weird things

90 21 23
                                    

Natapos na ang morning classes ko para sa araw na ito at ngayon ay kasama ko si Mich, si Zach at ang mga kaibigan niya sa tambayan. It felt weird. Parang napaplastikan ako sa sarili ko. Pero ang plastik ko naman talaga. Dapat kapag naiinis ka sa tao, mainis ka na lang, hindi makipagplastikan.

Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Kaniya-kaniya kaming gawa ng ingay. Tinatanong ako ni Mich tungkol sa buhay ng mga high school friends ko. Nababanggit ko naman sa kaniya ang tungkol sa kanila, pero nito lang talaga ako first time na magpost ng picture naming tatlo tapos naka-tag pa sila.

Apparently, she stalked my friends on facebook when I posted the picture. Now she's really curious about Anna because she find out that her twin brother is a famous vlogger. At ang loka naiinggit. Wala naman akong problema kung mamatay siya sa inggit. What pisses me off was when she said: Bakit lahat ng nagiging kaibigan mo ang pretty? Gusto kong sumabog ng mga oras na 'yon, pero 'di ko magawa. Ano, binabase ang friendship sa mukha at fame?

Lalo pa akong nairita ng kung ano-ano na ang sinabi niya tungkol kay Anna. Syempre na-curious ang lahat kung sino ang tinutukoy niya at si Mich naman ay pinakita sa kanila ang pinost kong picture. Nahiya nga ako dahil siya na ang nagpakilala sa mga kaibigan ko.

"Ah, okay. Ang pogi nga niyang si Nickolai, pero isang beses ko pa lang nakita sa vlog niya ang kakambal niya," sabi ni Nina habang tinitignan din ang picture. "Close friend mo pala sila. Ang astig. Identical twins ba sila?"

Sasagot sana ako ng oo, pero naunahan na ako ni Mich. Quizbee ba ito?

"Margarette, pa-accept mo naman sa mga kaibigan mo ang friend request ko. Ang cute nila. I want to know them more," sabi ni Mich.

"Sige, sabihin ko." Weird. Ginagawa ba 'to ng ibang tao? Madalas ia-add lang nila sa facebook ang isang tao tapos maghihintay na ma-accept. Hindi ba niya magagawa 'yon?

"Ang cute ninyo," sabi ni Nina.

"May boyfriend na si Elirine?" tanong naman ni Jethro. "Baka pwede mo naman akong ipakilala?"

"May boyfriend na 'yan," sabi ni Mich. Ay, wow. Iba talaga.

"Saan ka nag-aral nung high school?" tanong ni Nina.

"Bakit parang pangmamahalin 'yung uniform ninyo?" komento ni Jethro.

Hindi ako sumagot agad dahil akala ko ay si Mich na ang sasagot para sa'kin. It's a good thing she didn't answer the question. May limitasyon ang pagiging plastik ko.

"Sa Adelaine International School. Private school kaya mukhang sosyal ang uniform," sabi ko.

"Galing International School si bessywap," komento ni Mich, na hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

"Sobrang mayayaman mga kaklase mo?" tanong ni Nina. "Maraming anak ng celebrity?"

"Tamang nakakaangat sa buhay," sagot ko. I dont want to make it look like it's a big deal. "Karamihan naman sa mga kaklase ko noon, kung hindi nag-iisang anak, afford talaga ng magulang ang pag-aralin sila sa gano'ng school. Pero maraming anak ng celebrity. Halos kalahati ng mga kaklase ko no'n, anak ng artista."

"Ay, talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Nina. Tumango ako. "Tulad nino? Kahit isa lang, please?"

"Si Marilyn Lee, 'yung singer. Kaklase ko 'yung pangalawa niyang anak, si Jena Lee. Simula first to fourth year high school."

"Talaga?"

"Yeah..."

"Edi nanghihingi ka ng autograph?"

Natawa ako sa sinabi niya at umiling. I don't even listen to her songs and... "Jena and I were not really close."

"Oh... Iba siguro kapag rich kid mga kaklase mo ano?" sabi ni Nina na sinang-ayunan agad ni Tim.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon