Amara
Nakaluto na ako ng Steamed Tuna, Giniling at Carbonara. Nagpaturo ako kay Manang Biday dahil siya ang master pagdating sa mga luto-luto kagaya ng mga ganitong ulam. Hinihintay ko nalang si Zayn dahil ang sabi niya ay dito daw siya mag la-lunch!
Kabado man ay nanatili pa rin akong naka ngiti. I am positive this time, tinikman ko kasi muna bago ko sinerve! And infairness, masarap siya. Thanks to Manang Biday.
Narinig ko naman ang sasakyan ni Zayn kaya dumiretso na ako sa main door at binuksan iyon para sa kanya. "Hey." bungad niya sakin bago niya ako hinalikan! Aghhr, ang bango.
"Nag luto ako para sayo!" sabi ko naman. "I can tell, ang bango nga eh. I bet it's delicious hon!" sagot niya naman at umuna na sa kusina. Hindi niya na ako hinintay, pftt! Sumunod na lang din ako kesa sa mag dabog pa ako dito.
Nakita ko nang may Carbonara at Giniling sa plato niya. Ngumunguya na ata siya eh! "You're such a fast learner." tukoy saakin ni Zayn. "So, does that mean?" tanong ko naman. Tumango lang siya at ako ay napa ngisi nalang ng sobrang laki, tumayo na din siya para yakapin ako.
Tinitigan niya ako sa mata at yinakap ako ulit. "I love you." nasabi ko nalang bigla. "I love you too, you're ready for the future Amara!" sagot niya naman. Yes, I am ready.
——
Nasa ospital kami ngayon dahil may appointment kami ngayon kay Dra.Sandoval. Family doctor na namin siya dahil simula pa nung bata pa si mama ay siya na ang doctor nito. Lahat ay kaya na niyang gawin!
"Amara Galherme." tawag ng assistant ni doktora. Kinakabahan ako at kitang-kita iyon ni Zayn kaya hinahagaod niya ang likod ko sabay mimic na okay lang daw ito. Pumasok na kami at agad namin siyang nakitang nag-aabang sa desk niya, simple lang ang office ni doc. Andun lang ang nga gamit na kailangan niya kaya tama lang ang size nito at ang theme pa ay pastel colors.
Tinignan niya kami "Magandang hapon po." bati namin sakanya. Ngumisi naman siya at pinaupo kami. "Napakalaki mo na Amara! Dati, dinadala ka pa dito ng nanay mo at humihingi pa ng lollipop saakin. HAHAHA, nakakamiss!" kwento niya kaya binalingan ko ng tingin si Zayn
Nakangiti lang siya, tila ba nakyu-kyutan na nag iimagine sa lahat ng mga sinabi ni doc. "Oo nga po doc eh, wala kasi kaming extra na pera pang bili ng lollipop kasi puro lang pang gamot ni mama. Kaya dito lang ako nakaka-kain ng lollipop! At ngayon, ang soon to be anak ko na ang hihingi ng lollipop sayo." sagot ko naman.
Napangisi nalang si doc "By the way, yung results ay lumabas na. And may nakita lang akong kaunting problema sa bata." pagsisimula naman ni doc. Bigla akong nakabahan, gayun din si Zayn dahil abang na abang siya sa masamang problema.
"May nakita akong kaunting deperensiya sa puso ng bata. It is not on the normal size of a heart, it is way more bigger than normal sized hearts. And because of that, baka mahirapan siya huminga and worse ay magka heart failure siya. It is called Cardiomegaly, the child can only live 5 years in exact. But if you give him/her good medications/treatments and doctors then her heart can be back to a normal size again. " explain ni doc.
H-Hindi mabubuhay ng maayos ang anak ko? 5 years?! Nagkatinginan kami ni Zayn, kitang-kita namin namang sakit ng isa't-isa sa mata. B-Bakit kami pa? "D-Doc, sigurado po ba kayo?" nangingiyak-ngiyak kong tanong. Tumango nalang siya at nanatili lang kaming tahimik at tulala!
——
Nakauwi na kami ni Zayn, si Zayn naman ay kanina pa hagod ng hagod sa likod ko dahil kanina pa din ako iyak ng iyak. Hindi ko pa kasi tanggap na ganito ang sitwasyon ng anak ko! Gusto ko lang naman mamuhay ng tahimik at normal ang anak ko.
Kailangan naming mag handa ng mas maaga. We need to buy oxygen, and many more equipment! Gusto kong maging maayos siya at mamuhay pa ng more than 5 years. "Ano na ang gagawin natin hon?" tanong saakin ni Zayn na nakaupo lang sa sofa habang tulalang tinitignan ang sahig.
"We need to get ready."
xxxx
Ano ba yan, akala ko happy ending na sila. Nagkasakit pa talaga ang nag iisang kadugong anak nila ni Zayn!
-@mooseyhoneycups
BINABASA MO ANG
Me and my Step-brother (16+)
RomanceA very powerful family reunites with a very wealthy heart, realizations and reality collide with full of sorrow and darkness. What if successful and envious people face each others life?