new classes

74 18 23
                                    

I have two different classes this semester na wala talaga akong kahit isang kilala sa klase: Integrated Physics and Physical Education.

Kung kahapon ay kabado ako sa simula ng mga bago kong klase, ngayon ay dumoble pa ang kaba ko. Hindi naman na bago ang pagiging estudyante sa'kin, pero ewan ko kung bakit may kaba pa rin kapag first day.

Pagdating sa klase, sa likod ako umupo at katabi ko si Jeremi. Iyon ang sinabi niyang pangalan niya. Habang naghihintay, hawak ko lang ang cellphone ko at binabantayan ang oras. Wala akong magawa e. Wala pa ang prof. Wala naman akong dapat gawin. Wala rin naman akong makausap. Si Jeremi, tahimik na nagbabasa sa cellphone niya.

Makalipas ang isang oras, dumating ang prof. Kung tutuusin, absent na dapat siya, pero dahil mabait kami, naghintay kami. Pagdating niya, nagpakilala siya bilang Sir Den at pinasulat kami ng mga pangalan sa index card at pinapasa iyon. Pinatayo niya naman ang mga nakaupo sa first row at pinapunta sa likod. Alphabetical order ang gusto niyang seat arrangement.

"Okay. Kung sino man ang una ay mauupo sa pinakamaswerteng upuan at magiging secretary sa klase ko," sabi ni Sir Den.

May grupo ng mga babae na nagtawanan sa pangalawang row. Nakita ko ang pagtayo ng isang babae, inaasahan na siya ang tatawagin, pero nanatili pa rin siya sa pwesto niya.

"Margarette Ferrer," tawag ni Sir Den.

Nagtaas ako ng kamay at tumayo. Nagtinginan naman sa akin ang lahat. First time. Kapag alphabetical order ang seat arrangement, madalas ay mga pangsampu pa ako. But never the first one.

Ngumiti siya at tinuro ang aisle seat sa harap.

"You'll be sitting here and next to you will be Joanna Gueriba."

Lumapit iyong babae na nakatayo na  kanina at umupo sa tabi ko. Sa klase na ito, siya talaga ang palaging una kung alphabetical order. Weird. Alam kong may posibilidad, pero ang weird na wala ni isa sa kanila ang may apelyido na nagsisimula sa A o B o C. Tuloy-tuloy ang naging pagtawag ni Sir hanggang sa makumpleto at makaupo na ang lahat.

"Don't get mad at me kung nahiwalay kayo sa mga kaibigan ninyo, okay?" sabi ni Sir Den. "Ginagawa ko lang 'to para maiba naman ang mga katabi ninyo. Hindi ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ng mga kaibigan ninyo?"

Nagtawanan ang buong klase tapos biglang napatingin sa akin si Sir. Na-conscious naman ako dahil tumahimik din ang buong klase. Pakiramdam ko lahat ng mga mata ay nasa akin.

"Bakit ang seryoso ng mukha mo?" tanong niya.

Ngumiti lang ako. Bukod sa 'di ako nakaka-relate, hindi naman joke na nakakatawa ang sinabi niya.

"You are Margarette Ferrer, right?" Tinignan niya ang master list niya. "Why are you irregular? Huminto ka ba sa pag-aaral? Anong year ka na dapat?"

Umiling ako. "No, Sir. I'm just taking two courses, that's why."

"Really?" Halata ang pagkagulat sa mukha ni Sir. May ilang mga ooh galing sa klase. Nakakahiya naman 'to.

"Is this your first major?" follow-up question ni Sir.

"No, Sir. I'm on my second year taking Accountancy," sagot ko.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon