rubber band

67 18 12
                                    

When I woke up this morning, the first thing I did was check if I got a reply from Ezra last night. I did not. Hindi ko na lang masyado inisip pa 'yon at nag-ayos na ng sarili.

Pagdating sa school, hindi naman binanggit ni Ezra ang tungkol sa text message ko. Hindi ko tuloy alam kung natanggap ba niya o ano. Baka mali pala siya ng phone number na naibigay sa'kin. Sobrang tahimik niya at gusto ko siyang tanungin kung anong problema niya, pero mapapaatras ka sa itsura niya. He looks grumpy today.

Pagkahatid niya sa akin sa una kong klase, umalis agad siya. Sinubukan kong magfocus sa klase ko kahit... nag-aalala ako para kay Ezra. Nagkita na lang kami after ng second subject ko sa canteen para magtanghalian. May tatlong oras na vacant time siya samantalang isa't kalahating oras naman ang sa akin.

"Bakit ba ganyan ang itsura mo?"

"Ano?"

"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit parang badtrip ka?"

"Wala," inis niyang sagot at nag-iwas ng tingin.

Pinagmasdan ko siyang maigi. He looks distressed and tired. I guess waking up so early in the morning has taken its toll on him. Minsan late pa kami at malay ko ba kung ano pa ang mga pinagkakaabalahan niya pag-uwi sa bahay nila.

"Next week kaya 'wag ka na pumasok nang maaga. Mukhang antok na antok ka," sabi ko. "Pumasok ka na lang kung anong oras ang klase mo at magkita na lang tayo tuwing vacant time natin."

"Tsk..." iyon lang ang tugon niya.

Napangiti ako at hindi na siya kinulit. I just watch him finish his food. Mabilis ang naging takbo ng oras at nang magpaalam akong pupunta na sa aking susunod na klase, wala siyang sinabi. Basta na lang din siya umalis.

🌹🌹🌹

Sa BSA 2-13 ko in-enroll ang subject kong Partnership 2. Wala akong kilala sa klase na 'to, pero alam kong may mga kilala sila sa dating section ko. Wala akong problema sa klaseng 'to maliban sa isang bagay: maiingay sila. I get that most of them are just so active, I don't really care. What I hate is when they are trying to tell you as the quiet type to always step out of your comfort zone.

Ang katabi ko sa klaseng ito ay si Ollie. Siya ang Class Secretary at Vice President ng Student Council ng Accountancy. At ngayon dahil late ang aming prof, kinukumbinsi niya akong sumali sa pageant ngayong taon. Iniisa-isa pa niya sa akin kung ano ang mga advantage ng pagsali ko ng pageant tulad ng connection at exposure. Bilib nga ako dahil malaki talaga ang tiwala nilang maipapanalo ko ang pageant.

Puro tipid na ngiti lang ang sagot ko sa kaniya. Nung akala niya ay nakumbinsi na niya akong sumali, tinanong niya ako ulit. To her disappointment, I said no thanks. Sa dinami ng mga sinabi niya, wala talagang tumatak o nakapagpabago ng isip ko.

Thankfully, our professor came just in time when she was about to talk me in to the pageant again. I'm not really interested about getting popular or getting connection. Hindi ko naman magagamit ang mga koneksyon na sinasabi niya kapag nagtatrabaho. It's mostly university thing.

I know some quiet people who are really shy and there's nothing wrong about stepping out of the comfort zone. But there's nothing wrong about not stepping out of the comfort zone, either. And who tells whether this or that is someone's comfort zone?

Hay. I don't even know why I'm getting pressed about it.

Nang matapos ang klase, akala ko sinukuan niya na ang pangungulit. Hindi pa pala. Nung nag-aayos na ako ng gamit, muli na naman niya akong kinumbinsi. Kahit ngayong taon lang daw ay subukan ko.

"I'm sorry I'm really busy right now. I'm taking two courses. I don't have time for it," I said with finality in my voice.

Doon lang siya tumigil. "Ay, okay..."

I had thirty minutes break after that class. Naubos lang ito sa pagpunta ko ng canteen para bumili ng tubig at paglalakad papunta sa room. Wala naman masyadong ganap sa mga sunod kong klase.

Pagdating ng uwian, inaabangan ako ni Ezra sa gate. Ngayon na lang kami ulit nagkita buong araw at mukhang okay na siya. Ako naman ang hindi. Hindi naman ako badtrip, pagod lang.

"Oh, maaga talagang natapos klase ko ngayon," sabi niya agad.

"Wala naman akong sinasabi," mahina kong sabi.

"Baka magreklamo ka na naman e." Hindi ako sumagot. "Boring mo talaga."

Napangiti ako sa sinabi niya. It's most normal thing Ezra would say.

"Bakit ka nangingiti diyan?"

"Wala," sabi ko. I looked down.

Natahimik kaming dalawa kaya nagulat ako nang magring ang cellphone ko. Hindi ako magugulatin, pero nagising ang diwa ko ro'n. Pagtingin ko kung sino iyon, si Papa pala. Dumistansya ako nang kaunti mula kay Ezra.

Simula ng magsimula ang panibagong klase, hindi naman na binabantayan ni Papa ang pag-uwi ko. Ngayon na lang ulit.

"Po?"

"Pauwi ka na ba?"

"Opo. Pasakay na po."

"Hindi ka naka-kotse?"

"Hindi po. Bakit po ba?"

"It's okay. Nasa Plaza ang Mama mo, papadaanan ko sana sa'yo. Wala rito ang kotse mo kaya akala ko nagdrive ka papasok."

"Ahh... baka si Mama ang gumamit."

"Oo nga. Sige na. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

"Okay po."

Pagka-end ko ng call, lumingon ako sa tabi ko, pero wala si Ezra. Nasa likod ko pala.

"Ang galang..." sabi niya. "Sino 'yon?"

"Syempre Papa ko 'yon."

"Masungit ba ang Papa mo?"

"Bakit?"

"Wala, gusto ko lang malaman."

Natawa ako nang mag-iwas siya ng tingin. Bigla ko tuloy na-imagine: paano kaya kung ipakilala ko si Ezra sa magulang ko? Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Not that I like him. I'm just open for the possibility.

Pagsakay namin ng jeep, hindi na kami nag-usap. Nakatingin lang ako sa labas, hinahayaan na hanginin ang buhok ko. Na-conscious lang ako nang lumapit siya sa akin at hawakan ito bigla. Then he did something I would never think he would do. Inipitan niya ang buhok ko.

"Nakakain ko na buhok mo," reklamo niya.

I know we have enough space between each other kaya imposibleng tumatama sa kaniya ang buhok ko. Hindi naman gano'n kahaba ang buhok ko. Isa pa, lumapit na lang naman siya sa akin nung inipitan niya ako.

Hinaplos ko ang pang-ipit na ginamit niya, pero hindi na ako nagreklamo nang maramdamang rubber band ang ginamit niya.

"Maganda ka pa rin naman kahit nakaipit ang buhok," bulong niya.

"Baliw."

Akala niya siguro naiilang ako dahil nakaipit ang buhok ko. Pero sa totoo lang, hindi ako sanay. Iniipitan ko naman ang buhok ko, pero sa piling okasyon lang. Madalas kapag nasa bahay ako.

🌹🌹🌹

Bago matulog, nagmuni-muni pa ako sa higaan habang pinagmamasdan 'yung rubber band na ginamit ni Ezra para itali ang buhok ko. Inaamin ko, kinilig ako sa ginawa niya. Nasorpresa lang talaga ako dahil hindi ko akalaing gagawin niya iyon.

Pinakiramdaman ko naman ang puso ko. Iniisip ko lang siya, pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

I wonder why I didn't feel this kind of feeling when I'm with Zach. Sweet and thoughtful din naman si Zach. Mas mabait pa siya makipag-usap sa'kin kaysa kay Ezra.

Pero... siguro gano'n talaga kapag wala kang nararamdamang espesyal para sa tao.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon