true feelings

66 20 23
                                    

Instant artista ako pagpasok ngayon sa campus dahil dinala ko ang kotse ko. Una, ayokong makasabay si Mich. Pangalawa, ayokong makasabay si Zach. Pangatlo, ayokong makasabay si Ezra. Habang maaga pa, dapat pinuputol na ang koneksyon sa mga taong nakakasagabal sa peace of mind ko.

Pinipilit pa nga ni Papa na tatawagan niya si Carlos para ipagdrive ako, pero tumanggi ako. Para saan pa't nag-aral akong magdrive?

"Wow naman. Parang pinag-uusapan lang natin 'to noong isang araw ah," sabi ni Jethro pagbaba ko. Eksaktong padaan sila sa parking space ng campus mula sa tambayan namin sa library. "Pinapakita mo na talaga sa'min kung gaano ka kayaman, Margarette."

"Hindi naman. Napagtanto kong tama ang mga sinabi mo. Baka kalawangin lang sa bahay," sabi ko.

Lumingon ako kay Mich, na noong una ay seryoso ang mukha, pero nang magtama ang tingin namin ay ngumiti rin.

"Tara, sabay-sabay na tayo umakyat," sabi niya.

Sumang-ayon kaming lahat. Dama ko ang mga tingin ni Zach, na nagsasabing ang plastik ninyong dalawa. Well, ano pa nga ba? Typical girl drama. Tuloy ang plastikan hangga't walang nagsisimulang umiwas.

Pagdating sa una naming klase, magkatabi kami ni Mich, pero hindi kami nagkikibuan. Alam mo iyong tatawa, ngingiti at mag-uusap lang kami kapag kinausap kami ng mga kaklase namin, pero wala talagang koneksyon sa isa't isa.

Wala na ang mga random talks ninyo tungkol sa mga random na bagay. Wala na ang tawanan at mga curious na tanong tungkol sa assignment o kaya sa bagong movie na pinalalabas sa sinehan. Wala na ang lahat ng 'yon. Para na lang kaming magkatrabaho na pinakikisamahan ang isa't isa. Pero pagkatapos ng klase, sabay kaming pumunta sa tambayan kung saan naghihintay sila Zach.

"Margarette, gusto mo nito?" tanong ni Zach at ipinakita ang isang chichirya.

Hindi talaga ako kumakain ng chichirya, pero um-oo na lang ako. Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga professor nila na nakakaiinis. Sumasabay na lang ako para mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin ni Mich.

"Pero may isang bagay kaming gustong itanong sa'yo, Margarette..." simula ni Nina. Tinignan ko lang siya habang hinihintay ang tanong niya. "Paano mo nakakayang mag-aral ng dalawang course?"

"Oo nga," sabi ni Jethro. "Isang subject pa nga lang, ayoko na."

"Nag-aral ka pa," sabi ko. Tumawa lang ang loko. "Wala naman akong ibang gagawin sa buhay. Para 'di masayang oras ko, gamitin ko na lang para sa mga opportunity na afford ng oras ko."

"Iba talaga kapag rich kid," sabi ni Jethro.

"Ang astig mo talaga," sabi ni Nina.

Umiling ako. "Feeling ko naman, afford ninyo. Kaniya-kaniya lang talaga tayo ng priority, ng gustong maabot sa buhay, ng sitwasyon."

Biglang pumalakpak si Jethro. "Iba ka rin talaga magsalita ano?"

"Alien ba?" tanong ko.

"Alien!" sigaw niya tapos sinita siya ng gwardiya sa library.

"Anong trabaho ang gusto mo pagka-graduate?" tanong niya pa.

"Bakit ba parang talk show lagi lunch time natin? Tapos ako ang bida?" sabi ko. Hindi ko na kinakaya ang maasim na ekspresyon ng mukha ni Mich kaya ako na ang magkukusang magpatigil. Sa nakikita ko sa mga mata niya, parang gusto niya ng magwalk-out. But it would mean she lose kaya irap-irap na lang kapag may time.

"Ikaw talaga ang bida ngayon. Syempre tinutulungan lang namin 'yung isa diyan para makilala ka pa," sabi ni Jethro.

Tumingin ako kay Zach. Kasalanan niya lahat ng 'to e.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon