eighteen

64 17 12
                                    

Finally the day has come. My birthday has never been a big deal for me, but this time it's different. I mean, I'm thankful every year when the day comes, but this one kind of feel like it's the special one.

At 2 PM, may iilan akong bisita na dumating sa venue. Most of them are my neighbors and childhood friends. Halos mga kapitbahay, kababata at kamag-anak lang din naman ang imbitado dahil sila ang mga talagang ka-close at kakilala ko. Sa high school, si Anna, Elirine, kambal ni Anna na si Nickolai, at boyfriend ni Eli na Eli rin ang pangalan ang imbitado. Tapos sa college, sina Hillary, Maricar, Jemma at Ezra ang imbitado.

2:30 PM nang dumating si Anna at Nickolai.

"Happy Birthday," bati nilang dalawa.

What a beautiful sight! Sana magkaanak din ako ng kambal tulad nila.

"Thank you," sabi ko. Kita ko naman agad ang regalo nila, pero sabi ko ay mamaya na lang at itinuro ang upuan nila.

Naglibot ako saglit para magmano sa mga Tita at Tito kong naroon na. Nakipag-usap din ako sa mga kababata ko at nagpasalamat dahil nakapunta sila. Hassle pa naman ang biyahe mula Quezon City papuntang Alabang.

Marami ngang nagtatanong bakit hindi na lang sa bahay, malaki naman daw ang garahe. Hindi ko lang masabi na naupahan namin 'tong lugar na 'to nang libre. Baka mainggit.

3 PM naman dumating si Elirine kasama ang Mama at Papa niya, pati ang boyfriend niya. Nilapitan ko naman siya agad at niyakap.

"Happy birthday, Margarette!"

"Thank you!" Sunod akong lumapit sa Mama niya para yumakap. "Hi po, Tita. Hi po, Tito."

"Yung boyfriend ko, hindi mo babatiin?"

Natawa ako. "Hi, Eli!"

Natawa rin naman si Eli. "Hello! Happy birthday."

"Thank you."

"Saan si Anna?" tanong ni Elirine.

"Doon," turo ko sa table na nakalaan talaga para sa kanila. "Tita, doon po kayo."

Sabi ko ay sasalubungin ko pa ang ilang bisita at pinauna na muna sila para makapagpahinga.

Sunod na nakitang kong dumating ay sina Hillary, Maricar at Jemma. Tinuro ko sa kanila ang table nila at nagsabing puntahan ko sila mamaya dahil may hihintayin pa ako. Malapit na kasing magsimula ang program, pero wala pa si Ezra. Naghintay pa rin naman ako kahit naririnig ko na ang pinsang si Jo na nagsasalita. Makalipas ang sampung minuto, dumating din siya.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang nakaayos ng pormal. Maayos ang buhok at plantsado ang damit. Kaso hindi bagay sa siga niyang paglalakad.

"Pa-importante," bulong ko.

Pero hindi ko naman napigilan ang mapangiti nang humalik siya sa pisngi ko at bumati ng happy birthday. Iyon kasi ang una niyang ginawa paglapit sa akin.

"Tara! Late ka na! Maupo ka na do'n," turo ko sa table kung saan nakaupo sina Hillary.

The program starts with a prayer. Pagkatapos ay sinundan ng mala-prinsesa kong grand entrance habang pinapalabas sa isang malaking screen ang mga litrato ko simula nung bata hanggang ngayon. Sabi ni Mama, isang beses lang ako mag-e-eighteen kaya kahit daw corny para sa akin dapat ay magpaka-prinsesa ako. So here I am, wearing a long pink gown, smiling while walking up to the stage.

Pag-akyat ko ng stage, inalalayan naman ako ni Jo na siyang MC para sa okasyon na ito. He greeted everyone again and gave me another mic. I said my thanks to everyone who was able to attend and make time for my birthday celebration. I also thanked my parents for bringing me into this wonderful world.

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon