keeping the distance

65 18 21
                                    

Isang linggo kong naging routine pagpasok ang pag-iwas kay Mich. Hindi na talaga ako sumabay sa kanila sa lunch pati sa uwian. Hindi na ako nagtext. Maging si Zach ay hindi na ako pinapansin. Si Jethro at Nina, paminsan ay babati kapag nakasalubong ko.

Pansin na rin ng buong klase na hindi kami nagpapansinan ni Mich. Sa magkaibang pwesto na kami nakaupo. Iyong iba nagtatanong sa'kin at ang sagot ko lang ay ayaw na namin sa isa't isa tapos hindi na sila magtatanong.

Although ramdam kong laman kami ng tsismis ng buong klase, so far, this has been the most peaceful week for me. Sa totoo lang wala akong paki kung pinag-uusapan ako ng ibang tao, basta hindi naman nakakaapekto sa pagkatao ko o sa pag-aaral ko. Tanggap kong hindi naman palaging ikaw ang mabuti sa mata ng ibang tao.

"Anong nangyari sa inyo ni Zach?" tanong ni Joshuel, saglit na lumabas ang professor namin at tinabihan niya ako.

"Pinatigil ko na siyang manligaw," sagot ko.

"Bakit? May nangyari ba? May ginawa ba siyang kalokohan?" sunod-sunod niyang tanong.

"Wala naman," sabi ko.

"Oh, e bakit mo siya pinatigil?"

"Hindi pa ba obvious 'yung dahilan?"

"Ayaw mo sa kaniya?" gulat niyang tanong. "Gwapo naman 'yon ah!"

"Bakit sinabi ko bang pangit siya?"

Bakit ba gano'n ang tingin ng maraming tao? Sapat bang dahilan 'yung itsura para sagutin mo ang isang tao? May kakulangan ka ba bilang isang tao kapag hindi nasuklian ang pagmamahal mo? Wala naman. Masyadong binababaan ng mga tao ngayon 'yung dahilan kung bakit sila pumapasok sa relasyon kaya bumababa rin 'yung halaga nito e.

"Bakit ayaw mo sa kaniya?" tanong ni Joshuel.

"May gusto akong iba. Okay ka na?"

Tumigil na siya. Mabuti naman. Hindi pa rin siya umalis sa tabi ko, pero hindi ko na siya pinansin.

Pagbalik ng professor namin, nagpatuloy siya sa pagdi-discuss ng dapat naming gawin sa aming research paper. Pinaggrupo niya kami sa apat. Naghintay lang ako kung sinong grupo ang kulang at doon ako dumagdag. Pagkatapos ay pinagtabi-tabi muna kami para makapagbrainstorm kung anong gagawin namin sa aming research paper.

Habang nag-uusap ang tatlo kong kagrupo, sinusulat ko naman sa papel mga pangalan namin.

Margarette Ferrer
Hanna Leigh Mauricio
Maya Alicdan
Danica Rose Rivera

Industry:
Title:

"Ang ganda naman ng sulat mo," sabi ni Hanna.

Ngumiti lang ako. Awkward. Magkakaibigan silang tatlo tapos nadagdag ako out of the blue. Anyway, at least hindi ko kasama si Mich. Isa pa, hindi naman sila masamang kasama sa isang group activity. May iba kasi akong kaklase na ayokong maging ka-grupo dahil mga walang ginagawa.

"Okay lang ba kung Real Estate na lang ang research paper natin?" tanong ni Maya. "Siguradong halos lahat pipiliin ay food industry o kaya naman ay clothing industry."

Tumango ako. "Okay lang. Real Estate Broker mama ko. Pwede ko siyang interviewhin para rito."

"Talaga?" 'di makapaniwalang sabi ni Maya. "Edi okay na tayo!"

"Oo nga e! Sulat mo na," sabi ni Hanna. Ginawa ko naman at sinulat ko sa industry na napili namin ay Real Estate.

"Title na lang kulang," sabi ko.

At iyon na lang ang pinag-isipan namin. Binigyan kami ng tatlumpung minuto ng professor namin para ipasa ang mga papel namin. In less than thirty minutes, we were able to come up with our title and brainstorm some ideas that we would like to include in our research paper.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon