emo girl

65 17 15
                                    

Hindi na ako magtataka kung tungkol sa amin ni Ezra ang bungad na tanong sa akin nila Hillary, Maricar at Jemma kinabukasan. Nagkita-kita naman kami kahapon sa isang klase, pero nung mga oras na 'yon ay wala pa silang kaalam-alam tungkol do'n sa post. Ngayon pa lang.

Sila rin ang naghatid ng balita sa akin na nasundan pa ng maraming confession post tungkol sa akin ang naunang post na 'yon sa parehong facebook page. Hindi ko na nga tinanong kung anong pinagsasasabi ng ibang tao e. And they were so considerate not to talk about it further when I didn't react much.

"Okay lang 'yan, Margarette..." pag-aalo sa akin ni Maricar. "Sa dami nilang nagkakagusto sa'yo, feeling ba nila mabibigyan mo sila ng chance isa-isa? Syempre isa lang talaga ang magwawagi sa puso mo."

"Nga naman," pagsang-ayon ni Jemma at nagtawanan sila.

Sa isang iglap, naging biruan na lang ang tungkol do'n. Thankful naman ako. Alam kong pinagagaan lang din nila ang nararamdaman ko.

Pagdating sa sunod kong klase, hindi nakaligtas kay Sir Den ang issue tungkol sa amin ni Ezra. Kahit mga prof ko, updated sa mga ganitong klase ng tsismis na naglilipana sa facebook.

Thankfully, priority pa rin ni Sir ang pagtuturo. Pero bago matapos ang klase namin sa kaniya, tinanong pa niya ako kung kami na ba ni Ezra. I didn't give him a definite answer.

"Just whatever you think, Sir."

"Oh... feeling ko kayo na." Natatawang tumingin si Sir Den sa buong klase. "Oh,  'yung mga may lihim na pagtingin d'yan kay Margarette, 'wag na kayo umasa."

May ilang mahihinang tawa sa likod, pero hindi ko na iyon pinansin. Pagka-dismiss ni Sir ng klase, nauna pa akong lumabas sa kaniya. Bahala na kung bastos ang maging tingin niya.

Eksakto namang paglabas ko ay nakita ko si Ezra na naghihintay. Nasa gilid siya, sa tapat ng kabilang room kaya hindi ko siya napansin kanina.

"Sabi na e... kayo na talaga."

Sabay kaming napalingon sa likod, kay Sir Den na nakangiti sa aming dalawa. Lumapit siya sa amin at umakbay sa aming dalawa. Iginiya niya kaming maglakad at tahimik kaming sumunod ni Ezra. Ano naman kaya ang trip ni Sir?

"Alam niyo sa panahon ngayon, mahirap ang buhay kaya mag-aral muna kayo mabuti ah. Magtrabaho pagka-graduate para makapag-ipon. At i-enjoy muna ang buhay habang bata pa kayo," paalala niya sa amin.

Maya-maya ay tinanggal niya na ang pagkakaakbay sa amin. May pahabol pa siyang paggulo sa buhok bago tuluyang umalis.

"Trip ka talaga ng prof mo na 'yon," sabi ni Ezra.

"Ewan ko ba do'n." I shrugged it off.

Naglakad na kami pababa, papunta sa canteen para kumain ng lunch. Next class ko ay PE, kung saan ay kaklase ko siya.

"At ano naman 'yung mga pinagsasasabi niya kanina? Parang akala mo naman nagpa-plano na tayong magpakasal."

I didn't say anything. He's right. Everyone is reacting as if we're planning to marry each other. Hindi pa nga kami. Hindi pa nga nagsisimula, hinuhugahan at pinakikialaman agad.

🌹🌹🌹

Matapos ang ilang beses ng paulit-ulit na practice ng sayaw na itinuro sa amin, napagpasiyahan namin ni Ezra na tumigil muna at magpahinga. Naupo kami sa sahig, malapit sa basketball ring kung saan nakalagay ang mga bag namin at uminom muna ng tubig.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon