Chapter 35 : Reality

726 8 0
                                    

Zayn

I want to kiss her so bad, kaso kailangan kong mag pigil kasi buntis siya at baka mapunta pa sa iba yang "kiss" na yan.

"Matagal ko na sana gustong sabihin toh Zayn pero nasasaktan na ako sa inaasal mo. Feeling ko, isa lang akong hangin!" pag kompronta niya sakin habang nangingilid ang mga luha niya.

Yumuko siya at humikbi, itinaas na naman niya ang tingin niya. Magsasalita sana ako ng inunahan na niya ako, "I am carrying our baby, nahihirapan akong dalhin toh ng mag isa. I need your support pero mas pinaparamdam mo sakin na sawa ka na sa kaluluwa ko,sa presensya ko!"
"I-Im sorry honey." iyon lang ang lumabas sa bibig ko pero ang dami-dami kong gusto ipaliwanang sakanya para tumigil na siya sa pag iyak. Seeing her hurt makes my whole body weak! Ayokong nakikita siyang ganyan.

She covered her face with her palm. "Buntis ka, don't be too carried away with your emotions honey." pang tatahan ko sakanya sabay ng pag yakap niya saakin. "I missed you." huling banggit niya bago siya kumawala sa yakap namin.

Duon ko lang na realize na dapat I should be stronger for our baby. Duon ko lang din na realize ang mga araw na pag iwas ko sakanya dahil sa mga bagay na iniistorbo ako, lalo na sa hustisya para kay Jester. I will give him justice, oo tama yon! Pero hindi ko dapat iwan si Amara na nakabuntot lang saakin.

——

Pagkatapos naming mag lambingan ni Amara ay humihikab na siya kaya tinabihan ko na siyang matulog. Sa totoo lang, na miss ko talaga ang mga panahon na ito! I am very blessed sa dalawang tao na andito sa gilid ko. Me and my baby.

"Daddy! I am scared po." biglang sabi ni Suzie na naka silip lang sa pintuan at hug niya pa ang teddy bear niya na regalo ko sa birthday niya nuong nag 4 years old siya.

Kawawa naman ang baby ko! I signed her to be quiet naman kasi natutulog na si Amara and to come in. Sinunod niya naman iyon at tumabi saakin, bale nagitnaan na ako ng dalawang magagandang anghel!

Nang makasigurado akong nakatulog na silang dalawa ay lumabas ako ng kwarto dahil mag papahangin lang ako. It is past 2 in the morning pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya andito ako ngayon sa balcony at nag papahangin.
Naisipan ko naman na bisitahin si Dale sa storage room. Tinahak ko ang daan papunta duon at ng tumapat na ako sa pintuan ay bumuntong-hininga muna ako bago pumasok.

Pag pasok ko ay gising pa siya. Nabigla naman siya sa pag dalaw ko, I don't usually visit him this kind of time. "Balita ko, hinahanap ka na ng family mo." paninimula ko pagkatapos kong umupo sa isang crate na kahoy. "Why are you doing this to me?" tanong niya na nakayuko pa rin. "Why not? Wala na akong naramdaman na awa sayo simula nung araw na nalaman kong ikaw ang pumatay kay Jester."

Tumingin naman siya ng deretso saakin. "Hindi ko alam ang gagawin ko that time Zayn,I was just so desperate for Amara and akala ko alam ni Jester kung saan kayo pero hindi siya sumagot at wala na akong ibang magawa kundi ang barilin siya."

Bumuo na ang kamao ko. "You were desperate for Amara, pero iniwan mo siya dati? How dumb of you, ikaw ang nag taboy sakanya that's why you don't deserve her. And despite of everything that has happened, dinamay mo pa ang kapatid ko!" sabi ko na nanginginig na ang boses ko. I am crying because of all the pain.

Pinunasan ko agad ang mga luha ko, I don't want to be seen weak. Hindi siya sumagot. Hindi ko na din kaya ang sakit and my body controlled me to where a gun is lying down, tumutulo na ang luha ko sa baril.

"W-Wag Zayn, maawa ka." pag mamakaawa niya habang umiiyak. "Why should I be? Ikaw nga, hindi ka naawa sa kapatid kong inosente. Ikaw pa kaya na sinira mo ang buhay namin?" sabi ko bago tinutok ang baril sa kanya.

Pumikit siya, I think tanggap na niya na mamatay na siya. Tsk, buti lang! He should be dead. Pumikit na din ako at pinaputok ang baril, 3 shots. All through his head. I am a warrior, pero may parte saakin na masakit.

The next thing I saw, nakagapos siya ng wala ng buhay. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Habang ako, umiiyak. Iniiyak ko lahat ng sakit, iniiyak ko ang mga luha na ayaw kong ipakita kahit kanino.

Amara

Nagising ako bigla ng may narinig akong putok ng baril. Wala akong naramdaman na Zayn sa tabi ko, just me and Suzie. Nag panic ako, tinignan ko ang oras at alas 3 na ng umaga!

Agad akong bumangon at tumakbo sa storage room. I don't know, wala akong kasiguraduhan kung dito ba galing ang gun shots pero dito na ako dinala ng katawan ko kasi ang lakas ng kutob ko na dito galing ang putok ng baril.

Pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko si Dale na patay na nakagapos sa upuan niya. At si Zayn naman ay nakaupo sa sahig na umiiyak, tumulo na din ang luha ko. Ano na ba ang nangyari dito? Pumunta ako kay Zayn at yinakap siya, nararamdaman ko ang sakit through his sobs. "Ano ba ang nangyari hon?" tanong ko na nag ca-crack na ang boses ko.
Hindi ko alam kung ano ang i-aakto ko ngayon pero ang alam ko lang ay binaril ni Zayn si Dale. Hawak-Hawak pa kasi niya ang baril niya na puno na ng luha niyang tumutulo.

Ayokong iwan si Zayn dito, gusto ko dadamayan ko siya sa mga hinanakit niya. Naramdaman ko naman na yinakap ako pabalik ni Zayn at mas umiyak pa ng lalo. "Pasensya ka na Amara, sobrang sakit na kasi talaga ng mga ginawa niya sa pamilya ko. Lalo na sa pag patay niya sa kapatid ko!" pag papaliwanag niya habang nakayakap sakin.

P-Pinatay ni Dale si Jester? With that thought, alam ko sa sarili ko na nasasaktan ng sobra si Zayn. Pati na rin ako ay nasasaktan! Parang tunay na kapatid ko na din si Jester. "Shhh, cry all you want. Ilabas mo lang yang sakit hon!" sabi ko ng naramdaman kong may sasabihin sana siya pero nahihirapan na siya dahil sa mga iyak niya.

Mas malakas na tumulo ang mga luha ko while I'm closing my eyes, biting my lips para walang sound akong maipalabas sa bunganga ko. Napakasobra ng ginawa ni Dale sa pamilya namin!

xxxx

Sana na enjoy niyo, nalaman na ni Amara ang mga ginagawa ni Dale. Sana maging okay na si Zayn! Till next update guys, mwaaa.

-@mooseyhoneycups

Me and my Step-brother (16+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon