the secret

59 14 17
                                    

Margarette:
Anong ginagawa mo
ngayong araw?
Ba't di ka na nagreply
sa text ko kagabi?

Ezra:
nakatulog na ako kagabi.
sasamahan ko lang pinsan ko pumasada ngayon

ikaw?

Margarette:
Wala. Dito lang sa bahay.

Ezra:
boring

Margarette:
Favorite word?

Ezra:
hindi boring ka talaga

Margarette:
Pero mahal mo?

Ezra:
tumigil ka!

Margarette:
Haha sige na mamaya
na tayo ulit mag-usap.

Ezra:
bakit? wala ka naman gagawin.

Margarette:
Ako wala. Ikaw mayron.

Ezra:
hindi yan. mamaya pa naman.
usap pa tayo.

Margarette:
Anong pag-uusapan natin?

Ezra:
nag-iisang anak ka lang di ba?

Margarette:
Oo. Ikaw?

Ezra:
tatlo kami. panggitna ako

Margarette:
Oh... Ano pangalan ng mga
kapatid mo? Lalaki o babae?

Ezra:
bakit ise-search mo sa fb?

Margarette:
Hindi. Gusto ko lang malaman.

Ezra:
wag mo na alamin

Margarette:
Bakit?

Ezra:
may gusto akong sabihin sa'yo
pero pagbalik na lang

Margarette:
Sabihin mo na...
Binanggit mo na e.

Ezra:
basta pagbalik na

Margarette:
...

Ezra:
I love you.

🌹🌹🌹

Nasa ancestral house kami nila Papa sa Nueva Ecija buong bakasyon. Taon-taon tuwing undas kami pumupunta roon para bisitahin ang puntod ng mga lolo at lola ko sa side nila at mga kamag-anak na yumao. Pamilya talaga ng mga sundalo sina Papa. Ang tatay ni Papa ay isa sa mga sundalong lumaban sa Hapon. Si Mama naman ay mula sa pamilya ng mga businessman at laking Maynila na talaga si Mama. Kung paano nila nakilala ang isa't isa ay hindi ko alam.

Pagbalik ulit sa klase, pakiramdam ko ay ibang tao ako dahil sa puyat. Madalas kasi ay gabi na magtext si Ezra noong bakasyon. Sa umaga ay sinasamahan niya ang pinsan niya pumasada kaya gabi lang kami minsan nakakapag-usap.

"Hi, Margarette!" bati ni Maricar.

Napangiti ako. "Kumusta kayo?"

"Okay lang. Ikaw? Ang gaganda ng mga pictures na pinost mo. Old style."

"Old style kasi bahay namin sa Nueva Ecija."

"Taga Nueva Ecija ka? Anong salita niyo do'n?" tanong ni Jemma.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon