CHAPTER 4

564 19 0
                                    

*STILL EURYDICE POV*
"Hellow everyone, I'm Scarlet Yaz Allisonne.."pakilala ni scarlet sa bago naming mga kaklase na ngayon ay nakatingin sa amin.

"Eurydice Autumn Tuazon.."maikli kong pakilala sa kanila. Wala ako sa mood para makisabay kay scarlet na ngayon ay sobrang energetic. Nakakatamad makisabay sa kaingayan niya daig niya ang pwet ng manok na laging putak nang putak. Walang araw na hindi siya pumuputak. Laging buka ang bibig kaya walang preno ang madaldal niyang bibig na akalay mo'y wala ng bukas.

Tss...

"Find a vacant seat."tugon ni gurang sa amin.

"Oyyy! Eurydice dito!"sigaw ng isa sa mga kaklase ko. Tinanaw ko yung pinanggagalingan ng boses at dun nakita ang tatlong ungas na nakangisi sa amin. Nakaupo silang tatlo sa pinakahulihan na upuan."Wetweww! Dito ka para may chix kami rito!"

Fuck you!

"Wag ka sa kanya! Dito ka sa amin!"sigaw naman ng kabilang row at dun ko nakita ang tatlong lalaki na kumakaway sa amin. Mga gangster sila dahil sa bandana na suot nila sa noo."Dito kayo miss beautiful!"sigaw ni ungas.

"Wag kang makinig sa kanya! Dito kayo sa akin chikababes! Tiyak titirik mata niyo dito!"

Palihim akong napayukom ng kamay dahil sa kalaspatangan nila. Sa lahat ng ayaw ko ay yung binabastos ako sa harapan kalaspatangan ito sa pagkababae ko, dapat matuto silang rumespeto sa akin.

"Wag niyong pilitin kung ayaw! Dito siya sa amin!"sigaw naman ng bagong boses. Natanaw ko ang bagong ungas sa kanan side ng row! Tatlo rin silang grupo kaya nakakawalang gana na makisama sa kanila."Dito ka miss! Mabait kaming tao! Basta pakiss lang kami!"

"Wewww! Sa amin ka miss!"

"Hindi sa amin siya! Mga gago! Ako ang nauna sa kanya!"

"Hindi! sa amin siya! Kami ang pipiliin niya! Mga tarantado!"

"Manahimik kayong lahat!"malakas na sigaw ni gurang. Halos lumabas yung ugat sa leeg niya dahil sa sobrang galit."Dun kayung dalawa na umupo sa tabi ng kaibigan ni Mr. Lienzo"tugon ni gurang sa amin.

"Tama? Tama.."pilit na sang-ayon ni scarlet na mukhang takot na takot sa tabi ko. Napakapit pa ito sa braso ko habang nakatingin sa maaangas naming kaklase na ngayon ay naghihiyawan.

"Whoaaaahhhhh!!!"

"Dun nalang tayo eurydice..natatakot ako sa last row mukha silang mga manyak.."mahinang bulong niya sa akin.

"Dito nalang kayong dalawa na umupo eurydice.."tawag nung rozen sa amin. Tinuro niya ang vacant seat na katabi niya kaya naman daling-dali akong hinila ni scarlet papunta roon."Wag kayong umupo sa likuran nasa likuran nakaupo ang maaangas na gangster.."bungad niya sa amin ng makarating kaming dalawa ni scarlet sa harapan nilang apat

"Hellow, Ganda mo talaga."bati ni lucas sa akin.

"Heh! Saan banda ang kagandahan niya! Puro kayabangan lang ang alam niyan!"inis na sabi ni payatot sa kanya

"Yoww! Masaya ako dahil naging magkaklase tayo!"sabi naman ni isaac."Dito kayo tumabi sa amin dahil maraming manyakis sa likuran.."pabulong na sabi niya sa amin.

She's an Empress Assassin(The Battle Between Mafias and Assassins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon