the fall

69 16 20
                                    

Hindi pumasok nang maaga si Ezra ngayong araw kaya hindi ko naiabot sa kaniya ang baon na inihanda ko para sa kaniya. Tinext ko siya na magkita kami sa vacant time ko para maibigay 'yon at para masabi rin sa kaniya kung ano ang mga dapat niyang gawin sakaling pumayag siya sa inaalok ko.

At habang nagpapalipas ng isang klase, naisip kong kausapin si Hillary tungkol kay Ezra. Gusto ko lang magkaroon ng kausap tungkol sa kaniya. Gusto ko lang mapag-usapan namin siya. Gusto ko lang din malaman kung ano ang tingin niya kay Ezra.

"Hillary, what do you think of Ezra? Sa tingin mo ba, bagay kami?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Bakit? Out of the blue?"

Natawa ako. "Sige na. I just feel like I need some answers."

"Okay," tugon niya tapos biglang sumeryoso ang mukha niya. "But I don't mean to be rude or offensive, okay?"

Tumango ako at nag-okay sign para sabihing tanggap ko ang opinyon niya. Lately, puro si Ezra ang nasa isip ko. Para bang hindi na kumpleto 'yung mga iniintindi ko kapag wala siya.

"I know you're such a nice person, Margarette. Kahit saglit pa lang tayo nagkakasama, feeling ko kilala na kita. Kung ano man ang pasya mo, it's up to you and I respect it. But in my own perspective and in my own standard, I wouldn't choose him. Kung pipili na lang ako ng lalaki tapos katulad mo ako, bakit naman 'yung katulad pa niya?"

"Bakit hindi siya?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Alam kong hindi mo tinitignan 'yung kalagayan niya sa buhay, pero baka ikaw lang ang bumuhay sa kaniya balang araw, Margarette. Isa pa, kahit wala lang sa inyo 'yung sinasabi ng iba, paano naman ang mga magulang ninyo?"

Tumango ako. But does it really matter? I know some people who are doing just fine with that kind of set-up. Katulad ng Mama ni Anna. Siya rin naman ang bumubuhay sa pamilya nila. Her mom was not even born from a rich family, but now they're like one of the richest family in the country. But then, I get her point. Isa pa hindi ko nga alam kung papayag mga magulang ko kay Ezra. Ni hindi ko nga alam kung paano siya ipakikilala sa kanila.

"Balak mo na ba siyang sagutin, Margarette?" tanong ni Hillary.

"Hindi pa," pagtanggi ko.

Magtatanong pa sana ako kaso dumating na ang professor namin. Nakinig na kami ni Hillary sa lecture at naghintay na matapos ang klase.

🌹🌹🌹

Nauna akong dumating sa tambayan. Ewan. Wala akong maisip na lugar kung saan pwedeng tumambay na walang makakaistorbo sa amin. Dito lang talaga. Wala kasi masyadong estudyante na gustong tumambay dito dahil open ang space at isa pa katabi lang nito ang library.

"Ano nakapag-isip ka na ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Inirapan ko siya. Napakamoody talaga. Inihanda ko na lang 'yung pagkain na bitbit ko. It was a simple chicken sandwich na ginawa ni Mama para sa agahan. Sinamahan ko lang ito ng mga prutas para magmukha namang nag-effort ako nang kaunti.

"Maupo ka na. May sasabihin din ako sa'yo," sabi ko.

Nanatili siyang nakatayo. "Para sa'n 'yung scholarship na ino-offer mo?"

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon