change

73 20 26
                                    

In just one night, a lot of things have changed. Nakaupo sa tabi ni Joshuel si Mich. Ang iba ko namang kaklase ay biglang naging friendly sa akin. I don't know what happened, but I tried to approach Mich and talk to her, but Joshuel kept me away from her. Nang tanungin ko siya kung bakit niya ako pinipigilan, ang sagot niya lang ay iyon daw ang bilin ni Zach.

Kaya naman itinigil ko na ang attempt ko na kausapin siya tungkol sa second chance na pinagsasabi niya. Siguro nga kung wala na akong balak makipagbati, huwag ko na lang din siyang kausapin. Para hindi na ako makasakit, para walang gulo, at para walang nadadamay.

Naging abala naman ako sa pag-aasikaso ng ilang minor subjects sa vacant time ko kaya hindi ko na masyado inalala ang mga nangyari.

Matapos ang klase ko ng Biology, pumunta ako ng Gymnasium para manghingi ng approval sa prof ng napili kong PE class. Sunod akong pumunta sa building ng Comm Arts. Papunta na ako sa sunod na klase nang magtext si Hillary na hindi pumasok ang prof.

Sa unang pagkakataon, natuwa akong hindi pumasok ang prof. Sinamantala ko ang oras na 'to para wala na talaga akong aasikasuhin sa mga susunod na araw at tinapos ang pangongolekta ng approval mula sa mga professor.

Nagpahinga lang ako nung okay na ang lahat at dumiretso ako sa tambayan. From what I know, they still have a class so I'm sure no one's going to bother me. At kung sakali mang wala silang klase at mapadaan sila rito, sila ang dapat na mag-adjust.

I haven't really eaten anything yet, but strangely, I don't feel hungry. I just read to relax my mind and... think.

Naramdaman kong may parating kaya napaangat ang tingin ko. Just a group of people going to the Library. Wala naman akong inaabangan, pero himalang walang Ezra ngayon. I did see him earlier in the Gymnasium, but he didn't approach me. I thought maybe he's trying to keep his distance so I pretended not to notice him, too.


🌹🌹🌹

By Sunday, my family went to Taguig to meet with my mom's high school friend. Sa isang Mall sa loob ng subdivision ang kanilang palaging meeting place at buong pamilya kami lagi kung magkita-kita. Pagkatapos kumain ng lunch sa kanilang paboritong Italian restaurant, nagpaalam ako kay Papa na pupunta ako kina Elirine.

Sa subdivision na ito rin kasi nakatira si Elirine. Pumayag naman si Papa, pero syempre dapat kasama ko si Carlos.

Habang naglalakad kami, naisip kong magtext kay Elirine para ipaalam na papunta ako sa kanila.

💬
Eli, I'm near your place. Punta ako diyan.

To my surprise, her reply was so quick.

💬
Talaga? Wow. Ang sweet mo naman. Binibisita mo ako kahit busy ka.

Natawa ako. Feelingera.

💬
Hindi ikaw ang ipinunta ko rito. Nagkataon lang.

Hindi na ako naghintay ng reply niya dahil malapit na ako sa kanila. Nang makita niya ako, tumakbo siya palapit habang isinisigaw ang pangalan ko.

"Margarette!" Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ang ingay mo."

"Okay lang 'yan. Wala namang tao e," natatawa niyang sabi. Lumingon siya kay Carlos at bumati. "Hello..."

Walang naging tugon si Carlos. Tango lang siguro.

Kumapit naman sa braso ko si Eli at binigyan na naman ako ng malalagkit na tingin. Ito na naman siya sa issue niya sa amin ni Carlos. Iniisip niyang may something sa amin ni Carlos tulad ng ilang kwento sa libro kung saan nai-inlove ang babae sa personal bodyguard niya or the other way around.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon