one bad day

80 20 24
                                    

Pagdating ng lunes, napagdesisyunan kong maging neutral na lang. Nagtext sa akin si Mich at Zach na nasa tambayan sila, kumakain ng lunch. Nagsinungaling ako at nagsabing hindi ako makakasabay dahil hindi pa tapos ang klase ko at may activity akong tinatapos. Okay ang naging sagot ni Mich. Si Zach naman ay nagtatanong kung saan ang room ko para mapuntahan niya ako, pero hindi ako nagreply.

Bakit ba naiipit ako sa ganitong sitwasyon?

Sa ibang lugar ako kumain ngayon—sa pinakamalapit na canteen sa building ng huli kong klase. Sa lugar na alam kong hindi pa namin natatambayan ni Mich. Eksakto namang nadatnan ko si Hillary na naroon din, kumakain ng lunch, kaya sinabayan ko na siya. Tahimik kami kumain, nagkakahiyaan. But it was okay. It's the kind of silence that I totally need right now.

Pagkatapos kumain, sabay na rin kaming bumalik sa susunod naming klase. It's a good thing na makasabay ko siya dahil inaya niya ako sa study session nilang magkakaibigan. At least kahit paano ay hindi na ako loner sa block nila.

Habang nasa klase, panay ang vibrate ng cellphone sa bag. Binasa ko ang isang message galing kay Zach: Sabay tayong umuwi. Hintayin kita.

Hindi ako nagreply. Alam niya ang room sa aking huling subject ngayong araw kaya kahit tumanggi ako, siguradong hihintayin niya pa rin ako.

Hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng klase ay naghihintay siya sa labas ng room. Pero himalang siya lang ang narito ngayon.

"Hindi makakasabay si Mich," paliwanag agad ni Zach nang lapitan ko siya. "Pumunta silang tatlo nina Jethro at Nina sa mall. Ewan ko kung anong trip nila."

"O-okay," sagot ko at ngumiti. "Tara na."

Nang naglalakad na kami, gusto niyang buhatin ang bag ko, pero hindi ako pumayag. Hindi ko naman sinasabing pakialamero siya, pero pakiramdam ko kapag hawak ng ibang tao ang gamit ko ay parang pinapakialaman nila iyon. Hindi naman siya nagpilit, pero tawa siya nang tawa.

"Bakit natatawa ka?" seryoso kong tanong.

"Ang gulo ng mga babae. Nahihiya sila kapag binubuhat nung lalaki 'yung mga bag nila, pero kinikilig sila kapag nakakakita ng mga lalaking ginagawa 'yun para sa nililigawan nila."

Talaga ba? Iyon ang naiwang tanong sa isip ko. I guess I dont really see much.

"Magulo lang talaga kami," iyon na lang ang nasabi ko.

"Bakit ang seryoso mo?" nakangiti niyang tanong. "Mahirap ka talagang mapangiti, ano? Katulad ngayon hindi kita mapangiti."

"Do I look not okay when I'm not smiling?"

"No. But I think you will look better when you smile."

"Does a force smile looks okay?" tanong ko.

Alam mo 'yung pakiramdam na hindi ka naman malungkot, pero wala ka lang din sa mood ngumiti. Seryoso ako minsan at mabilis mairita, pero tamang timpla lang ang pakiramdam ko ngayon. Kontento. Komportable. Walang iniisip. Walang pinag-aalala. Kailangan ba bawat sandali nakangiti para masabing okay ka?

"Feeling ko kasi ang boring ko kasama dahil 'di ka ngumingiti," seryoso niyang sabi.

"No, hindi ka boring kasama," I told him. Then he just gave me a quick smile. "You just feel bored."

He suddenly became defensive. "Hindi ako bored. Nalulungkot lang ako dahil parang 'di naman kita napapasaya."

See, this is what I mean when I say I don't like this kind of stuff. Being in a relationship isn't just about making the other person happy. It's feeling happy, somewhat contented with each other's presence.

"Hindi naman porket hindi nakangiti 'yung tao, hindi na siya masaya. Malay mo deep inside hinihimatay na pala sa kilig," sabi ko na lang. And just like that, he's smiling ear to ear. Hay.

At dahil magkaiba ang daan namin pauwi, sinamahan niya ako maghintay ng jeep. Kinukulit ko siyang mauna na umuwi dahil baka tumagal ang paghihintay niya. Mahirap sumakay ng jeep papuntang Cubao gawa ng rush hour, pero mapilit siya.

"Bahala ka. Ikaw din mapapagod," sabi ko.

Natawa siya. "Bakit parang ipinagtatabuyan mo ako?"

"Hindi naman. Nahihiya lang," sabi ko. Totoo naman. Nakakahiya.

"Bakit nahihiya ka? E, nilili—"

Pinutol ko ang pagsasalita niya. "Please lang. 'Wag mo nang ituloy."

Pinisil niya ang pisngi ko. "Cute mo talaga."

Hinawi ko ang kamay niya sabay tingin sa ibang direksyon. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Okay naman talaga si Zach. He seems like a nice guy. He looks ideal. Siya ang tipo ng lalaki na hindi ka mahihiyang ipakilala sa magulang mo, pero... Lagi talagang may pero kapag hindi tama ang nararamdaman.

"Text ka pagdating mo sa bahay ninyo ah," sabi niya. "Tawag ako mamaya."

"Sige." Iyon na lang ang nasabi ko dahil may dumating ng jeep.

Paghinto nito sa tapat namin, nagba-bye ako kay Zach. Akmang sasakay na ako sa harap nang biglang sabihin nung singkit na konduktor. "Kaunting bilis, ate."

Ewan ko, pero nairita ako sa narinig ko. Lalo lang din akong nairita dahil ilang araw na akong natataong masakay dito sa jeep na 'to at madalas ang pangit ng biyahe ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayon, ito naman ang magiging eksena ko: same jeep, same driver, same guy.

"Sige po. Hindi na ako sasakay," sabi ko do'n sa singkit na konduktor.

"Bakit may problema?" tanong ni Zach nang makitang pabalik ako.

"Bawal daw sa harap," sagot ko. "Dito na lang ako sa kasunod na jeep. Bye!"

Nagmadali na akong sumakay doon sa kasunod na jeep at nagpaalam ulit kay Zach. Hay. Wala naman masyadong ganap, pero parang ang haba ng araw ko ngayon. Parang ang daming nangyari. O masyado lang marami ang iniisip ko.

Pagdating ko pa sa sakayan ng bus, nakita ko ulit 'yung singkit na konduktor ng jeep. Nakasandal siya sa bakal na poste, nakahalukipkip pa. Hindi naman masyadong marami ang tao sa istasyon, pero pumwesto ako doon sa makikita ko siya.

Naghintay ako ng ilang minuto, binabantayan siyang sumakay ng bus. Gusto kong mauna siyang sumakay. Pero nakakaapat na bus na ang dumaan, hindi pa rin siya sumasakay. Hindi naman iyon punuan kaya nakakapagtaka. Feeling ko, hinihintay niya akong sumakay. Kung anuman ang dahilan, hindi ko alam.

Naghintay pa ako ng sampung minuto. Ayokong mag-assume. Malay ko ba kung ibang tao pala ang hinihintay niya, pero hindi pa rin siya sumasakay kahit lumipas na ang sampung minuto. Sa huli, ako ang sumuko. Sumakay ako sa dumating na bus, nananalanging sana ay manatili siya sa kinatatayuan niya.

Kapag hindi siya sumunod, aaminin ko sa sarili kong assuming talaga ako at bibigyan ko ng chance si Zach. Kapag sumunod siya, ibig sabihin...

At sumunod nga siya. Ayokong mag-assume, pero mag-a-assume na ako. Ako ang inaabangan niya. To make it even more uncomfortable, he sits next to me. Naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit. Ni hindi ko nga siya kilala, pero ako itong hindi mapakali.

Na-distract ako nang magring ang cellphone ko. Tumatawag si Papa. Kaagad ko itong sinagot.

"Hello po," mahina kong bati.

"Pauwi ka na?" Si Papa naman, masyadong naninigurado na maaga akong uuwi.

"Opo. Nakasakay na po ng bus."

"Okay. Ingat sa biyahe."

"Sige po. Bye."

Pasimple akong tumingin sa katabi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ano bang trip niya?

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon