the choices we make

65 14 10
                                    

Lumipas ang weekend at medyo humupa na ang mga nakakailang na tingin sa akin ng ibang estudyanteng nakakakilala sa akin kapag nasasalubong ko sila sa daan. It was as if people have forgotten about it.

Nitong mga nakaraang araw, ngayon na lang ulit ako nakapagfocus nang maayos sa pag-aaral. Sa umaga, kapag hinahatid ako ni Ezra sa unang klase ko, wala na 'yung mga kakaibang tingin  ng mga kaklase ko. 'Yung mga tingin na nag-aabang ng kumpirmasyon sa aming relasyon. Para bang, back to normal ang lahat at wala silang paki kung kami ba o hindi.

Sa totoo lang, ganito naman talaga ang buhay ko kung hindi nagpost 'yung that guy na 'yon tungkol sa personal na buhay namin ni Ezra. Hay. Kapag naaalala ko talaga 'yon, gusto kong magwala. Ayaw ko kasing... ayaw kong ma-pressure si Ezra.

Pagdating ng alas dose, nagkita kami ni Ezra at sa tambayan kami kumain ng tanghalian. May bitbit kami parehong pagkain para sa isa't isa kaya ang ending, ang dami naming pagkain ngayon. Anyway, mahaba-haba naman ang oras namin para makapagkwentuhan.

"Paano kung pumunta ngayon dito 'yung kaibigan mo?" biro niya.

"Edi pumunta siya." But I seriously doubt it. Tumatambay ako rito minsan sa pagitan ng bawat klase ko, pero hindi ko nakikitang nagagawi si Mich dito. I don't think she still visits this place.

"Anong gagawin mo? Aawayin mo siya?"

Tinignan ko siya, nakakunot ang noo. "Bakit ko siya aawayin?"

"Susugurin mo nga siya dapat no'n e."

"Hindi naman ibig sabihin no'n ay aawayin ko siya," depensa ko.

"Okay, sabi mo e..."

Tinignan ko siya nang masama, pero wala akong sinabi. Good mood siya kaya lulubusin ko na.

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang kalat namin. Tatayo sana ako para itapon iyon sa malapit na basurahan, pero inagaw niya. Siya ang nagtapon ng mga kalat namin. Pagbalik niya, natatawa siyang umupo at tumingin sa paligid.

"Baka ang susunod na i-post ng ibang tao, pinagtatapon kita ng basura."

Natawa ako sa sinabi niya. "Grabe na 'yung taong 'yon kung pati pagtatapon ng basura gagawan niya ng issue."

"Patingin nga ako ng kamay mo..." sabi niya at basta na lang hinila ang mga kamay ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tinignan niya ang likod ng kamay ko at hinaplos ang mga daliri ko. Sunod ay pinagmasdan niya ang palad ko.

"A-anong ginagawa mo?"

"Binabasa ko ang kapalaran mo."

"Ang dami mong alam, Ezra." Binawi ko na ang kamay ko.

"May magandang mangyayari sa'yo sa mga susunod na araw. Matutupad ang isa sa iyong mga kahilingan."

Napangiti ako. "Talaga?"

Tumango lang siya. Napailing naman ako. Pero mas okay na 'yung good mood siya at kung ano-ano ang pakulo kaysa wala sa mood.

🌹🌹🌹

Pagdating ng uwian, nagtext si Ezra. Pinauuna niya na akong umuwi kung tapos na ang klase ko dahil mukhang matatagalan pa raw siya. I simply reply okay. Wala rin naman akong balak hintayin siya dahil maagang nagdismiss ang prof ko sa last subject. Pero iba ang plano ng tadhana para sa akin ngayon.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon