is opinionated. They can post a comment or share their thoughts. Ang masama pa no'n, ikaw ang hahabulin ng mga salita nila. Walang ibang paraan para mabura sa isip ang mga salitang nabasa mo na.

Mabilis ang pagkuha ko ng cellphone sa bag at nagbukas ng facebook. Hindi naman ako pinahirapan sa paghahanap ng post dahil iyon agad ang una kong nakita sa newsfeed ko. Si Monique ang nagshare at naka-tag kay Ezra. Confession page ng school namin ang nagpost.

CONFESSION #451

Gayuma

Ang swerte nung barker ng jeep na boyfriend ni Margarette Ferrer ng 2-10 ngayon. Boy, kung ako sayo di ko na pakakawalan yan. Daming lihim na nagkakagusto sa kanya (isa na ako do'n) tapos ikaw pa napili niya. Matalino, maganda, mayaman. Ne se kenye ne eng lehet! Yung totoo boy, anong gayuma gamit mo? Baka pwede mo namang ishare samin kung saan nakakabili niyan? Wag mo sarilinin boy...

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon