Chapter 36 : What is love?

796 11 10
                                    

This chapter is dedicated to
NearlyMoon. Thank you po ate sa support na ipinapakita mo saakin! Please do keep reading. I love you.

Amara

I don't know what to act or do. Should I be happy kasi nakamit na namin ang hustisya at tatahimik na ang buhay namin or should I be worried and sad kasi it was not in the right way of giving justice?

Kahit and daming kasalanan ni Dale saamin ay sana ipinakulong na lang siya. Nakaka-awa lang isipin na he was mysteriously gone with his family clueless!

Hayst.. Wala na din naman akong magawa kasi nangyari na ang nangyari. Hindi naman ako isang God na makakapag buhay sakanyang muli, I hated his guts pero it still makes me worry! Patay malisya ah, sure na ako kay Zayn pero nakaka-awa talagaaaaa. Urghhh!

"Hey, kanina pa kita tinatawag. Nakatulala ka lang diyan, what are you thinking of? Ang lalim ah." sabi ni Zayn bago niya tinapik ang mga kamay niya sa shoulders ko. Tinatawag pala niya ako?

Tinaas ko ang tingin ko,
"I'm sorry, iniisip ko lang si Suzie kung okay lang ba siya sa bahay. Namimiss ko kasi siya eh!" palusot ko naman at mukhang napaniwala ko naman siya sa alibi ko.

"Kaya nga bilisan na natin dito para mailibing na si Dale. So we can see our daughter earlier than the expected time!" sabi niya naman na ikinatango ko nalang at tumayo na.

Yes, ipapalibing namin si Dale. Nagmaka-awa kasi ako kay Zayn na kahit ipalibing lang namin si Dale ay gagaan na ang luob ko. Kahit kami lang ng mga close friends niya na nakaka-alam ang ininbita namin.

And for the burial requirements, wala nang problema kasi maraming kapit si Zayn. And you know him, he wants everything fast and rushed! He is not a man that can to waste time even if he wants to.

Narinig ko naman na nag ring ang phone ni Zayn kaya tinignan ko iyon, nag sign naman siya na hintayin ko lang daw siya at lumayo siya somewhere na walang ingay.

Bumalik naman siya agad na nag me-meet ang mga kilay niya. "I have a meeting after this, sumabay ka nalang sa van ng guards." sabi niya. Okay lang din naman saakin kasi sanay na ako! "I told you na nga ba eh, he doesn't need a fancy burial. He will still rot in hell anyways!" mahina pero madiin niyang saad.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya he looked at me in defeat at tumigil na sa pag sasalita at nag hintay nalang kami kung kelan matapos.

--

Natapos na ang burial ni Dale. Umuwi na din kami agad dahil kanina pa tumatawag si Beatrice na hinahanap na daw kami ni Suzie! Ayaw naman paawat nung batang iyon kaya medyo mahirap kontrolin.

My child is a wise child, hindi siya madaling mabiro. Na mana niya ata yan kay Dale, ewan ko ba! If she knows a topic is serious, she will be serious also. Manang-mana talaga kay Dale!

Kakaisip ko sakanya, namimiss ko tuloy siya. Patay malisya! Kahit naman ex-husband ko siya at marami siyang kasalanan ay may pinagsamahan din naman kaming dalawa.

Hindi ko namalayan na umabot na pala kami ng bahay. "I was talking earlier sa sasakyan. Nakatulala ka kaya I did not bother you anymore." walang ekspresyon na sabi ni Zayn saakin bago pumasok at umakyat na sa taas. He did not even let me speak!

Anyare dun? Nagtampo ata, patay ako netoh. Ganun ba ka importante ang sinasabi niya kanina na nagtampo talaga siya? Mamaya ko nalang susuyuin yon, si Suzie muna uunahin ko.

"Mommy, you're back!" agad na bungad saakin ni Suzie ng makita niya ako. She opened her arms to hug me, so did I. Nakita ko namang pababa na si Zayn, nakabihis na siya ng naka tux at may dala ng briefcase.

Ang dali lang niyang nakabihis ah? Ganun ba ka rush ang meeting niya ngayon? I kissed him goodbye, at siya din. "I love you honey." sabi niya and kissed me in the forehead. "I love you more!" sabi ko din and he just smiled. Hinalikan ko siya sa pisngi dahil andito pa si Suzie, napag-usapan na namin yan dati pa.

"Babalik ako mga 5 pm na ah? If matatagalan, don't wait for me." sabi niya bago lumabas at narinig ko naman ang sasakyan niyang umandar na. "Mommy, get the both of you a room! You did not even give me a kiss tapos si daddy binigyan mo, how unfair." singit ni Suzie na naka pout pa.

Asusss, ang baby ko nag seselos! WAHAHAHAHAHA ang kyut tignan. "Syempre ikaw, doble pa sa kiss na ibinigay ko kay daddy." pagbibiro ko bago siya binigyan ng kiss sa buong mukha niya, we both laughed.

Buti na din yun, atleast alam kong hindi masama ang luob saakin ni Zayn. Hindi ako mag-aalalang maghihintay sakanya mamaya kung hindi pa siya makakauwi ng maaga!

Ininbita ako ni Suzie na makipag laro sakanya ng mga wooden toys niya. Ayaw kasi namin ni Zayn na plastic or metal ang toys ni Suzie dahil baka makain daw niya ito o magka sugat siya, kaya mas nice talaga ang wooden toys.

"Mommy, ever wondered if daddy is cheating on you?" biglang tanong ni Suzie na ikinagulat ko naman. Saan niya nalaman ang mga bagay na iyon? Hindi muna ako sumagot.

Well I think it is better to start showing her the reality on an early age, right? "Hmm, oo. Minsan! Pero I always think on the brighter side, ika nga daw kasi nila na if you truly love someone, you truly have strong trust to that person." pag papaliwanag ko sakanya.

"Mommy what is love for you?" tanong na naman niya, jusko! Kaka chismis niya toh sa mga maids dito, pustahan pa nga eh. "Hmm, later na yan! Gusto mo munang kumain? I will make lunch for you." nakangisi kong sabi. "Mommy, change topic ka naman eh! And besides, mag rereklamo lang ako if I am hungry." reklamo niya saakin.

See? Nakikita niyo na ba, hindi mauto itong batang ito. Jusko, ang bata-bata pa pero sobrang wise mag isip. Grrr! "Anak naman--" naputol ang sasabihin ko when she placed her pointing finger sa bibig ko. "Mommy! I am not inlove yet, okay? I just want to be aware on what the real world is like. Besides, boys on our school are so baduy!" sabi niya na may inarte tone pa sa ending.

"Hoy ikaw ha! Promise me na you will not have a boyfriend till you graduate high school or 18 years old. Ang bata-bata mo pa tapos you know something about that na!"

"Mommy, I know nothing,kaya nga nag tatanong ako sayo diba? Mommy naman eh, nagmana ba talaga ako sayo or kay daddy Zayn?" tanong niya naman. And yes, hindi pa namin sinabi sakanya na ang tunay niyang ama ay si Dale. Since dati, hindi niya natatandaan ang childhood niya kaya pinakita nalang namin na tunay na daddy niya si Zayn.

I glared at her. She also glared at me! Aba't ayaw talaga magpatalo ng batang toh, ang sarap tuloy kurotin. "Tsk, mabuti pa at tulungan mo nalang akong mag luto ng lunch natin." utos ko sakanya at tumayo na.

Nagugutom din kasi talaga ako kaya para maiwasan ko ang tanong niya ay I change the topic again but this time, she did not notice. Mas ever witty pa rin talaga ang mommy kesa sa anak, kala niyo papatalo ako ah?

Love for me naman is the feeling that you feel for someone you care the most, you trust the most and you always think about the most. But is there something else?

Pero ang ganda din naman talaga ng question niya, what is really love?

xxxx

Uy what is love daw! Comment niyo dito kung ano talaga para sainyo ang love. Till next update, bye loves!

-@mooseyhoneycups

Me and my Step-brother (16+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon