CHAPTER 28

247 4 0
                                    

*ZAYNDEN POV*
“Thank you for your time zaynden.”mahinhin na sabi ni shanella sa akin. Hinatid ko siya sa table na kinaroroonan ng parents ko at daddy niya. Natapos na kasi kaming dalawa na sumayaw. Siguro mga ilang minuto ang tinagal ng pagsasayaw naming dalawa. Diko namalayan ang takbo ng oras dahil natuon sa kanya ang attention ko. Pero inaamin ko mas sasaya ako pagsi damulag ang isinayaw ko kanina. Baka matuwa pa ako ng husto dahil may maaasar ako. Hehe.

“Welcome.”nakangiting sagot ko. Damn! Ang ganda niya talaga.

“You're finally here.”bungad ng dad niya sa aming dalawa matapos kaming makarating sa table na kinaroroonan nila. Bumungad sa amin ang nakangiting parents ko at dad ni shanella. Pero teka bakit wala si big bro kanina lang andito siya siguro ay umalis lamang siya.

“Daddy”sambit ni shanella. Humalik siya sa pisngi ng dad niya bago tumabi sa tabi ni zaynab na ngayon ay malawak na nakangiti sa akin.

Alam kong mang-aasar na naman ang babaeng 'to.

“So how's your feeling about zaynden? I mean I wanna ask the moment that you spent with zaynden.”sabi ng dad niya sa kanya. Masaya akong maisayaw siya pero mas sasaya ako pag si damulag yung naisayaw ko.

Sana man lang andito ang babaeng 'yon para naman makaramdam ako nang kunting kasiyahan.

“Dad naman!”nahihiyang sambit ni shanella. Kita ko sa kanyang mukha ang pamumula.“It's totally fine!”nahihiyang dagdag niya.

Ang cute niya talagang magblush!

“How about you big bro? Kamusta naman ang moments mo kay shanella?”nang-aasar na tanong ni zaynab sa akin

“I know that zaynden is happy, zaynab. So, don't ask him anymore”malamig na sagot ni dad sa kanya

Ayan napagalitan!

“I know dad”giggle ni zaynab sabay ngiti kay shanella na ngayon ay nakangiti sa akin. Sige lang!“Hey shanella? Do you like my big bro? You two is perfect match”pang-asar na sabi niya kay shanella na ngayon ay namumula ang mukha.

“Stop teasing her princess!”saway ni mommy sa kanya

“Hahahaha..”tawa bigla ng dad ni shanella. Putcha! Ang sarap ng umalis dito.“It's okay. It's obviously that my daughter is like your son, Mrs. Archibald.”ngiting pagkakasabi ng dad ni shanella

Bwesit naman! Pero hindi ko gusto ang anak niya dahil iba ang gusto ko.

O_o

Bwesit talaga 'tong kapatid ko! Kung ano-ano nalang kalokohan ang naiisip niya.

“Dad stop it! You're embarrassing me!”nahihiyang sambit ni shanella. Pinisil bigla ng dad ang pisngi niya at nag chuckle.

“You don't need to be shy princess. I know that zaynden is like you too. After that you will be a perfect couple.”

O_o

Wtf!

Hell no! Kahit maganda pa ang anak niya diko pa rin yan magugustuhan. Gusto ko yung kasing astig ni damulag. Yung tipo na walang pakealam sa nakapaligid sa kanya. Ayoko ng babaeng mahinhin dahil nakakawalang gana makisama sa katulad nilang napakatahimik at mahiyain.

“Dad!”

“Hahahahah! You're blushing princess”pang-asar ng dad sa kanya. Tss..hindi na ako natutuwa dito mas mabuti sigurong umalis na lamang ako para makaiwas sa dad niyang mapanukso.

“Alam kong gusto ka rin ni big bro shanella kaya wag mo nang itago ang feelings mo kay big bro. Baka kayo pang dalawa ang magkatuluyan sa huli.”sabi ni zaynab na ikinalaki ng mata ko

She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon