starting to fall

62 17 20
                                    

Maaga ang pasok ko kinabukasan kaya nagulat ako nang makita si Ezra sa guard house, nakatayo at nag-aabang. Nang makita niya ako, masama agad ang tingin niya sa akin. Gusto ko pa naman sana siyang batiin ng good morning, pero mukhang walang good sa morning niya kaya hindi ko na itinuloy. Ano na naman kaya ang problema ng isang 'to?

"Ang aga ng pasok mo," reklamo niya at sinabayan ako ng lakad.

"Aba, sinabi ko bang pumasok ka nang maaga?" tanong ko.

Naglalakad na kami sa campus, mabagal. Para bang nasa pasyalan, walang iniintinding oras. Hindi ko pa naman kailangang magmadali dahil marami pang oras bago ang una kong klase.

Naiirita siyang kumamot sa batok niya. "Wala kasing choice e."

Natawa ako. Wala akong naging sagot, pero natatawa ako sa kaniya. Nakokonsensya rin naman ako para sa kanya, pero hindi ko naman sinabi na pumasok siya nang maaga. Sinabi kong 'wag niya akong sabayan sa uwian, pero 'di ko naman sinabing sabayan niya ako pagpapasok. May vacant time naman para magkita kami.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong ko. "Baka gutom lang 'yan. Baka kailangan mo lang ikain 'yan."

"Hindi ako gutom," inis niyang sabi.

Napairap na lang ako at hinila siya papunta sa isang upuan, malapit sa basketball court. Inilabas ko ang mamon na palagi kong bitbit para may makain sa pagitan ng mga klase.

"Oh." Inabot ko sa kaniya ang isa tapos tumayo ako ulit para bumili ng kape sa may malapit na vending machine.

"Hindi ako umiinom ng kape," sabi niya at tinanggihan ang kape na binili ko.

"Hindi ako naniniwala. Inumin mo 'yan," sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, pero nang magsimula akong kumain ay kumain na rin siya. Pinanood namin ang mga estudyanteng naglalakad papasok habang nag-aalmusal. Malamig-lamig pa ang hangin kaya masarap humigop ng kape.

"Sisiguraduhin mong nag-aalmusal ka bago umalis ng bahay ninyo para hindi ka badtrip sa umaga," sabi ko sa kanya. Para 'di mo binubunton sa ibang tao 'yung inis mo, gusto ko pa sanang idagdag kaso baka lalong mainis.

"Nagsalita 'yung palaging mukhang mataray..." bulong niya.

"Mukhang mataray lang, pero hindi naman ako naiinis sa tao ng walang dahilan."

Hindi niya ako pinansin. Nakatingin siya sa malayo habang humihigop sa kape niya. Tinignan ko naman siya nang maigi. Aaminin ko na noong una, ayoko sa mga mata niya. Singkit na lalong nagpapasiga sa kaniya kapag naiirita siya. Pero ngayon, sa tingin ko mata ang pinakacharming na parte ng mukha niya.

Big word, Margarette. Charming.

Kinalimutan ko na ang tungkol sa mata niya dahil naalala ko 'yung dolphin na keychain.

"Bakit dolphin?" tanong ko.

"Hindi ka naman nagtext." Iyon ang sagot niya.

"Wala akong load," sabi ko, pero ang totoo mayro'n talaga. Mas pinili ko lang na 'wag na muna siyang i-text.

"Maniwala ako sa'yo. Ayaw mo lang mauna magtext," sabi niya.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon