*AZRAEL POV*
“Anong kinalabasan wade? I mean napag-alaman kong empress assassin daw ang umatake sa party”sabi ni raoul. Nakaupo ako sa sofa habang hawak ang tequila. Mula kanina nag-iisip na ako ng malalim. Nag-iisip ako kung bakit hindi ko man lang nakalaban ang empress assassin kanina. Kung ako yun baka kanina ko pa siya tinapos. Hindi ko palalampasin ang opportunity na yun dahil iyun na sana ang araw na ipaghihiganti ko ang pagkamatay ng pamilya ko. Ang tanga ko! Sana pala sinundan ko sila zaynden at kenzei kanina! Masyadong natuon kay eurydice ang attention ko kaya diko namalayan na umatake na pala ang kalaban.Pero mag-isa lang kaya ang empress assassin? Ang sabi ng dad ni zaynden may kasamahan daw ito at sila ang naglagay ng bomba sa hotel na pinangyarihan ng pagsabog.
Iyan ang nakuha kong imformation ng imbestigahan ng pulisya ang pinangyarihan ng pagsabog.
“Ang empress assassin daw ang umatake kanina. Sayang nga lang dahil diko siya nakaharap. Kung ako ang nakaharap niya baka diko na siya pinalampas kahit babae pa siya.”seryosong sabi ko. Shit talaga! Magandang opportunity na sana ito kaso nasayang pa! Tangina talaga ang araw na ito! Ang malas-malas!
“Chill lang wade.”pagpapakalma ni raoul sa akin. Shit! Pagkakataon ko na sanang patayin ang empress assassin kaso hindi ko nagawa dahil sa iba nabaling ang attention ko!“Ayan kasi! mas inuna mo kasi si eurydice. Hindi mo tuloy namalayan na umaatake na pala ang kalaban kanina.”dagdag niya sabay ngisi sa akin
Putcha!
“Hmph! Madami pang araw kaya magkikita pa rin kami ng empress assassin na yun. Wag kang masyadong atat dahil hindi pa nagsisimula ang tunay na laban! Darating rin ang araw na magkakaharap ang pangkat ng mafia at assasins! Pagnangyari yun d'yan na magtatapos ang malaking laban sa dalawang pangkat. D'yan magkakaalaman kung sino ang matitira sa dalawang pangkat depende na lamang! Pero para sa akin mafia talaga.”litenya ko bago nilagok ang tequila. Inis kong nilapag ang bote sa maliit na mesa.“Sa ngayon diko muna poproblemahin yun. Marami pang araw na dadaan kaya wag nalang tayong maging atat. Saka si eurydice naman talaga ang nasa isip ko kanina. Kahit mayabang ang babaeng yun diko pa rin makakaila na may kahinaan siyang tinatago.”dagdag ko pa
Bigla ko tuloy naalala ang ginawa ng ugok na yun kay eurydice. Nandilim yung paningin ko kanina ng saktan ni kenzie si eurydice sa harapan ko. Sa lahat ng ayaw ko ay yung sinasaktan ang babae sa harapan ko. Kung wala lang talaga ang kasamahan ni kenzie tiyak na kanina pa siya binura sa mundong ito. Totohanin ko talaga ang gagawin ko, balak kong patayin ang ugok na yun.
“Nga pala wade may nabalitaan rin ako kanina. Nalaman ko lamang ito kay zayn. Sinabi niya sa akin na sinuntok mo raw si kenzie kanina at bakit mo naman ginawa yun sa kanya?”
Hmph!
“He deserve it after all dahil sa pagsampal niya sa mukha ni eurydice. You know me na ayaw na ayaw kong may babaeng sinasaktan sa harapan ko. Lalo na ang ginawa ng ungas na yun kay eurydice. Sinaktan niya ito sa harapan ko.”
“Tch! Mas mabuti rin yun sa kanya dahil sa pananakit niya kay eurydice! Sana pinatay muna lang ang mayabang na yun para mabawasan ang kayabangan ng ungas na yun!!”
“Hmph, no need. Matagal ng namatay ang ungas na yun sa isipan ko.”sabi ko
“Kahit na! Deserve pa rin niya ang patayin! Kung ako yun baka binura ko na ang ugok na yun! Pero teka lumaban ba si eurydice kanina?”
“No. Kahit malakas ang babaeng yun alam kong hindi pa rin niya matatalo ang ungas na yun. Saka anong kwenta ko kung hindi ko siya ipagtatanggol.”
“Sabagay may point ka wade.”ngiti niya.“Mayabang lang ang ungas na yun dahil kasali siya sa matataas na official ng mafia!”
BINABASA MO ANG
She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)
AzioneMay possibilidad ba na magkaayos ang pangkat ng mafias at assassins or mananatiling magkaaway ang dalawang pangkat? Who will wins against Mafias and Assassins? Empress Assassin Vs Mafia Boss STATUS: ON GOING [BEWARE OF THE TYPOS, ERRORS AND G...