inertia

59 17 17
                                    

Maayos naman ang simula ng aking mga klase maliban sa klase ko sa Physics—ang klase ni Sir Den. Bidang-bida na naman ako sa klase niya. Ako raw ay isang magandang halimbawa ng konsepto ng inertia. It's just one of those times where he suddenly goes off on a tangent, but I feel uncomfortable when he unnecessarily brings me into his explanation. Can't he think of any better example?

"Needless to say, you have to work it out when you want to achieve something in life. You will never come close to reaching your goal if you believe and just wait that some kind of force like luck will bring you closer to it," tuloy-tuloy na sabi ni Sir Den. "That's never gonna happen."

Tumango ako. Well, he has a point.

"Anyway, I know you are all waiting for my dismissal. Just don't forget, we'll have short exam next week."

"Yes, Sir!" sagot ng ilan sa mga kaklase ko.

Sa daming pakulo ni Sir bago lumabas ng room, inunahan ko na siyang umalis. Maya-maya ay may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Margarette!"

Pagkalingon ko, patakbong lumapit sa akin si Sir Den. Nang nasa tabi ko na siya, inudyukan niya akong maglakad na ulit.

"May balak akong magpunta ng Hong Kong sa susunod na buwan, bigyan mo naman ako ng mga travel tips..." simula ni Sir Den. "Saan ba magandang pumunta do'n? Saka magkano ba ang budget? Sa tingin mo, magkano ang pocket money na dapat kong bitbitin?"

Tipid akong ngumiti. Wala talaga akong kaalam-alam tungkol sa budget. Si Mama ang nag-aasikaso ng lahat ng 'to e.

"Hindi ko alam kung magkano ang magagastos, Sir. Si Mama ang nag-aasikaso ng lahat kapag nagbabakasyon kami sa ibang bansa. Pagdating do'n, si Mama lang din ang gumagastos ng lahat ng binibili at kinakain namin."

"Ahhh..." natawa si Sir. "Anong trabaho ng Mama mo?"

"Bakit po?" balik kong tanong.

"I'm just curious, but it's okay if you don't want to answer my question." Wala akong sinabi. "Pero ang tagal ng stay niyo sa Hong Kong ah. Feeling ko medyo malaki-laki ang ginastos ng Mama mo. 'Yung akin ay mga tatlong araw na bakasyon lang naman. Bigyan mo na lang ako ng magandang lugar na bisitahin sa Hongkong."

"Disneyland."

"Disneyland? Pambata naman masyado."

Nagkibit-balikat ako. "Who doesn't want to visit Disneyland even just once?"

"Wala ng iba?"

"Sir, bababa na ako..." paalam ko.

"Saan ka ba pupunta?"

"Sa canteen po."

"Tara! Sabay na tayo maglunch!"

Tipid akong tumawa. "May kasama po ako e."

"Boyfriend mo?" Tumango ako, pero wala lang sa kaniya. "Ayos lang 'yan. Matagal-tagal ko ring hindi nakita ang boyfriend mo. Kumusta na kayo?"

Naglakad kami papuntang canteen habang kinakausap niya ako tungkol sa relasyon namin ni Ezra. Wala naman akong ibang magawa kundi ang sagutin ang mga tanong niya. Tinatanong niya ako kung paano ang naging communication namin ni Ezra nung holiday break, kung pinakilala ko na ba siya sa magulang ko, kung ano ang plano namin in the future.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon