CHAPTER 32

304 5 0
                                    

*EURYDICE POV*
“Mamaya nalang tayo bumalik sa classroom damulag. I mean hindi pa naman tapos ang subject ni sir yasiro.”wika ni payatot

Nandito kaming dalawa sa clinic pinapagamot ang sugat niya sa mukha.

“Ok fine.”tipid na sagot ko. Ginagamot siya ngayon ng nurse. Medyo nakikita ko ang pagtiis niya, hindi kasi maipinta ang mukha niya habang ginagamot ng nurse ang pasa niya sa mukha.

“M-masakit..”reklamo niya. Nakaupo siya sa kama habang patuloy siyang ginagamot nung nurse.

“Tiisin mo eho. Malapit na 'tong matapos.”wika ng nurse na gumagamot sa kanya

Psh...

“Teka muna nurse.”pigil niya bigla sa nurse

“Bakit eho?”

“Wait lang po.”sambit ni payatot. Tumayo siya sa kama na inuupuan niya at naglakad patungo sa sofa na inuupuan ko.“Oy damulag. Dito ka sa tabi ko para diko maramdaman ang hapdi.”bungad niya sa akin

Seriously? Kalalaking tao takot na gamutin ang sugat niya.

Tss...

“Bilisan muna na ng---”

Bigla na lamang akong nagulat ng bigla niya akong hilahin patayo. Hinila niya ang kamay ko patungo roon sa kinatatayuan nung nurse na ngayon ay nakangiti sa amin.

Umupo si payatot sa kama at hinila ako paupo sa tabi niya.

“Bwesit ka talagang payatot ka. Sinasali mo na nam-----”

“Just shut up damulag. Gusto kong nasa tabi kita habang ginagamot ako.”putol niya sa akin

“Ang cute niyong tingnan. Mag couple ba kayong dalawa?”singit bigla ng nurse sa amin. Hindi ako sumagot pa.

“Bagay ba kaming dalawa?”ngiting pagkakatanong ni payatot sa nurse

“Perfect match eho.”thumbs sa kanya ng nurse. Agad na ngumiti ng pagkalawak-lawak si payatot sa akin.

“Oy damulag! Perfect match raw tayong damulag!”

-_-||

“Then?”sambit ko lamang.“Gamutin mo na nga ang lalaking 'to para makaalis na kaming dalawa.”saad ko dun sa nurse

“Sige eha.”ngiti lamang niya sa akin. Nakakawala tuloy ng mood ang payatot na 'to. Kala mo naman nakakatuwa ang pinagsasabi niyang perfect match.

“Hawakan mo kamay ko damulag habang ginagamot ako ng nurse.”utos bigla ni payatot sa akin

“Baliin ko kaya ang hintuturo mo!”pagbabanta ko bigla sa kanya na ikinangiwi niya

“Nakakainis ka talagang damulag ka!”pasigaw niyang sabi sa akin. Siya na nga ang nang-uutos siya pa 'tong may ganang magalit sa akin.“Hahawakan mo lang naman ang kamay ko ha!”inis na sabi nito sa akin

-_-||

“Bwesit ka talaga.”sambit ko na lamang at inis na hinawakan ang kanyang kamay. Agad lumawak ang ngiti niya sa akin. Tinaas pa niya ang kamay namin na magkahawak at pinakita sa nurse na ngayon ay nakangiti sa amin pareho.

“Tignan mo nurse magkahawak kami ng kamay ni damulag.”pagmamalaki niya dun sa nurse. Napakaisip bata talaga ng lalaking 'to.

“Sweet..”compliment sa amin ng nurse. Tch! Mabuti nalang ginagamot na siya ng nurse kaya medyo natahimik na si payatot pero shit lang dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Yung tipo na wala nang balak na bitawan ang kamay ko.

“May sasabihin ako damulag at sana pakinggan mo ako.”rinig kong sabi ni payatot sa tabi ko

“Tapos?”

She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon