in the dark

73 17 14
                                    

Kasisimula lang ng bagong taon, pero mukhang ang ibang tao ay wala pang planong magbagong buhay at patuloy pa rin sa panghihimasok sa buhay ng iba.

It's nothing really surprising, just another confession post about me and this time with pictures. Kumpara nung unang beses, mas kalmado ako ngayon nang makita ito. Para bang medyo in-expect ko na. Pero ang pasensya ko, kaunting-kaunti na lang talaga.

Si Maricar ang nagpakita sa akin ng post na ito mula sa aming University Confession Page.

CONFESSION# 532

A DATE IN THE DARK

Alam kong may boyfriend ka na, pero crush pa rin kita, Margarette Ferrer! Minsan nai-imagine kong ako itong kayakap at katabi mo. ❤

shyboyatthepark
CBA 2012

There were pitures uploaded. First picture was that one time I waited for him. It was after my birthday celebration and Ezra kept ignoring me. The second and third pictures were taken when we were riding jeepney going home.

Don't act rashly, Margerette. Paulit-ulit ang bulong ko sa aking sarili na kumalma habang isa-isang tinitignan ang mga pictures na kinuha nang palihim at pinost ng walang permiso.

I just wish I don't know who shy boy at the park is personally. Mas madali kong mapapatawad ang taong 'to kung hindi ko siya kilala kaysa kung kilala ko siya.

"Alam mo, hindi tama 'to. Pwede mong kasuhan kung sino man ang nagpost nito kasi wala naman silang permiso mula sa inyo na i-post ang mga picture na 'to," nag-aalalang sabi ni Hillary.

"Kaya nga," pagsang-ayon ni Maricar. "Saka 'yung admin, pinost pa talaga."

"Yeah... but let's be calm right now," sabi ko.

But the truth is, I am no longer calm and I'm composing a very lengthy message to the admin of the page. To my disappointment, after I hit send, what I get is an automated response. Alam ko namang hindi agad mababasa ang message ko. Sa dami ng nagpapadala sa kanila ng mensahe, imposibleng mapansin agad nila ang akin. Naiirita lang talaga ako kaya pati sa automated response naiinis ako.

"Okay ka lang, Margarette?" tanong ni Jemma.

"Yeah, I'm okay."

Ninenerbyos na tumawa si Maricar. "Nakakatakot ang itsura mo Margarette kapag sobrang seryoso mo."

Inakbayan ako ni Maricar at inalo-alo. Nang dumating ang aming prof, sinubukan kong ituon ang buong atensyon sa itinuturo, pero ang isip ko ay lumilipad sa ibang bagay. Hay. Gusto ko lang naman mag-aral... at magkaroon ng tahimik na lovelife.

🌹🌹🌹

Pagkatapos ng second subject, tumambay ako sa Library. Wala akong ganang kumain kaya nagsinungaling ako kay Ezra na may gagawin kaming group activity ng mga kaklase sa huling subject at hindi makakasabay sa kaniyang kumain.

Imbes na isipin nang isipin ang tungkol sa post at kung paano ko matutunton ang kumuha ng mga litrato, nag-aral na lang ako. I guess if I focus more on studying, I would calm down.

"Knock, knock!"

Nag-angat ako ng tingin at nasorpresa nang makita si Ezra. Bigla kong naalala ang mga panahong palagi niya akong sinunsundan, tipong kahit hindi pa niya alam ang schedule ko, natutunton pa rin niya kung nasaan ako.

"Pa'no mo nalamang nandito ako?"

"Sabi ng mga kaibigan mo." Tinaasan niya ako ng kilay. "Nakita ko sila sa canteen. Magsisinungaling ka pa."

"Hindi naman ako nagsisinungaling," sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Tignan mo oh, nag-aaral ako..."

Ipinakita ko ang librong hawak, pagkatapos ay ibinaba ko na ulit ito at nagsimulang magbasa kunwari. Iniharang ko ang aking kamay sa mukha. Nandito na siya kaya wala na ang focus ko.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon