*STILL EURYDICE POV*
Masama ang gising ko ng magising ako sa umaga halos mapahilamos ako sa mukha ng mapanaginipan ko ang nakaraan ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa masamang panaginip na 'yon, lagi nalang ganito parati akong dinadalaw ng nakaraan ko.
Sa tuwing napapanaganipan ko ang pangyayari sa nakaraan ko, nakakaramdam ako ng matinding galit sa kalooban ko.
Shit!
Sa ngayon nakatayo ako sa harapan ng salamin. Nakatingin ako sa sarili ko na ngayon ay walang bakas na reaction ang mukha. Ganito na ako mula palang dati. Nakakaawang isipin na nagbago ako, nagbago ang lahat ng masaksihan ko ang kagimbal-gimbal na pangyayari dati. Nadagdag pa yun ng masaksihan ko ang katarantaduhan ng ungas na 'yon.
At mas lalong lumala ng ipagtabuyan pa ako ng sarili kong pamilya.
Nakakabanas!
Dahil sa sobrang inis lumabas na lamang ako sa kwarto. Pagkalabas ko sumalubong sa akin si scarlet na may ngiti sa labi. Diko maiwasan na hindi makaramdam ng galit sa tuwing nakakakita ako ng masayahin na tao sa paligid ko.
“Good morning eurydice...”masigla niyang bati sa akin ngunit diko siya pinansin. Dumiretso lamang ako sa dining room at dun nadatnan si sierra na naghahanda ng pagkain sa mesa.
“Good morning sleepyhead..”bati niya sa akin nang makita ako.
"Ok."tipid na sambit ko tapos ay umupo sa upuan. Tumabi naman siya sa akin at mabilis na nagsandok ng kanin sa platito.“I can handle myself”malamig kong aniya sa kanya. Daig niya kasi ang nanay kong kumilos, nakakairitang tingnan.
"Fine!"roll eyes niya sabay kain sa tabi ko. Sakto naman dahil umupo sa kabilang upuan si scarlet.“Kumain kana scarlet para makaalis na tayo.”tugon niya kay scarlet na ngayon ay tahimik na nagsasandok ng kanin. Diko lamang sila pinansin, basta tahimik lang akong kumain hanggang sa basagin bigla ni sierra ang katahimikan.
“Siguro naman nasa matino kang pag-iisip ngayon eurydice.”
"Then?"
Humigop ako ng kape at tahimik siyang tiningnan.
“Siguro naman ay pwede natin pag-usapan ang nangyari kagabi. Kung bakit ganon ang itsura mo pag-uwi mo kagabi.”
“Wala ako sa mood na pag-usapan 'yon.”seryosong sambit ko.“Kausapin niyo ako pag wala na ang pagkadtrip ko. Sa ngayon lumalayo-layo kayong dalawa sa akin at baka sa inyo ko pa maibunto ang galit ko.”
“Ano ba kasing nangyari at bakit ganyan ka makapagsalita ngayon?”
“Pwede ba! Wag ngayon magulo pa isip ko.”
“Kaya nga sabihin mo sa akin ang problema mo para masolutionan natin yan.”
“Dika ba talaga makaintindi o kailangan ko pang tahiin ang bibig mo para lang matahimik ka”
“The heck! Eurydice naman! Gusto ko lang malaman kung saan ka nagpunta kagabi!”pagtataas niya bigla ng boses.
“The fuck!”inis akong napatayo sa upuan."Lumayo ka sakin sierra dahil nandidilim ang paningin ko at baka sayo ko pa mailabas ang galit ko."kalmadong banta ko sa kanya, sabay tingin sa kanya ng blangko.
BINABASA MO ANG
She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)
ActionMay possibilidad ba na magkaayos ang pangkat ng mafias at assassins or mananatiling magkaaway ang dalawang pangkat? Who will wins against Mafias and Assassins? Empress Assassin Vs Mafia Boss STATUS: ON GOING [BEWARE OF THE TYPOS, ERRORS AND G...
