dolphin

63 18 16
                                    

Mabigat ang pasok ng bagong sem para sa akin. Unang linggo palang may group project na kami sa Biology at nandito kami sa dorm ni Hillary para gawin ang unang part. Lima kami sa grupo. Ako, si Hillary, si Maricar, si Jemma at si Samuel. Sabi ko, may isang oras lang akong vacant para tulungan sila at naintindihan naman nila.

Tahimik kaming nagsusulat ng kaniya-kaniyang nakatoka na topic sa amin. Minsan mapapatingin ako sa kanilang apat para tignan kung gaano sila ka-focus sa ginagawa. Namiss ko na 'yung ganito. Lahat kayo sa grupo kumikilos. Lahat may iniintindi. Walang kagrupo na umaasa lang sa isa.

Mabilis akong natapos sa pagsusulat ng part ko. Tumingin ako sa relo. May fifteen minutes pa ako para maglakad pabalik sa campus. Mukhang napansin naman ni Hillary ang pagiging conscious ko sa oras.

"Sige, Margarette. Kami na magco-compile nito," nakangiting sabi ni Hillary at hiningi sa akin ang ginawa ko.

"Thank you," nakangiti kong sabi. "Bawi ako sa Saturday. Magkano pala ambagan natin?"

"455 ambagan natin para do'n sa ipapa-print," sagot ni Maricar.

Nag-abot ako sa kanya ng five hundred pesos. "Kahit mamaya na lang 'yung sukli."

"Sige, sige," sabi ni Maricar. "Thank you."

"Bilisan mo. Mamaya ma-late ka sa next subject mo," natatawang sabi ni Hillary.

"Okay. Bye, guys. Thank you," paalam ko at umalis na.

Buong klase ko sa Partnership, pagkain ang iniisip ko. Hindi pa ako kumakain ng lunch dahil ginamit ko ang one hour vacant ko kanina para gumawa ng group project. At kahit may pagkain ako sa bag, hindi ako makakain dahil masungit ang professor namin. So, ano pa nga ba? Naghintay ako ng tatlong oras hanggang sa matapos ang klase.

4:35 PM

Ngayon pa lang ako maglu-lunch. Nandito ako ngayon sa canteen kung saan madalas kaming kumakain ni Hillary dahil malapit ito sa sunod kong klase. Dahil gutom, marami akong biniling pagkain. Habang naghahanap ng bakanteng upuan, nakita ko si Samuel. Mag-isa siyang nakaupo sa isang sulok ng canteen, may pinanonood sa cellphone niya.

Kinatok ko ang lamesa. Napansin naman niya ako. Tinanggal niya ang headset sa tainga at tumingin sa akin.

"Hi!" bati niya.

"Pwede bang maupo?" Tinuro ko ang bakanteng upuan sa tapat niya.

"Oo naman! Wala naman akong hinihintay saka tapos na ako kumain," natatawa niyang sabi.

"Wala kayong klase?" tanong ko.

"Wala. Hindi pumasok professor namin," sagot niya.

"Nasaan si Hillary?" tanong ko.

"Magkasama sila ni Maricar. Kukuhain nila 'yung mga pina-print."

Tumango-tango ako. Tinignan niya ako tapos 'yung pagkain na nasa harap ko. Ngumiti siya.

"Hindi halata sa'yo na malakas ka kumain," sabi ni Samuel.

"Hindi naman ako malakas kumain. Gutom lang," nahihiya kong sabi sabay alok sa kaniya. "Kung gusto mo, kuha ka lang. Lunch at meryenda ko na 'to e."

"Ako gusto ko."

Sabay kaming lumingon ni Samuel para tignan kung sino ang nagsalita. Umupo si Ezra sa tabi ko at kumuha ng isang muffin. Sinamaan ko siya ng tingin. Si Samuel, nagsabi lang na kumain na ako tapos binalik na niya ang headset sa tainga at ipinagpatuloy ang pinanonood. Palaging singit sa eksena si Ezra.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Nagsimula na akong kumain at hinayaan siya sa tabi ko. Inilagay niya sa lap niya ang bag ko. For a moment, kinabahan ako na baka may kuhain siya, pero mabilis kong tinanggal sa isip 'yon.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon