Date Published: July 29, 2021
DANA
Nakatingin lang ako sa bintana habang nagpapahangin dahil sa kailangan ko ng sariwang hangin ngayon.
Habang nakatingin sa bintana ay may naramdaman akong naglalakad palapit sa pwesto ko at napatingin sa direksyon na 'yon.
Nagulat ako nang nakita ko si Ynna sa Kaharian ng mga Warlock at kasama niya kuya Bryan. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Masaya akong makita ka ulit, Ynna." Masayang saad ko sa kaniya. Masyadong matagal na akong hindi bumibisita sa kaniya kaya talagang na-miss ko siya at ang iba pa.
"Masaya din akong makita ka, Dana." Sagot naman niya.
"Kumusta ka, Ynna? Kumusta sila?"
"Ayos lang ako at nakaligtas naman mula sa Demonaire. At ngayon ay nako-control ko na ang Roseus na nasa katawan ko." Napangiti ako.
"Ayos lang din sila Leirey at halos isang taon nang gising si Danera." Pagbalita niya at mas lalo akong natuwa nang narinig ko ang tungkol kay Danera.
"Kunusta si Danera? Hindi na ba siya galit?" Tanong ko pa sa kaniya at ngumiti siya.
"Hindi naman siya galit dahil sa naintindihan naman niya kung bakit natin ginawa 'yon noon sa kaniya." Sagot niya.
"Buti naman at gano'n." Sagot ko at dumating si Soul dito sa pwesto namin. Napatingin siya kay Ynna at ngumiti ng onti.
"Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkita tayo." Tumango si Ynna sa kaniya.
"Ako si Rose, sa pagkaka-alala ko ay hindi ako nakapagkilala sa 'yo noon dahil sa kulang ang oras natin ng mga panahon na 'yon."
"Soul..."
"Sinunod mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo noon?" Kumunot ang noo ko sa tinanong ni Ynna kay Soul. Tulad ko ay pati si kuya Bryan at nagtaka din.
"Tulad ng sinabi mo, inaalagaan ko naman siya ng maayos kaso makulit." Napatiingin ako kay Soul dahil sa hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila.
"No'ng unang pagkikita namin ay sinabihan niya agad ako na alagaan kita. 'Yon ang unang punta ko sa bayan ng Arizalma."
"Kahit na 'yung mga panahon na 'yon ay hindi pa kita kilala ay sinabihan niya agad ako nang hindi niya sinasabi kung sino ang tinutukoy niya."
"Masyado tayong abala ng mga panahon 'yon kaya naiintindihan ko na wala nang oras para makipagkilala." Sagot ni Soul kay Ynna.
"Kuya, salamat sa paghatid sa kaniya."
"Wala naman akong magagawa eh. Baka sakmalin pa ko ng mga dragon niyan kapag hindi ko 'yan pinagbigyan." Sagot ni kuya.
"P'wede rin naman ipalapa niya ko sa Roseus. 'Wag na lang. Delikado pa naman 'yon." Sabi pa ni kuya habang nakangiwi at natawa ako.
"Gusto kong makita ang Roseus, Ynna." Sabi ko.
"Sa susunod na lang, Dana. Kasi mga oras na 'to ay..." Nagulat ako nang bigla siyang may inatake sa gilid.
Sumabog ang mahika niya at may kumalat na mga talulot ng rosas. May nakita kaming isang nilalang na hindi ko masabi kung ano.
"Aatakihin ko na rin sana siya nang naunahan mo lang ako." Rinig kong angal ni Soul.
"Isang nilalang na taga Underground." Saad ni kuya.
"Underground?" Takang saad ko.
"Mga nilalang na hindi natin alam kung saan talaga nanggaling. Hindi alam kung saang parte ng Magique sila naninirahan." Paliwanag ni kuya.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...