the biggest cliché

74 19 25
                                    

Lumipas na naman ang isang linggo na payapa. Mas naging productive ang mga araw ko at mas nakapagpokus ako sa pag-aaral. Alam mo 'yung pakiramdam na hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko na makisama sa conversation na hindi naman ako interesado?

Pero hindi nagtagal ang kapayapaan na ito at hindi rin naman ako masyadong nag-expect. Alam kong may isang taong hindi makakatiis at puputulin ang kapayapaan na ito.

Si Mich ang unang naglakas-loob na makipag-usap para sirain ang kapayapaan naming dalawa. Kasagsagan ng foundation week ng Umiversity, halos lahat ng subject ko walang klase. Nag-iintindi ako ng mga klaseng ie-enroll ko next sem para hindi ko na siya maging kaklase nang makatanggap ng isang text mula sa kaniya. Pinapapunta niya ako sa tambayan para mag-usap kami. Pumunta naman ako.

Seryoso ang mukha niya pagdating ko sa tambayan. Pa-cool lang akong naupo sa tapat niya at inilapag sa tabi ko ang bag ko.

"Mukhang marami-rami ang pag-uusapan natin ah," sabi ko.

Sa itsura niyang iritable, hindi ko rin maiwasang mairita. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito kairita kaya nagtataka ako kung bakit kailangan pa niya akong kausapin.

"Alam mo hindi ko alam kung anong espesyal sa'yo!" naiirita niyang simula. Hindi ko na napigilan ang sarili at napakunot na rin ang noo ko. "Alam mo kung 'di lang dahil kay Zach, hindi na talaga kita kakausapin."

"Bakit kinakausap mo pa ako?" tanong ko. "Huwag mong idahilan si Zach. Hindi ka ba nakokonsensya?"

Umirap siya. "Bakit ako makokonsensya?"

"Kasi dinadamay mo sila sa away natin. Ni hindi mo pa nga sila gano'n ka-close, pero kung makasabit ka sa kanila parang matagal mo na silang nakasama."

"Huh, ang kapal mo talaga. Ikaw nga ang dapat makonsensya. Nag-effort 'yung tao, hindi mo man lang binigyan ng chance," inis niyang sabi.

Wow. Ibang klase. Bakit kaya niya ipinapasa ang sisi sa akin? Siya kaya ang maging girlfriend para walang problema.

"Alam mo, Mich, walang kinalaman 'yung panliligaw ni Zach sa issue mo sa akin," sabi ko.

"Mayro'n! Dahil pinipilit nila akong makipag-ayos sa'yo para magkaroon pa ulit siya ng pagkakataong manligaw sa'yo. Kung ayaw mo na, bakit ka pa kasi namin kailangang i-please? Marami namang mas maganda pa sa'yo na pwede niyang ligawan. Bakit kailangan ikaw pa?"

"Bakit ako ang tinatanong mo?" irita kong tanong sa kaniya. "Bakit hindi mo itanong 'yan sa mga bago mong katropa? Na naka-close mo lang din naman dahil sa akin."

Inirapan niya ako. Siya na naghamon ng sagutan, siya pa naiinis. Siguro kung hindi lang kami nakaupo baka sinugod na niya ako at sinabunutan. Kitang-kita ko sa mga mata niya 'yung inis e. Ang nakakatawa lang, naiinis siya sa sarili niyang katangahan. Wala naman kaming dapat pinag-aawayan kung wala siyang personal na motibo sa panliligaw ni Zach sa akin. Pero dahil gusto niya ng bagong kaibigan, edi 'yan na ang mga bago niyang kaibigan. Manawa siya.

"Pa-espesyal ka rin talaga e, 'no?" inis na inis niyang sabi. "Bakit ba lahat ng bagay na sa iyo na? May sikat kang mga kaibigan, matalino ka, mayaman pa at maganda. Bakit ikaw ang kailangang i-please? Bakit ikaw 'yung hinahabol? Dapat ikaw ang naghahabol e!"

"Ito ang pinakapuno't dulo ng lahat? Nai-insecure ka sa'kin?" tanong ko.

"Oo! Ang unfair kasi ng mundo. Kahit ang pangit ng ugali mo, kahit hindi ka marunong makisama, ikaw pa rin 'yung hinahabol, ikaw pa rin 'yung kinakaibigan," reklamo pa niya.

Iyon naman pala. The biggest cliché in a typical girl drama scene: insecurity.

Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko balik high school ako. Nag-eexpect akong 'di ko mararanasan 'to sa college life ko dahil iniisip kong medyo mature na ang mga makakasama ko. Iyon pala dito ko pa mararanasan ang ganitong drama.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon