peer pressure

132 23 27
                                    

Kinabukasan na tumawag sa akin si Mich para itanong kung ano ang nakakahiyang pangyayari na tinutukoy ko. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang buong detalye at ang loka ay kinikilig. Although I know it was really a funny scene, I don't really find the romantic part in it like she does. Hindi ko naman pinutol ang kilig niya sa pagiging KJ tungkol dito. Sinabi ko na lang na sobrang nakakahiya at ayaw ko ng makita si Zacharias ulit.

Pagkatapos ng klase ko sa Algebra, nagtext si Mich na sa tambayan kami magkita para kumain. Okay lang ang naging reply ko dahil iyon naman talaga ang aming routine. I didn't even think about it that much. Little did I know, I'm in for a lot of surprises today. Malayo palang ay nakikita ko ng ang daming kasama ni Mich sa aming tambayan. Dumami yata ang kaibigan ko at umingay.

Isang malaking wow lang ang nasabi ko nang malapit na ako. Pumwesto ako ng upo sa pagitan ni Mich at Joshuel kahit nagbigay na si Zacharias ng space para makaupo ako sa tabi niya. Smooth.

"Anong mayro'n?" pabiro kong tanong.

"Si Zach kasi pinipilit ako," paliwanag agad ni Joshuel.

"Gusto ka lang namin makilala pa," sabi naman ni Jethro. Nakilala ko siya dahil sa kaniyang post 'yung na-like ko bigla kahapon. Tanda ko ring siya ang kasama noon ni Zacharias, na tumulak sa kaniya non para magkabangga kami. Itsura niya tipikal na kaibigan mong makulit na lagi kang itutulak sa kahihiyan e.

"My name is Margarette. Nice to meet you," sabi ko at tumango.

"Bes, napaka-formal? Job interview?" sabi ni Mich. Kinurot ko siya sa hita niya pagkaupo ko.

"Ako nga pala si Jethro. Eto si Zacharias, alam mo na! Si Tim at Nina," pagpapakilala ni Jethro sa kanilang lahat.

Nagkaroon lang ng ilang palitan ng hi at ngiti tapos inabutan ako ni Zacharias ng pagkain at bote ng juice.

"Pork chop with rice?" nakangiti niyang sabi. Hay. Bakit ka ngumiti?

Naghiyawan silang lahat kaya sinita kami ng guard sa entrance ng library. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Ang hirap talaga ng nasa ganitong sitwasyon. Hirap tumanggi. Hirap umangal. Hirap mag-inarte.

"Thank you, Zacharias," sabi ko. While his name looks appealing, it sounds strange when said.

"Zach na lang," sabi naman niya.

Hindi na ako nagreact. Tumango lang ako at inaya silang kumain dahil baka kung saan pa mapunta ang mga usapan. Habang masaya silang nagkukuwentuhan, pangiti-ngiti lang ako, pero deep inside hindi ako natutuwa. Sumesenyas ako kay Mich, pero ang insensitive talaga.

Binilisan ko nang kumain dahil may susunod pa akong klase. Mukhang napansin naman ni Zach ang pagmamadali ko at handa naman akong magpaliwanag. Eto pala 'yung pakiramdam na may nagbabantay sa kilos mo at kailangan mong magpaliwanag sa bawat galaw mo.

"Guys, una na ako. May klase pa ako. Physics," sabi ko at nagpeace sign.

"What? Why?" kunwaring gulat na tanong ni Jethro.

"Physics? Bakit physics?" tanong naman ni Zach.

"Double major kasi si bessywap," sagot ni Mich na parang may kasamang irap.

Tumango-tango sila, tahimik. Bakit parang krimen ang magpursue ng dalawang course?

"Sabay na lang tayo umuwi mamaya. Hintayin kita," sabi ni Zach.

Naghiyawan na naman sila nang malakas, at muli kaming sinita ng guwardiya. Wala rin naman akong maisasagot sa sinabi niya dahil hindi naman iyon tanong kaya umalis na lang ako. Bahala na siya kung makikita niya ako sa kung saan mang lupalop ng campus ako naroon mamayang uwian.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon