*MALL*
*ZAYNDEN POV*
Andito ako ngayon sa loob ng mall mag-isang naglilibot. Medyo wala ako sa sarili ko dahil sa nangyari sa magulang ko kanina. Nawala ang magandang badvibes ko napalitan ito ng pagkabadtrip, nawalan tuloy akong gana ng mamili. Siguro ay uuwi nalang ako dahil medyo matagal-tagal rin akong nag-iikot sa loob ng mall. Wala akong mabili dahil ang papangit ng mga damit nila dito. Idagdag mo na rin ang walang kwenta nilang mga negosyo.Sa ngayon nandito ako sa ikatlong palapag ng mall mag-isang naglalakad patungo sa isang jewelry store. Naisipan ko kasing bilhan ng pasabulong ang kapatid ko para naman matuwa yun pag-uwi ko. Gusto ko lamang siyang bilhan ng regalo para kahit papano mawala ang lungkot niya kanina. Nakita ko kasi kanina na sobrang lungkot ng mukha niya ng makita niya ang pag-aaway ng magulang namin sa harapan niya.
Bilang kuya niya gusto kong ibsan ang lungkot ng prinsesa ko ayokong nakikitang malungkot ang prinsesa ko dahil ito ang ikakalungkot ko.
Pumasok ako sa loob ng jewelry store at sumalubong sa akin ang dalawang saleslady na abot tenga ang ngiti.
“Kyah! Ang gwapo-gwapo niya!”
“Gosh! Artistahin!”
“Tignan mo ang gwapooo!!”
“Wah! Sino yan bakit ang pogi!”
Yung mga saleslady dito kinikilig habang nakatingin sa'kin. Medyo may kalakihan yung jewelry store kaya medyo madami-dami ang tao sa loob pero 'di masyado. Yung iba nagtitingin-tingin lamang ng jewelry ngunit walang balak na bumili ng items.
“S-sir?”
Pabebe rin ang dalawang babaeng 'to kailangan pa talagang mautal. Ganito naba ako kagwapo para matulala silang dalawa sa akin. Kung sabagay mala artistahin rin ang mukha ko kaya dina ako magtataka kung hindi sila matulala sa kagwapohan ko.
“What?”iritang usal ko sa kanilang dalawa
“Wala po.”tila natauhan yung isang saleslady at daling-dali niyang hinila yung kasama niya paalis sa harapan ko.“Buti na---”
Tila tumigil ang mundo ko at kasabay nun ang paglakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko si damulag na kausap yung isang saleslady. Halos mapalunok ako ng makita ko ang suot niya. Damn! She's wearing a black jogger pants and black croptop along with the versace shoes. Damn!
How can I move kung andito siya.
“Kukunin niyi po ba ang kwentas na napili mo ma'am?”rinig kong tanong nung saleslady sa kanya. Nakatalikod si damulag sa akin while kaharap niya yung saleslady, ako naman ay nakatingin sa kanya. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko kilala ko siya dahil sa pangangatawan niya. Medyo chubby siya at matangkad na babae kaya madali ko siyang nakikilala agad. 'Tas nakilala ko rin siya dahil sa kulay ng buhok niya, blonde kasi ang buhok niya at curly kaya ko nakilala agad.
“Yeah. How much is it?”
Sa lamig ng boses niya kilala ko na, kasing lamig ng boses niya ang boses ni dad. Kung tutuusin pareho silang dalawa ni dad ng personalidad.
“50,000 ma'am?”
“Ok.”
Saglit akong napalunok ng lumingon siya sa likuran niya halos manlaki ng kunti ang mata niya ng makita ako ngunit diko pinahalata sa kanya na hindi ako mapakali. Normal lamang na kilos ang pinakita ko sa kanya para hindi niya mahalata ang kinikilos ko.
Siya naman ay nagcrossed arm at naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kabado pa ako dahil ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko, tila rin tumigil ang mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)
ActionMay possibilidad ba na magkaayos ang pangkat ng mafias at assassins or mananatiling magkaaway ang dalawang pangkat? Who will wins against Mafias and Assassins? Empress Assassin Vs Mafia Boss STATUS: ON GOING [BEWARE OF THE TYPOS, ERRORS AND G...