*CLARKSONNE POV*
“Boss sino yung kausap mo kanina?”tanong ni harry sa akin. Andito kami sa bar na pag-aari ko. Hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni princess. Wala akong idea kung saan niya nakuha ang imformation, I mean ang bilis naman niyang malaman."Ang seryoso kasi ng mukha mo kanina boss."sabi naman ni brent habang nakaupo sa tabi ni william na ngayon ay umiinom ng alak. Gabing-gabi ngunit hindi pa rin nababawasan ng tao ang bar. Napapagod na akong umaligid sa paligid dahil sa dami ng away na nagaganap sa loob ng bar. Sarap nilang pagbabarilin para mawala na sila sa paningin ko. I mean yung customer ko pala. Masarap pagbabarilin para naman mabawasan sila. Hehe.
“Si princess ang kausap ko kanina mga ugok.”sagot ko. Isinandal ko yung ulo ko sa upuan at tahimik na pinagmasdan ang paligid ng bar. Sa dami ng gangster at mafia na customer wala man lang nakakilala sa amin. Ganito naba kabobo ang mga mafia at gangster para hindi makilala ang tunay naming pagkatao.
“Tapos?”sambit ni harry. Inalis ko ang attention sa paligid at seryoso silang tatlo na tinignan.
“May pinapautos siya sa akin..”
“Then boss?”sambit rin ni william. Nakakapikon ang mga ungas na 'to.
“May sinabi siya sa akin..”I paused.“Andito sa pilipinas ang babaeng yun at pinapautos niya sa akin na hanapin ko siya at iharap sa kanya.”
“Eh? Sinong babae?”naguguluhan na tanong ni brent. Tangina! Sa tagal ng pagsasama naming apat hindi pa niya kilala ang babaeng tinutukoy ko ngayon.
“Putangina ka talaga! Edi sino paba kundi ang kamukha niya!”pasigaw na sagot ko sa kanya
“Hindi nga boss?”singit ni harry. Sumeryoso ang kanilang mga mukha. Mabuti para naman makausap ko sila ng matino.
“It's means handa na siyang magpakita sa atin. Especially kay eurydice.”sambit ni william
“Maybe?”
“Pero teka magkaano-ano ba sila ni eurydice?”tanong ni brent. Sa ngayon diko muna sasabihin sa kanila dahil maski ako diko alam kung magkaano-ano sila eurydice at babaeng yun. Kahit kadugo ko si eurydice may parte pa rin sa kanya na hindi ko alam. Masyado siyang mysteryoso kaya walang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Kahit ang takbo ng isipan niya diko mahulaan mahirap talagang kilalanin ang tunay niyang pagkatao. Sa ngayon mabait pa ang eurydice na kasama namin pero pag nagising yun sa tunay niyang sarili d'yan na lalabas ang tunay niyang pagkatao.
“Yan ang diko masasagot ”sagot ko na lamang. Subukan ko ngang tanungin si princess baka sagutin niya ako pero dina ako mag-eexpect pa dahil alam kong wala akong sagot na matatanggap mula sa kanya.
“Sure kabang hindi mo alam boss?”paninigurado niya sa akin.“Diba mag cousin kayong dalawa ni princess?”tanong niya
“Mag pinsan kami pero may parte sa kanya na hindi ko alam. Kilala mo si princess 'di yun mahilig magkwento sa pamilya niya at sarili. Kahit close kaming tatlo nila eugenne may parte pa rin sa pamilya nila na hindi ko alam. Di nga ako sure kung apat silang magkakapatid basta ang alam ko apat lamang silang magkakapatid. Sina eugenne, eurydice, eunice, at euraden silang apat ang magkakapatid parehong mysteryoso.”
“I see. It means malihim ang pamilya ni princess boss.”
“Yeah. Pero para sa akin ang babaeng yun parang kakambal ni princess. Ewan ko lang kung sure ako sa nararamdaman ko. Actually magkamukhang-mukha talaga sila ni princess kaya masasabi kong magkapatid silang dalawa or magkambal.”
“Baka kapatid nga yun ni princess.”usal ni harry.“Pwede din kambal ni princess.”dagdag niya.
Impossible!
BINABASA MO ANG
She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)
ActionMay possibilidad ba na magkaayos ang pangkat ng mafias at assassins or mananatiling magkaaway ang dalawang pangkat? Who will wins against Mafias and Assassins? Empress Assassin Vs Mafia Boss STATUS: ON GOING [BEWARE OF THE TYPOS, ERRORS AND G...