CHAPTER 16

383 10 1
                                    

*AZRAEL POV*
“Hey azrael musta?”pormal na pagkakasabi ni zayn sa akin. Medyo nagulat ako dahil pagkapasok ko sa office nadatnan ko si zayn. Diko inaasahan na bibisita ang lalaking 'to sa school. Sabagay bihira lang ang ganitong opportunity.

“Anong ginagawa mo dito?”tanong ko sa kanya. Naglakad ako patungo sa table ko at umupo sa swivel chair at direkta siyang tiningnan

“I'm just visiting my brother.”

“Seriously?”smirked ko. Malaki pinagbago ng lalaking 'to mas lalo siyang nag matured ngayon“Kung gusto mong bisitahin ang kapatid mo dun mo puntahan sa classroom hindi sa office ko.”

“I'm just joking.”bawi niya.“Pumunta talaga ako dito para bisitahin ka saka mamaya na ang darating na ang parents ko.”

O_o

What?

“Then?”kalmado na sambit ko

“Actually. Ang pinoproblema ko ay yung kapatid ko diko alam kung pano siya kukumbinsihin pre. Parang hindi pa siya ready na maghari sa mafia, iyan ang malaking problema ko. Sa totoo lang ayaw ko rin na maging mafia boss ang kapatid ko dahil sa attitude niyang napakachildish.”litenya niya.
Problema yun ng lalaking yun dahil sa pagiging immature niya. Saka kasalanan rin ng magulang niya dahil pinalaki nila itong isip bata.“Pwede naman sigurong ikaw nalang ang pumalit sa kanya.”

What the?

Iyan ang diko magagawa minsan na rin akong nagkamali kaya diko na uulitin ang pagkakamali ko. Lalo pa't may binabantayan akong tao ngayon hangga't maari diko gagawin ang sinasabi niya.

“I won't.”matigas na sambit ko.“Hindi ko pwedeng gawin yun zayn.”

“Why?”seryosong tanong niya.

“Dahil ayaw ko.”

“Pero mas magaling ka sa kapatid ko. Kilala mo ang lalaking yun, ni paglaban sa sarili niya hindi niya magawa ang humawak pa kaya ng malaking organizations.”

“Diko kasalanan kung immature ang ugali ng kapatid mo.”

Haayyss..”he sigh.“Nga pala may nabalitaan ako sayo. May nabalitaan akong may bago kang girlfriend sa hogwarts university."

Seriously?

Ningisihan ko siya.“Yeah. Makikilala mo siya as soon as possible.”

“Mabuti. Anong pangalan?”

“Eurydice.”

“Nice name.”ngiti niya.“Pero familiar.”

“At pano mo nasabi?”tanong ko sa kanya.

“Wala lang. Pakilala mo siya sa akin para naman makita ko siya sa personal.”

“Sure”

Sino naman kaya ang nagpakalat ng balitang yan ang bilis mag spread. Ano nalang kaya ang sasabihin ng babaeng yun pag nalaman niya ang tungkol sa bagay na 'to especially sa kanya.

“Sino nga ulit yung last ex mo pre? Ano nga ulit pangalan niya?”seryosong tanong ko sa kanya

“Avonne.”maikli na sagot niya.

Hindi naman siguro?

“Bakit mo natanong?”tanong niya sa akin

She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon