e&m

64 14 12
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Habang papasok kami ni Ezra ngayon, niloloko kong siyang makikipagbreak ako sa kaniya kapag hindi siya nagpakita sa akin sa birthday ko. Balak niyang hindi pumunta dahil hindi pa raw niya kaya. Wala pa raw siyang lakas ng loob na magpakita sa magulang ko kaya next time na lang daw.

I understand how he feels, but I also don't want to lie to my parents when I want to hang out with him. Gusto kong alam nila kung sino ang kasama ko para hindi ako mag-alala na baka maging hatid-sundo na naman ang set-up kung sakaling... magkaalaman.

"Hindi ko naman sinabing maghanda ka ng bonggang regalo," sabi ko pa dahil baka pinag-aalala niya na wala siyang maibibigay sa akin.

"Hindi naman 'yung regalo ang pinag-aalala ko," sabi niya. "Mga magulang mo at saka mga bisita mo."

"Ezra, hindi ko naman ipagsisigawan na boyfriend kita do'n. Kay Mama at Papa lang kita ipapakilala. Feeling ka!" pang-aasar ko.

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag binabalik ko sa kaniya ang mga pang-aasar niya. Wala naman siyang naging tugon. Sabi ko ay mamaya na lang namin ulit pag-usapan. Nagpaalam na ako sa kaniya at pumasok sa room ng una kong subject. It was an uneventful class. Nagturo lang ang prof namin buong oras.

Pagdating sa pangalawa kong subject, inabutan ko si Hillary, Maricar at Jemma ng invitation para sa birthday ko. I was thinking of not inviting them dahil baka simpleng kaklase lang talaga ang tingin nila sa akin, pero napag-isip-isip kong imposible naman iyon. Paminsan ay hinihintay at sinasamahan nila akong kumain ng lunch kapag may pagkakataon. Kapag maggagala sila, palagi nila akong iniimbita at isinama rin nila ako sa group chat ng klase nila para updated ako kapag may announcement tungkol sa mga prof na hindi papasok.

If they don't think of me as a friend, then why would they do that? Siguro kahit papaano ay kaibigan na ang turing nila sa akin— kaibigang paminsan ay missing in action.

Medyo kinakabahan pa nga ako dahil baka tumanggi agad sila at magsabing hindi sila makakapunta tulad ng pagtanggi ko kapag ako naman ang nag-aaya. Thankfully, nakangiti sila nang buksan ang envelope. Binasa nila iyong program. Simple lang naman iyon, pero syempre hindi mawawala ang 18 roses at 18 candles.

"Ang bongga naman nito, Margarette," sabi ni Jemma at inaamoy-amoy ang card.

"Bakit sa Alabang?" tanong ni Hillary. "May bahay din ba kayo do'n?"

"Wala," sagot ko agad. "Sponsor lang ng Mama ng kaibigan ko ang venue."

The Villa was owned by Anna's Mom. Nung panahon na naghahanap kami ng lugar, nag-offer si Tita Alex na doon na lang sa Villa nila sa Alabang. Pinapaupahan niya talaga ito, pero as a birthday gift sa akin, libre ito. Sayang naman kaya pumayag si Mama sa offer kahit medyo malayo.

"Free ba kayo?" tanong ko. "Sorry kung ngayon lang ako nagbigay ng invitation. Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para ibigay sa inyo e."

"Bakit naman?" nakangiting sabi ni Hillary.

Nahihiya lang akong ngumiti. Nung lunes ko pa talaga gustong ibigay sa kanila, wala lang akong lakas ng loob.

"Formal ba kailangan dito, Margarette?" tanong ni Maricar.

"Hindi naman. Kung saan kayo komportable," sabi ko. "Pastel color ang theme."

Pixie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon