*EURYDICE POV*
"Oh nagabihan ata ka ng uwi ngayon eurydice?"bungad sa akin ni sierra ng makapasok ako sa loob ng bahay."San ka pumunta?"tanong niya at tinaasan ako ng kilay"Mall."maikli na sagot ko. Dumiretso ako sa living room at dun nadatnan si scarlet na nanonood ng tv. Tawang-tawa pa siya habang pinapanood ang ang tom and jerry na cartoon. Ako naman ay umupo sa sofa at tahimik na sinandal ang ulo sa sofa. Medyo napagod ako dahil sa pagsama ko kay payatot. Sana pala diko nalang sinamahan ang lalakikg yun sa mall para nakauwi agad ako ng maaga."Where's clark and eugenne?"bungad kong tanong kay sierra ng makita ko siyang patungo sa sofa na inuupuan ko.
"Si eugenne nasa hospital may inikaso. Bukas pa raw siya makakauwi dahil may pasyente siyang ooperahan ngayon. 'Tas si clark nasa bar may inikaso rin ito. I think bukas rin sila uuwi ng kaibigan niya."sagot niya. Umupo siya sa tabi ko at tahimik akong tinignan."You look tired?"tanong nito bigla. Sinong hindi mapapagod atakihin ba naman ako ng allergy ko buti na lamang hindi malala, naagapan ko agad. Mabuti nalang may dala akong gamot kahit papano nakaligtas ako sa kamatayan kaso nga lang masama ang pakiramdam ko ngayon.
"May nangyari lang"malumanay na sagot ko. Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Akalain mo may haharang sa daan ko na gangster at talagang muntikan ko pa silang makalaban kanina.
--------------------FLASHBACK---------------
"Shit!"napamura ako ng biglang may humarang sa akin. Naihinto ko yung motor ko ng harangan ako sa isang eskinita na walang katao-tao. Kamalasan ang araw na ito dahil sa mga gangster na makakalaban ko ngayon. Sana pala hindi nalang ako dumaan dito para hindi ako makahanap ng panibagong kalaban. Mukhang mapapalaban ako ngayon dahil sa mga gagong 'to.
"Wow! Ang ganda ng motor niya
mga preee!!"nakangising sabi nung ungas na may hawak na baseball bat. Medyo madami-dami sila kaya mapapasubo ako nito."Makakadaan ka sa amin kung ibibigay mo ang mamahalin mong motor!"sabi pa ng isang ungas na may hawak 'ring baseball bat.
Ano sila siniswerte para ibigay ko ang mamahalin kong motor. Mamamatay muna sila bago nila makuha ang ducati motor ko. Mas mahal pa ito sa buhay nila.
"Bumaba ka riyan at ibigay sa amin ang ducati motor mo!"maangas na sabi pa ng isang ungas
"Bingi kaba! Bumaba ka sabi sa motor mo at ibigay sa amin!"sigaw bigla nung mastermind nila na may hawak na baril. May suot itong bandana sa noo diko makakaila na isa nga itong gangster base na rin sa mga suot nila at tattoo.
"Bingi ata boss! Ano resbakan natin!"
"Minamaliit mo ba ang boss namin! O sadyang bingi ka lang para hindi marinig ang sinabi niya!"
Tsss...
Kung sagasaan ko kaya sila ng motor para tumabi sila sa daan ko.
"Ano ba! Sabing bumaba ka sa motor mo! O gusto mo pang bugbugin ka namin para lang bumaba ka dyan sa motor mo!!"
Ang daldal. Akala mo naman natatakot ako sa kanila.
"Barilin mo boss para bumaba sa motor niya!!"
"Manahimik ka at baka ikaw pa ang barilin ko dyan!!"
Tss...
"Padaanin niyo ako kung ayaw niyong sagasaan ko kayo."malumanay na sabi ko sa kanila
"HAHAHAHAHAHA!!!"tawanan nila bigla
"Ang tapang-tapang mga preee!! Akala mo naman may laban sa atin!!"
"Wag kang magmayabang kung ayaw mong mamatay ng maaga!!"
"Hindi ka makakalabas ng buhay dito kaya amin na yang motor mo! Kung gusto mo pang mabuhay!"
"Talaga?"
BINABASA MO ANG
She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)
БоевикMay possibilidad ba na magkaayos ang pangkat ng mafias at assassins or mananatiling magkaaway ang dalawang pangkat? Who will wins against Mafias and Assassins? Empress Assassin Vs Mafia Boss STATUS: ON GOING [BEWARE OF THE TYPOS, ERRORS AND G...